Chapter 20

378 151 13
                                    

Tinanggap ni Azul ang alok ng lalaking may kulay Azure na buhok. Naguguluhan siya kay Zayn, hindi niya alam kung anong irereact niya o kung anong sasabihin niya.

Namilog ang mga mata ni River ng makita ang kasayaw ni Azul kaya dali dali niyang dinial ang number ni Dash.

River: [Guys, nandito si Cloud!]

Azul Pov

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" tanong ng lalaking kasayaw ko ngayon. Kumunot ang aking noo. Nagkita na ba kami dati?

"Anong ibig mong sabihin? Hm, anong pangalan mo?" litong tanong ko.

"Cloud" simple niyang sabi. Cloud? Hmm, nope ngayon ko lang siya nakita.

"Sa tingin ko ay tapos na kayong magsayaw." malamig na sabi ni Dash. Kailan pa siya nandito? Agad naman kaming naghiwalay ni Cloud.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, ang mga kamao ni Dash ay nakayukom. At gumagalaw din ang kaniyang panga.

Biglang tumawa ng malakas si Cloud na siyang kinabigla ko. Yung tawa niya parang bang batang nangaasar. Pagkatapos non ay walang sabi siyanh umalis. Weird

Hinawakan ako ni Dash sa aking braso, "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" nagaalala niyang tanong. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka.

"Bakit naman niya iyon gagawin?" tanong ko. Umiling lang si Dash.

Biglang nagbago ang ekspresyon niya, "Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo"

Ilang sandali lang ay napunta kami sa rooftop ng hotel kung saan ginanap ang venue ng Grand Ball.

Namangha ako sa ganda ng view mula rito sa taas. City Lights.

Naupo kaming dalawa ni Dash sa dulong sahig, medyo nalulula ako pero hinayaan ko na dahil mas nakukuha ng atensyon ko ang ganda ng paligid sa baba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naupo kaming dalawa ni Dash sa dulong sahig, medyo nalulula ako pero hinayaan ko na dahil mas nakukuha ng atensyon ko ang ganda ng paligid sa baba. At feeling ko naman ay ligtas ako basta kasama ko si Dash.

"May kailangan kang malaman tungkol sa akin" napalingon ako kay Dash, anong ibig niyang sabihin?

"Hindi ako tulad ng iyong iniisip." kumunot ang aking noo, "Ano?"

Huminga ng malalim si Dash bago muling nagsalita. "Natatandaan mo pa ba yung bedtime story na kinwento ko sayo noong fieldtrip ng club?" tanong niya.

"Yung kwento tungkol sa mga Black Psyker?" litong tanong ko. Tumango naman siya.

"Ako yung batang lalaki." anito na siyang ikinalaki ng aking mga mata. "Noong walong taong gulang pa lang ako, pumunta kami ng aking pamilya malapit sa gubat ng Cypress para magpicnic, kung saan pinatay ng mga Black Psyker ang aking mga magulang. Muntik na din akong mamatay noon buti nalang at iniligtas ako ni Sarah, isa ring Black Psyker. At para maligtas ako sa bingit ng kamatayan kailangan nila akong baguhin. Baguhin tulad ng maging isa sa kanila... Maging isang Black Psyker"

"S-so ibig sabihin m-meron ka ding special gift?" tanong ko.

"Yep, isa akong teleporter."

Wow, teleporter? Omg "Sige nga pakita mo nga" naeexcite kong sabi. Tumango naman siya.

Wala pang isang segundo ay wala na siya sa tabi ko. Lumingon ako sa paligid at nakita ko siya sa kabilang rooftop na building, hindi pa ako nakakakurap ng biglang nasa tabi ko nanaman siya. At ilang sandali ay naglalaho nanaman siya naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng biglang nasa tapat ko na siya at sobrang lapit niya sa akin.

"A-ang b-bilis mo naman" kinakabahang sabi ko.

Tumawa naman siya ng bahagya, "Syempre isa akong teleporter."

This is so crazy! Hindi ko inaakalang totoo pala ang mga Black Psyker. A person with a special gift? May ganito pala talagang nilalang bukod sa mga tao.

Pero teka? "Edi half human half Psyker ka?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Oo, hybrid ang tawag sa akin." tumingin siyang muli sa aking mga mata "Sinasabi ko ito sayo dahil ayoko ng magsinungaling pa sa iyo Azul. Maaari bang sekreto lang natin itong dalawa?"

Tumitig din ako sakaniya, "I promise."

"May isa pa akong gustong hilingin saiyo Azul." tumango ako.

"Ipikit mo ang iyong mga mata." anito. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata.

"I love you" he said. Parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya, Mahal ako ni Dash? Suddenly, I felt his lips to mine.

"And pleasee.... Forget about me."

Napamulat ako sa huling katagang sinabi niya, pero para siyang isang bula, bigla na lang siyang naglaho ng hindi ko man siya nakikita





~°~
A/n:

Pahabol lang hehe. Anyways, Sa next chapter malalaman niyo na ang sekreto sa likod ng Game. So stay tuned lang po!

Love,
Kbluescript 💙

My Love Game App(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon