Inilapag ni Zayn ang aming pagkain sa mesa. “Kain na tayo” anito at tumango naman ako.
“Azul hm may sasabihin sana ako sa iyo” no, please wag mo nang sabihin yung favor mo, “Pwede mo ba akong tulungan?” tanong niya, no please.
Biglang lumukot ang aking mukha hindi ko alam kung napansin niya iyon o hindi.
“Matagal na kasi akong may gusto kay Sam, yung bestfriend mo. Hm gusto ko sanang mapalapit sa kaniya, matutulungan mo ba ako?” nahihiyang tanong niya. Sa lahat ng mga tao, bakit ang kaibigan ko pa Zayn?“Uhm” huminga ako ng malalim “Please Azul?” I can see the desperation in his eyes. Mayroon sa parte ko na gusto ko siyang tulungan pero meron din na ayaw ko.
“Gagawin ko ang lahat kapalit ng favor na ito. Pwede kitang tulungan sa mga subject na hindi mo alam” sabi nito. Mukhang desidido na talaga siyang mapalapit kay Sam, at sino naman ako para pigilin siya diba?
“Sige” sabi ko at ngumiti ng hilaw sa kaniya. Kung ito ang magpapasaya sayo Zayn, gagawin ko kahit labag pa sa kalooban ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata “Talaga?!” tumango ako “Libre ko na ang lunch mo!” masayang sabi niya.
PINAKITA ni Dash sa akin ang kaniyang identity card pagkatapos ng aming last subject. “So ang full name mo ay Dashiell Dayholt” sabi ko ng may halong pagtataka.
Tinignan naman niya ako ng masama “May mali ba sa pangalan ko?” tanong nito, mabilis akong umiling. “Wala naman” sabi ko, ewan ang weird ng pangalan niya. Ngayon ko palang narinig ang apilidong Dayholt sa buong buhay ko.
Tinuloy ko ang pagtingin sa kaniyang Identity card. “Tignan mo nandito din ang address kung saan ka nakatira!” namilog ang kaniyang mga mata at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko, nang makabawi ay ngumiti siya, waah so cute.
“Malalaman na natin kung saan ka nakatira! Sa wakas, makakauwi kana sa inyo” masayang sabi ko. Bumaling ako sa kaniya, pero bakit malungkot siya? O guni guni ko lang?
“Osige tara na at pumunta na tayo sa address na nakasulat” tumango ako, inilabas ko ang aking cellphone at tinype sa google map ang address na nasa ID.
Nang makarating kami sa address na tinutukoy ng identity card niya tanging burol at mga puno lang ang sumalubong sa amin.
“Wala naman dito” sambit ko, sigurado naman ako na tama ang address na tinype ko sa google map. Makatatlong bese ko pa nga inulit yon e.
“Wala ni isang bahay ang nakatayo sa lugar na ito” sabi ni Dash, umiling ako “Hindi mo naman siguro ifefake yung identity card mo no?” tanong ko.
Hindi makapaniwalang umiling si Dash, “Hindi ako baliw para gawin yon, maghahanap pa ako banta roon. Magkita na lang tayo sa bus station makalipas ang sampung minuto” malamig na sabi niya at iniwan ako, omg galit ba siya?
BINABASA MO ANG
My Love Game App(COMPLETED)
RomancePaano kung mangyari sa buhay mo ang nangyayari sa iyong Love Game App? Anong gagawin mo? Remember that this is not your ordinary Love Game App. DON'T LEAVE THIS GAME IF YOU ALREADY START PLAYING IT. Date Started: July 28, 2018 Date Ended: November...