Chapter 16

398 165 33
                                    

Pumunta si Dash sa bahay nina Mica. He's furious nang malaman niyang siya ang dahilan ng sunog sa party ni Zayn. Paano niya nakayanang gawin iyon kay Azul?

Ramdam ni Mica ang talim na titig ni Dash. Kaya mahigpit siyang napahawak sa pinto. "H-hindi ba't ikaw ikaw yung transfere? Anong g-ginagawa mo dito?" hindi niya maiwasang mautal dahil sa totoo lang ay natakot siyang bigla sa presenya ni Dash.

"I'm here to warn you." malamig nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ni ni Mica "At bakit mo naman ako babalaan?" tumaas ang kilay niya. Wth, ano bang ginawa niya sa lalaking ito?

"Muntik mo nang mapatay si Azul! At kaya kitang ipakulong dahil sa ebidensyang meron ako." lumapit si Dash kay Mica, at napaurong naman ang dalaga. She's nervous! For godsake. Paano niya nalaman ang tungkol sa Sunog? Nandoon ba si Dash sa pangyayari?

"Huwag mo akong subukan, Mica. Lay another finger to Azul again, and I'll make you pay thrice. That's a promise" pagkasabi ni Dash non ay tumalikod na siya upang umalis. Samantalang napatili si Mica sa sobrang frustation.

"At sino siya sa inaakala niya?! Hindi ko matandaan na mayroon palang ganoong boyfriend ang gamer na iyon!"

Nagkita si Dash at Azul sa isang Ice Cream Parlor. She needs stress reliever.

 She needs stress reliever

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Azul Pov

Nakita ko sa game na pinuntahan ni Dash si Mica sa kaniyang bahay kaya dali dali kong tinawagan si Dash upang malaman kung anong pinagusapan nila. Nakakainis ang game dahil tanging ang pagpunta lang ni Dash ang pinakita roon.

Ilang sandali pa ay nakarating na si Dash. "Anong ginawa mo sa bahay ni Mica?" tanong ko agad nung nakaupo na siya.

"Alam ko lahat. Sinubukan ka niyang saktan! At hindi ko basta bastang mapapalampas yon" naiinis na sabi niya. At paano naman niya nalaman ang tungkol doon? Wala akong matandaan na sinabi ko sakaniya na si Mica ang dahilan ng pagkatrap ko sa nasusunog na game room.

"Teka lang, bakit parang ayos lang sa iyo ang nangyari?" litong tanong niya. "Hindi ka ba natatakot na baka gawin niya ulit iyon?"

Yumuko ako, "Syempre natatakot ako, pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na matakot sa ganoong bagay kung meron pang mas nakakatakot nangyayari sa akin ngayon"

Biglang lumambot ang ekspresyon ni Dash, hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa, at pinisil iyon. "Ano yon? Bukod kay Mica, saan ka pa natatakot?" tanong nito.

Kapag hindi ko pa sinabi sa kaniya ang tungkol sa game paniguradong mababaliw na ako. Hindi ito cool na nagpapakita ng nga dapat mangyayari sa buhay ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita, maiintindihan naman siguro ni Dash ito.

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon