Chapter 33

356 126 1
                                    

Hinang hina at wala ng laban si Cloud. Hindi na rin ito makatayo ng maayos dahil puno ng pasa ang kaniyang buong katawan. "Bakit hindi mo pa ako tuluyan, Winter?" hirap na wika ni Cloud.

"Nagsisisi ka na ba Cloud?" galit na tanong ni Winter. "Nagsisisi ka na ba na pinatay mo si River?!"

Sa wakas ay muling nakatayo si Cloud. "Aling sagot ang gusto mo Winter? Iyong totoo ba o yung kasinungalingan?"

Kumunot ang noo ni Winter. Anong ibig niyang sabihin? "Huwag mo akong subukan Cloud! Tignan mo ang sarili mo! Ni hirap ka ngang tumayo, wala ka na ding lakas para gamitin ang gift mo!" nanggigigil na sigaw ni Winter.

Cloud just smirked. "Sa tingin mo ba ay may pakealam pa ako? All this time! Gusto ko lang na mapansin mo ako at ni Mother. Pero parang hindi ako karapat dapat sa atensyon niyo! Lagi nalang si Dash!" hinang hinang sigaw nito.

Mabilis na umiling si Winter. "Hindi totoo yan Cloud, pantay lang ang tr— "Tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo Winter! Pinaniniwalaan ko lang yung mga nakikita ko. Pero sigurado ako na ngayong gabi makikilala ng buong mundo ang pangalang 'Cloud Dayholt'"

Laglag ang panga ni Winter sa tinuran ng kaniyang kapatid. "Ano ang ibig mong s-sabihin?"

"Well, habang distracted ka kanina nakakuha ako ng oportunidad upang gawin ang spell para utusan ang aking mga Black Army. Habang naguusap tayo ngayon nasisigurado ko na ilang mga inosenteng tao na ang nalalagutan ng hinginga" masayang wika ni Cloud

"Cloud!!" matinis na sigaw ni Winter. Inipon niya ang buong lakas niya upang minsang suntukin si Cloud. Nang tumumba ay dali dali niyang hinugot ang puso nito. Nakita niyang ngumiti ito bago pa tuluyang mawalan ng buhay.

Hindi alam ni Winter kung anong mararamdaman niya. Pinagmasdan niya ang walang buhay na katawan ni Cloud. Naipaghiganti na niya ang kaniyang fiancé ngunit siya mismo ang kumitil sa buhay ng kaniyang nagiisang kapatid. "Nasaktan ka ba?" tanong ni Leandro na ngayon a nasa tabi na niya.

"L-leandro p-pinatay ko ang s-sarili kong k-kapatid" nanginginig na wika nito.

"Winter, huwag mong sisihin ang sarili mo. Cloud chose his own path. He choose this." ani Leandro. Nagumpisa ng tumulo ang luha ni Winter. She felt guilty for killing his own brother.

"Naisagawa na ni Cloud ang kaniyang Spell. Nautusan na niya ang kaniyang Black Army na pumatay ng mga tao." ani Winter ng maalala niya ang huling sinabi nang kaniyang kapatid.

"Kailangan nating pagsabihan si Sarah"

"Nasaan nga pala si Mother?" tanong ni Winter.

"Ang sabi niya ay may pupuntahan lang daw siya na importante"

"Dash!" mahinang sigaw ni Azul. Mahigpit niya paring hinawakan ang mga kamay ni Dash. Ayaw niya itong bitawan, at parang gusto nalang niyang manatili sa ganoong posisyon. She doesn't want him to let him go. Not now.

Lumapit si Winter ka Azul. "A-azul a-anong nangyari kay Dash. P-pat— "Shhhh. Huwag kang maingay Winter. Natutulog na si Dash, baka magising siya." wala sa sariling sabi nito.

Malungkot na tinitigan ni Winter ang walang buhay na katawan ni Dash. "Azul"

"Buhay lahat ang mga nilalang nanakahandusay dito, maliban kay Cloud" wika ni Leandro na tinignan pala ang katawan ni Zayn pati na din ang guro na kaninang pinahirapan ni Cloud.

Lumapit si Leandro sa katawan ni Dash at sinuri ito "I-im sorry Azul. Pero wala na siya"

Tumayo si Azul sa kaniyang pagkaupo. Binitawan na din niya ang kamay ni Dash. "Tumahimik ka! Huwag mong sabihin iyan! Alam ko buhay pa siya! Nararamdaman ko iyon!" galit na sigaw nito. And then she burst in crying. No, Dash is still alive.

"At anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko?!" tanong ng Mama ni Azul kay Sarah. "Pinatay mo ang asawa ko! Bruha ka!" gigil na sigaw nito.

"Nalaman ko na ang lahat kay Azul!" sigaw pabalik ni Sarah

"Huwag na huwag mong sasaktan ang aking anak!"

"Ikaw ang nagutos kay Cloud na magrebelde sa amin! Hindi ba? Gusto kong malaman kung bakit!" ni hindi nga alam ni Sarah kung paano niya nakilala ang babaeng nasa harap niya.

"Nakita ko ang batang iyon sa daan. He looks so sad and broken, so I approached him. Dun ko nalaman na anak mo pala siya. Inisip ko na bakit hindi ko siya gamitin para ipaghiganti ang asawa kong pinatay m—" sinampal ni Sarah ng malakas ang ina ni Azul. Paano niya naaatim ang mga ganitong bagay?

Habang hawak hawak ang pisngi, ngumiti siya ng bahagya. "Hindi ko kasalanan lahat ang pagttraydor ng iyong anak. Kung sanang hindi mo siya pinabayaan at kung saan minahal mo lang siya hindi mangyayari ito ngayon."

HINDI makontact ni Leandro si Sarah. "Ano na ang sitwasyon sa mga kasabwat ni Cloud?" alalang tanong ni Winter.

Hinimas ni Leandro ang kaniyang sentido. Maging siya ay nagaalala sa mga taong nainirahan sa lugar na ito. Kailangang mapigilan ng mga kasabwat nila ang pagpasok ng mga Black Army sa syudad.

"Kailangan natin silang tulungan!" aligagang sigaw ni Winter. Mabilis na tumango si Leandro.

Bago sila umalis sa lugar na iyon, muling sinulyapan ni Winter ang walang buhay na katawan ni Dash. A tear fell from her cheek. Tatlong malalapit sakaniya ang nawala sa isang iglap lang. Her fiancé, Cloud and Dash. Sana ay nananaginip lang siya sa mga oras na ito. But no, this the reality. For now, she needs to protect the people from the Black Army.

"Noong nawala ang aking anak, malakas ang kutob ko na nasaiyo siya. At tama nga ang hinala ko!"

Napailing si Sarah. "Mali ang pagkakaintindi mo! Aksidente ang nangyari kay Azul. Nakita lang siya ni Dash at dinala sa bahay namin upang gamutin siya! Hindi ko kinidnap ang iyong anak kung iyan ang nasa isip mo!"

"Pero kinwento sa akin ni Cloud kung paano inuto ni Dash itong aking anak para lang maging sila" kunot noong wika ng ginang.

"Cloud's just messing your mind. Saksi ako sa pagmamahalan ng dalawang iyon. At masasabi ko na mahal na mahal nila ang isa't isa." huminga ng malalim ang ina nj Azul at tumalikod kay Sarah. Defeat is written all over her face.

"Bakit nandito ka anong kailangan mo?" tanong nito muli.

TINITIGAN lang ni Azul ang mukha ni Dash. He looks so peaceful. Bigla siyang napatayo ng maalala ang sinabi ni Dash sa kaniya.

Ang tanging paraan lang para mamatay ang mga Black Psyker ay ang matanggalan sila ng puso. Kung hindi pa naaalis ang puso ni Dash ibig sabihin? Ay mayroon pa siyang tyansang mabuhay, kahit konti lang?

"Salamat dahil sayo ay nanganganib ang buhay ng mga tao" sarkastikong wika ni Sarah.

Kumonot naman ang noo ng ina ni Azul. "Mga tao?" takang tanong niya.

"Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang balak ni Cloud na pabagsakin ng lugar na ito?"

Tulala ang ginang sa tinuran ni Sarah. "Hindi niya ito nabanggit sa akin!"

Tumango tango si Sarah, "Pumunta ako rito upang magtanong tungkol kay Cloud at pati na rin humingi ng tawad. Patawarin mo ako sa pagpatay ko sa iyong asawa. Hindi ko intensyon na patayin siya, sinagip ko lang ang batang balak niyang patayin" pagpapaliwanag nito.

Last chapter naaaaaaaaaaa! Stay tuned!

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon