Chapter 29

312 131 3
                                    

"Siguro ito ang oras para malaman mo ang totoo" seryosong sabi ng kaniyang ina.

Kumunot ang noo ni Azul. "Totoo tungkol sa?" May hindi pa ba sinasabi ang kaniyang  ina sa kaniya maliban sa pagkawala niya ng isang taon? May tinatago pa ba siyang iba? Ang daming katanungan sa isip niya.

"Azul, may natatandaan ka ba tungkol sa iyong ama?" tanong nito.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata para alalahin ito, "Konti, natatandaan ko na kinukwentuhan ako dati ni Papa bago matulog... Namatay si Papa noong 7 years old ako hindi ba?" naguguluhan tanong niya. Bata pa lang siya noong mamatay ang kaniyang Ama kaya wala itong masyadong memorya tungkol rito.

Tumango lang ang kaniyang ina, "Alam mo ba kung paano siya namatay anak?"

Tumango siya, "Car accident, namatay si Papa dahil nabunggo siya" kung hindi siya nagkakamali, iyon ang sinabing dahilan ng kaniyang ina kung bakit siya namatay ang kaniyang ama.

Marahang umiling ang ginang "Sorry anak, pero nagsinungaling ko." nagsalubong ang mga kilay ni Azul
Anong ibig sabihin ng kaniyang ina?

"A-ano?! Kung hindi dahil sa aksidente anong dahilan?" hindi na niya alam. Ang buong akala niya ay namatay ang kaniyang ama sa isang car accident pero hindi pala?

"Pinatay ang Papa mo Azul. Hindi ko sinabi ito noon sayo dahil baka hindi mo maintindihan, bata ka palang noon. At hindi kapa mulat sa ganoong mga bagay kaya kahit ayaw ko ay nagsinungaling ako" malumay na sabi ng ginang. Paano nga ba niya ipapaliwanag ito kay Azul, kung pitong gulang palang siya noon?

Huminga ng malalim ang ginang "Since kilala mo na si Cloud Dayholt, siguro ay alam mo na ang mga kwento tungkol sa mga Black Psyker?" marahang tumango si Azul. "Well, your father is a Black Psyker too."

"Teka lang po! Ano?!" tama ba ang naririnig niya? Ang kaniyang ama ay isang Black Psyker? Pero paano?

"Ang Papa mo ay isa sa mga pinaka matalinong Black Psyker na nabubuhay noong mga panahong iyon. Ang lahat ng mga Black Psyker maging ang mga tao ay napapamangha niya." Ang kaniyang ama ay isang Black Psyker, ang kaniyang ina ay isang mortal. E siya ano siya? Hybrid?

"Nabubuhay tayo noon ng matiwasay, hanggang sa araw na umalis ang iyong Papa upang maghunting at hindi na bumalik. Hinanap ko siya, at nakita ng aking dalawang mata kung paano siya inalisan ng puso ng katulad niyang Black Psyker din. Si Sarah Dayholt, siya ang gumawa non" umawang ang kaniyang bibig. S-si Sarah? Ang ina ni Dash? Siya ang may sala sa pagkamatay ng kaniyang Ama? Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao. Pero bakit iyon ginawa ni Sarah?

"Niligtas ni Sarah ang nahuli ng iyong Papa."

"Nahuli? Anong ibig mong sabihin Mama?"  naguguluhan na talaga si Azul.

"Azul, gusto lang tumulong ng Papa mo sa paggawa ng gamot para malabanan ang pagkamatay ng mga Black Psyker. Nagkaroon ng matinding sakit ang mga Black Psyker noon kaya naisipan nila na gumawa ng antidote. Gusto lang niya ay ang makatulong. Kinailangan nila ng mga mortal na tao upang pageksperimentuhan ... So nagvolunteer ang papa mo para manghuli." anang ginang.

Tila parang umakyat lahat ng dugo ni Azul sakaniyang mukha sa tinding galit. "Pero mali po si Papa! Hindi niya kailangang pumatay at manghuli ng mga inosenteng mortal para lang sa eksperimentong iyon!" hindi na niya maiwasang sumigaw. Bakit ginawa ng Papa niya iyon?

"Hindi! Mali ang iniisip mo Azul! Bata kapa, hindi mo pa maiintindihan ang mga bagay bagay na ito sa ngayon!" sigaw pabalik ng kaniyang ina "Lahat ng mga sakripisyo ay may katumbas na paglalakbay sa buhay. Minsan kailangan ng sakripisyo kahit na masama ang iyong ginagawa para lang magkaroon ng matinding pagbabago."

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon