Chapter 32

341 130 5
                                    

Naiinis na isinara ni Azul ang binabasa niyang libro, wala talaga siyang maintindihan "Anong klaseng remedial class to? Bakit hindi niya man lang tayo turuan? Simula nang pumasok tayo sa room na ito hanggang ngayon ay tulog pa rin si Ma'am!" 

Bahagyang humalakhak si Zayn, "Hayaan mo na siya, nagtuturo siya buong maghapon malamang pagod siya."

"Kung ayaw mo rito sa Remedial Class bat hindi ka umalis?" masungit na litanya sa kaniya ni Mica. Do you still remember her? Yung babaeng nagkulong kay Azul sa Game room ni Zayn. Hindi na nagbago hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya kay Azul. "Look, hindi kailangan ni Zayn ko iyang mga complains eklabu mo!"

Huminga ng malalim si Azul, keep calm self. Hayaan mo na siya wag kang pumatol sa mga hayop. Paalala niya sa sarili niya. 

Apat na estudante silang bumagsak sa Math, pero nakiusap lang itong si Zayn na isama na siya para maranasan daw ang magremedial. Mabuti nalang at nadaan niya sa charms ang kanilang guro kaya napapayag niya ito.

Padabog na binitawan ni Mica ang hawak niyang ballpen. Naiinis siya dahil hindi man lang siya pinansin ni Azul. Nakakahiya! "Azul, sinasabi ko say– " bago pa niya matapos ang sinasabi ay bigla nalang nagpatay sindi ang mga ilaw.

"Anong nangyayari?!" natatarantang sigaw ni Azul. Biglang tumigil sa pagpatay sindi ng mga ilaw at ng black out na.

"Omg! Ang dilim! Natatakot ako sa dilim!" maarteng sigaw ni Mica.

"Anong nangyayari?" anang teacher nila na ngayon ay gising na dahil sa mga sigawan nila. "Hintayin niyo ako diyan at aayusin ko to. Wag kayong aalis hanggat hindi ako bumabalik!" paalala nito

Ilang sandali pa ay bumalik na ang ilaw, para silang nabunutan ng tinik. Ang akala nila ay may nangyari nang masama.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" napabalikwas sila sa kinauupan ng marinig ang sigaw na iyon. Sht! Ang kanilang teacher! 

Dali daling lumabas si Azul at Zayn sakanilang silid. And there, nakita nila ang kanilang guro na pinahihirapan ng husto ni Cloud. Anong ginagawa niya rito?

"Feel the pain you've never felt before" wika nito sa guro. Halos mamilipit sa sakit si Mrs. Lopez.

"It-itig---" bago pa matapos ng kanilang guro ang nais niyang sabihin ay nawalan na ito ng malay. Humalakhak ng napakalakas si Cloud pagkatapos non. He's happy, seeing others suffering because of him makes him feel alive. 

"Cloud! Pakawalan mo na siya! Ano ba ang ginagawa mo rito! Wala silang kinalaman sa pagiging Black Psyker mo!" sigaw ni Azul. 

Naguguluhang napakamot ng ulo si Zayn, anong nangyayayari? At ano ang Black Psyker? Tanong nito sa sarili niya.

"Hello. sweetheart. Nabalitaan ko na mayroon kang Remedial Class ngayon, so I visited you. Hindi ka ba masaya? Hindi mo ba ako namiss?" sunod sunod na tanong nito. "Alam mo bang lagi kitang namimiss?" dagdag pa nito.

Matapang na humarap si Zayn sakaniya at handa na itong suntukin, "Kung sino ka man! Lumayo ka kay Azul!" pagbabanta nito. 

Muling natawa si Cloud, "Hindi mo ako kaya mortal!" itinaas ni Cloud ang kaniyang kamay at ginawa muli ang ginawa niya sa guro nila, he gives pain to Zayn. 

"Zayn!" sigaw ni Azul ng makitang namimilipit na ito sa sakit. Bigla nalang nawalan ng malay si Zayn. "No!"

Bumaling siyang muli kay Cloud, "Anong ginawa mo sa kaniya siraulo!" nanginginig na si Azul sa galit. 

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon