Chapter 15

443 164 18
                                    

A dream. Yes, I'm just dreaming, but why it felt so d*mn real? At bakit kami nagkahalikan ni Dash sa panaginip ko?

Ang gusto ko ay si Zayn pero bakit si Dash yung nasa panaginip ko? Dahil ba hindi mawala sa isip ko yung kiss niya sa akin sa Dare Game?

Pagkatapos ng panaginip na iyon, sinubukan kong matulog ulit ngunit, hindi na ako muling dinalaw ng antok. I need air! Tumayo ako sa aking pagkasandal sa malaking ugat.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na bumabalot sa buo kong katawan. Bakit ba kasi naka short lang ako? Hays. "Hindi ka ba makatulog?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Dash mula sa likuran ko. Shet bakit hindi ko siya narinig na lumapit dito? Ganon na ba kalalim ang iniisip ko?

"Nagising ba kita?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. "Narinig kasi kitang umalis kaya sinundan kita, baka mawala kana naman." natatawa niyang sabi.

Bumalik ako sa aking pagkaupo sa malaking ugat. Tumabi naman sa akin si Dash. "Alam mo may mga bagay sa buhay ko ngayon na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Nagkakaroon ako ng mga panaginip. A nightmare... Halos gabi gabi" sabi ko habang nakatingin sa langit.

"Anong klaseng panaginip?" tanong nito. Kitang kita ko sa pheriperal vision ko na nakatingin siya sa akin.

"I've been having the same dream, halos paulit ulit iyon gabi gabi. Nangyari iyon simula ng dumating ako galing- Nevermind. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Susubukan ko nalang ulit matulog ulit." Ipinikit kong muli ang aking mga mata.

"Hm, gusto mo ba ng bedtime story?" minulat ko ang aking mata at lito akong humarap sakaniya "Hindi ba't matanda na tayo para sa Bedtime story?" natatawa kong saad.

Dash chuckled, "Then, let's be kids for this time" tumango ako, andaming alam ng cute na to!

"Noong unang panahon, bukod sa mga tao, may mga ibang nilalang pa ang naninirahan sa mundong ito. Iba't iba ang mga tawag sa kanila, yung iba tawag sa kanilan ay demons yung iba naman tawag sa kaniya ay mga supernatural beings. Kinatatakutan sila ng mga tao dahil iba sila. Mayroon silang special gifts. Sa loob ng ilang dekada, nanatili silang nakatago sa mga mortal o tao. Pero isang araw bigla nalang silang inatake ng isang matinding sakit o tinatawag na plague. Yung sakit na iyon ang naging sanhi ng pagkamatay ng karamihan sa kanila, at halos maubos sila." huminga ng malalim si Dash.

"Hm anong tawag sa mga nilalang na iyon?" tanong ko.

"Tinatawag silang Black Psyker." sagot ni Dash sa aking tanong.

"Hm, mayroon bang gamot sa sakit na iyon?" puno ng kuryosidad kong tanong.

"Pinaniniwalaan nila na ang gamot sa sakit na iyon ay ang kaluluwa ng isang mortal. Isang gabi, inatake ng mga Black Psyker ang mundo ng mga tao. Pinapatay nila ang mga mortal upang maligtas sila sa sakit. Ginawa ng Black Psyker ang lahat. At iyon din ang dahilan kung bakit kinamumuhian sila ng mga tao" Dash paused. Nabibitin ako anubeyen.

"Tapos anong nangyari?" di ko maiwasang tanong.

"Too bad, hindi ang kaluluwa ng mga tao ang gamot para sa sakit nila. Nagsimulang mamatay ang mga Black Psyker isa isa. Pero may mga ibang Black Psyker na naging immune sa sakit na iyon naging survivor sila sa sakit at hindi na muling nagpakita pa sa mga tao. At simula noon naging isang kwentong alamat nalang sila ng mga mortal." Sumilip sa akin si Dash, pagkatapos non ay tumingin ulit siya sa langit.

"Pero isang araw, may isang pamilya ang napagpasyahang magpicnic sa tabi ng kagubatan. Ang pamilyang ito ay mayroong anak na lalaki na nasa bandang limang taong gulang. Ang batang iyon ay pumasok sa kakahuyan, at inatake ng isang mabangis na hayop. Ngunit, iniligtas siya ng isang babae. At alam ng batang iyon na hindi pangkaraniwan ang tumulong sakaniya. Inihatid siya ng babae sakaniyang mga magulang pero sa kasamaang palad. Nung bumalik sila lugar na iyon nadatnan nalang nila ang mga magulang nito na naliligo sa kanilang sariling dugo at wala ng buhay."

Nanlaki ang aking mga mata. "Huwag mong sabihin na yung mga pumatay sa mga magulang nung batang lalaki ay ang mga Black Psyker?"

Tumango si Dash. "Tama ka, ang mga Black Psyker nga ang pumatay sa mga magulang ng bata. Pero hindi lahat ng mga Black Psyker ay masasama, dahil yung babaeng nagligtas sa batang lalaki ay isang Black Psyker din"

"So anong nangyari sa batang lalaki?" tanong ko. Sorry im just curious kiki

"Muntik na siyang mamatay, dahil sinusubaybayan pala siya ng isang Black Psyker na pumatay sa kaniyang mga magulang. Pero, iniligtas siyang muli nung babae at binigyan pa siya nito muli ng isa pang pangalawang buhay. At ngayon ay nakatira na ang batang lalaki sa Black Psyker na sumagip sa kaniya. Pero sinasabi nila na yung mga Black Psyker na hindi pa namamatay, naghahanap pa din sila ng mga taong pagexperimentahan nila. Inihahanda nila ang kanilang mga sarili para sa susunod na Plague na aatake sa kanila. Meron din naman na Black Psyker na hindi na naniniwala na mayroong muling sakit na dadapo muli sa kanila
The End."

"Wow, ito na siguro ang pinaka nakakatakot na bedtime story na narinig ko." sarcastic kong sabi.

Natawa naman ng bahagya si Dash. "Nabasa ko lang iyon sa isang libro doon sa library." aba pumupunta pala ng library itong Dash na ito.


Humarap akong muli sakaniya, "Naniniwala ka ba sa mga Black Psyker?" tanong.

Tumaas ang kaliwang kilay niya, "Ikaw ba, naniniwala ka?" mabilis akong umiling. Of course hindi ano ba namang tanong yan.

"Sa mundong ito, maraming mga bagay na hindi natin maipaliwanag. Karamihan sa mga ito ay mga misteryo na naghihintay na madiskubre ng tao balang araw. May mga pagkakataon nga na malapit lang sila sa atin. Yung mga kakaibang bagay na yan, yung mga misteryoso na yan." sabi ni Dash habang hawak ang baba at nagiisip.

Tama siya, katulad nalang ng Love Game. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa aking paghikab. "Inaantok ka na ba?" tanong niya at tumango naman ako.

-Day 7

KAGISING ko natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahilig sa mga braso ni Dash. Mabilis akong lumayo sakaniya at pagkatapos non ay ginising ko na siya.

Nadatnan namin sina Lilac, Winter at River na magkausap. Kita din namin ang pagaalala sa mukha nila. "Andito na kami!" masiglang sigaw ko sakanila.

"Azul! Dash!" patakbong lumapit sa amin si Winter at niyakap kami. "Buti nalang at ligtas kayo. Sobra akong nagalala sainyong dalawa." naiiyak na sabi nito, habang nakayakap sa amin.

Pagkatapos ng aming kaonting pagguusap, napagpasyahan na naming umuwi. "Dash, teka lang." hinawakan ko sa braso si Dash upang pigilan siya sa pagsakay ng Van.

"May sasabihin ako sayo."

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon