Chapter 8

514 211 42
                                    

“Dash?!” Sigaw ko. Kailan pa siya nandito? Nagulat si Tey pati na din ang matandang mama.

Nauna niyang nilapitan si Tey at mabilis niya itong pinagsusuntok, hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataon upang lumaban hanggang sa matumba ito at mawalan ng malay.

Pagkatapos ang matandang mama. Nanginginig na ako sa sobrang takot, paano kung masaktan si Dash? Malaki ang katawan ng kalaban niya at mukhang sanay makipagbasag ulo kumpara kay Tey.

Lumapit sa kaniya ang mama at dadambahan sana siya nito ng suntok pero mabilis ang mga galaw ni Dash at naunahan niya ito. Nakakamangha at marunong siya sa pakikipagsuntukan at ang bilis din ng kaniyang mga galaw.

Napaupo ang matanda sa sobrang lakas ng huling suntok na pinakawalan ni Dash sa kaniya pero ang mas kinagulat ko ay ang paglabas ng matanda ng kaniyang baril “May baril ako, wag kang gagalaw kung ayaw mong iputok ko to sa ulo mo!” Pananakot niya.

Dash just smirked at mukhang hindi man lang siya natakot sa paglabas ng mama sa kaniyang baril. Mabilis na nahawakan ni Dash ang baril at ibinalibag ito sa kung saan, saka niya muling sinuntok ang matanda na naging dahilan ng tuluyang pagbagsak nito.

Lumapit sa akin si Dash, pero mabilis akong tumakbo sa kaniya para yakapin siya. Im scared. Natatakot ako! Paano kung hindi siya dumating? Ano nalang ang mangyayari sa akin? Niyakap ko siya ng mahigpit sa sobrang takot.

Naramdaman ko nalang ang mga braso ni Dash na pumulupot din sa aking bewang. He hug me back. Ilang Segundo din ang tinagal nung yakap na iyon, I just felt relieved and safe in his arms.

Nang maghiwalay kami ay nakatigtig lang siya sa akin. “Sinundan mo ba ako? Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko sakaniya.

“Hm n-napadaan lang ako at aksidenteng nakita kita.. rito” tumamlay ang aking mga mata “Ganoon ba?” ano ba yan? Anong pinagiisip ko. At bakit naman ako susundan ni Dash aber?

Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay, at matalim niya akong tinitigan “Bakit nagpunta ka dito magisa? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito?!” sigaw niya.

“Hm may binili lang akong isang limited edition na video game para sa kaibigan ko” sabi ko habang kamot kamot ang aking ulo.

Inirapan naman niya ako “At mas importante pa itong regalo nato kesa sa kaligtasan mo?! Paano nalang pala kung hindi ako dumating!? Sana nagsama kalang ng makakasama mo sa lugar na ito!” sigaw niya, teka galit ba siya? Bakit??

“Bakit ka nagagalit?!” sigaw ko pabalik. Ayos naman na ako ah? Ligtas na ako and thanks to him.

“Kase…” tumingin siya sa aking mata, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. “Kase ano?” naiinip na tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Naging kalmado na rin ang mukha niya kumpara kanina. “Pasensya na, tara na ihahatid na kita sa bahay niyo.” Yun nalang ang tanging sinabi niya at nagsimula na siyang naglakad. Napakaweird niya, bakit ang bilis magbago ng mood niya?

Hindi ako sumunod bagkus ay binuksan ko ang Love Game.

The game is now unlocked.
Start day 3?

Game is Loading..

Please wait..

Thea: Thank you for saving  me, earlier.

Tristan: I’m not with you all the time. You need to learn how to protect yourself!

Thea: Im sorry, don’t be mad at me.

*Ring ring

You answered the phone call from your Auntie Laura.

Thea: What?! Aunt Laura fell down on the stairs?!

Sabi sa game, Oh gosh! Mahuhulog si Tita Lany sa hag— Mabilis kong denial ang number ni Tita. Kailangan ko siyang balaan! 

After three rings, Thank God she pick up the call. Azul: [Tita! Nasaan ka ngayon?! Please. Maginga—]

Tita Lany: [Teka lang ah, bagalan mo lang ang sinasabi mo dear hindi kita maintindihan kasalukuyan akong bumababa sa hagdan nga—AHHH!]
narinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya. Oh my gosh!

Azul: [Tita? Tita Lany?!]

Nakita kong tumigil sa paglalakad si Dash at nilapitan ako “Bakit nakatayo ka pa diyan?” masungit na tanong nito.

“Kailangan na ting magmadali! Si Tita!” sigaw ko. Hinila ko ang kamay ni Dash at sabay kaming tumakbo papunta ng Train Station.

“TITA sigurado ka ba na gusto mo nang umuwi ngayong gabi?” tanong ko kay Tita Lany na ngayon ay nakabenda ang kaniyang paa at kasalukuyang nakaupo sa isang wheelchair.

“Ayaw mo bang magpahinga muna ngayon rito? Bukas ka na umuwi tita.” Malumanay kong sabi, mabilis naman siyang umiling “You know Azul I hate hospitals. Umuwi na tayo” Anito. Wala na akong nagawa dahil nagpadala na siya sa parking lot sa isang nurse. Antigas talaga ng ulo hays.

Lumapit sa akin si Dash “Ayos na ang mga medical bills ni Tita Lany, ginamit ko ang card niya.” Sabi nito at tumango lang ako.

“Magsstay muna ako sa bahay ni Tita Lany ngayong gabi, hindi ko siya pwedeng pabayaan lalo na’t sa kalagayan niya ngayon.”

“Andito naman ako, kaya ko siyang bantayan at alagaan.” Presinta nito. Inirapan ko siya bago tumalikod. “As if naman mapagkakatiwalaan kita.” Bulong ko.

NAMISS ko ang aking malaking kwarto dito sa mansion ni Tita Lany, yes may sarili akong kwarto rito. At si Tita Lany mismo ang nagpaayos nito para sa akin.

Umupo ako sa gilid ng aking malambot na kama at binuksan ang aking cellphone. May isang notification roon na galing sa Love Game at sinasabing malapit nang matapos ang game sa araw na ito. Kailangan kong matapos laruin to ngayong araw para maunlock ko siya bukas.

Thea: I’ll stay here tonight to take care of Aunt Laura.

Tristan leans close to you. And you can now smell his addicting scent.

Thea: Tristan?

Tristan: I have something to tell you. No, I mean it’s better to show it to you.

He lean closer and closer to you.

Thea: W-what?

Tristan: Stay still, don’t move.

After he said that he slowly claim your lips.

You have reached the end of Day 3.

Thank you for playing

A-anong ibig sabihin non? H-halikan din ba ako ni Dash? Gaya ng ginawa ni Tristan kay Thea? Nanlaki ang aking mga mata.

*knock knock

“Azul, may sasabihin ako sa iyo.” Rinig kong sabi ni Dash mula sa labas ng kwarto.


This chapter is dedicated to domengggg

A/n: Omg ano yoooon? Haha! See it to the next chapter kung anong mangyayari haha.

Don't forget to leave a comment and press the star icon down below.

Anyways, Happy 8.06k Reads to my 'Marrying The Prince' 🤗

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon