Chapter 27

341 129 5
                                    

Azul Pov

Nakarating kami sa bahay. Napaupo nalang si Dash sa sobrang panghihina niya. "Dash! Hindi kapa magaling! Sigurado akong lalo lang napasama sa iyo ang paggamit mo ng gift." sabi ko. Nagaalala na ako sa kaniya, baka kung mapano pa siya.


Inalalayan ko siya sa malaking sofa na nasa sala upang doon humiga. Mabuti nalang at kumasya siya.


"Wag mo akong alalahanin, ang importante ay ligtas ka" anito habang hawak hawak ang aking mga kamay. Bakit ba ganyan siya? Nasa peligro na ang ang buhay niya pero ako pa rin itong inaalala niya.


Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. He starts kissing me and I didn't hesitate to kiss him back. With this kiss, sigurado na ako. Sigurado na ako na mahal na mahal ko ang lalaking ito. I'm completely in love with him! "Dash, I lo--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nalang siyang maglaho sa harapan ko.


Great! Kung kailan handa na akong magtapat doon pa siya umalis! Just great! "Azul, ikaw ba iyan?" si Mama! Mabilis akong lumapit sa kaniya, nasa kusina lang pala siya!


Dali dali ko siyang niyakap. I miss her so much! Mabuti nalang at ligtas na siya! "Azul! Anak! Salamat sa Diyos at ayos ka lang!" naiiyak niyang sabi. Muli ko siyang niyakap "Masaya po ako at ligtas din kayo Mama. Pero paano po kayo nakauwi ng bahay? Sinong nagligtas sa inyo?" takang tanong ko at humarap na sakaniya.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa ibang direksyon na animo'y may iniisip. "Paano po kayo nakatakas dun sa mga kidnappers?" tanong ko muli.


Biglang kumunot ang noo ni Mama "Anong pinagsasabi mong kidnappers Azul?" tanong nito sa akin "Ang natatandaan ko lang ay binubuksan ko ang pinto at pagkatapos non nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga si sahig ng kusina. Hindi kita mahanap ng ilang oras ang akala ko ay nawala ka nanaman ulit! Saan ka galing Azul?"


Hinimas ko ang aking sentido. Naguguluhan na ako. Hindi ba't ginamit ni Cloud si Mama upang maging pain para makuha ako? Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya iyon diba?


"N-nasa bahay po ako ng isa kong kaklase" pagsisinungaling ko.


Tumaas ang kaliwang kilay ni Mama "At bakit naman nasa bahay ka ng kaklase mo aber? Anong oras na?"


"A-ano po kasi, uhm m-may reporting po kase k-kame bukas. Kailangan naming gumawa ng powerpoint at kailangan din po naming pagaralan iyon ng sabay." Oh god Azul, napakasinungaling mong bata!


"Sigurado ka ba? Mabuti naman at nakikihalubilo ka na sa iba mong kaklase, at hindi nalang lagi itong si Sam ang kasama at kapartner mo sa school activities" mataray na sabi nito. Seriously?


"Tama po kayo Mama satingin ko ay kailangan ko ding makihalubilo sa iba. Sige Mama pagod na ako, matutulog na po ako." tumango tango naman siya.


"Teka lang Azul" pagpipigil niya sa akin "Magpromise ka nga sa akin anak. Huwag na huwag mo na akong iiwan ulit ah? Wala na ang Papa mo at ayaw ko namang mawala ang kaisa isa kong unica hija... mababaliw ako panigurado" malungkot na sabi niya. Aww hearing her saying that makes me want to cry. Muli kong niyakap si Mama, ng mahigpit.

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon