Unang Trahedya

2.9K 92 5
                                    

Kahit pa sabihin na moderno na ang pananaw ni Leah, hindi parin nya maiwasan ang hindi kabahan sa sinabi ng ina tungkol sa pakikipag isang dibdib nito sa kasintahan. Inalo at pinakampante naman siya ng nobyo ng sabihin niya dito ang saloobin.

"Pabayaan mo nalang ang mama mo mahal, ganun talaga at may karamdaman siya. Alam mo naman at tanggap nating pareho ang sakit ng Mama mo. Kung ano ano lang ang sinasabi niya at walang masamang intensyong saktan ang iyong damdamin. Wala ng kahit sino o anong makakapigil sa pagpapakasal natin."

At matapos ang ilang minuto at nagpaalam na para umuwi sa kanyang bahay at nangakong babalik kinabukasan upang ayusin ang ilang detalye pa ng kasal nilang magaganap sa makalawa.

Habang binabagtas ni Jazz ang kahabaan ng EDSA ay napangiti siya sa sarili. Napakaswerte nga niyang matatawag. Napakabuti at bukod pa sa angking natural na ganda ay wala na siyang mahihiling pa sa mapapangasawa. Ito ang lumalaro sa kanyang isip ng biglang mapamulagat siya sa pagmamaneho ng sumalubong sa kanya ang nakasisilaw na liwanag at malakas na businang likha ng kasalubong niyang trak!

Mabilis na naikabig ni Jazz ang manibela ng kanyang oto at nagdahan dahang itinigil sa emergency shoulder ng kalsada.

"Hoy! Gago! Kung inaantok ka mag kape ka muna! Mandadamay ka pa sira ulo!" Ang galit na galit na sigaw kay Jazz ng drayber ng trak, habang nanginginig naman ang una at hindi makapaniwalang nakaligtas siya sa aksidenteng iyon. Umusal ng munting panalangin ng pasasalamat at bumuga ng hangin bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho pauwi sa kanyang tahanan.

Pagdating sa kanyang bahay sa Barangay Little Baguio sa San Juan ay ipinarada muna ni Jazz ang kotse sa tabi ng gate ng bahay niya. Bahay ng mga magulang niya iyon. Parehong nasa Amerika na ang ama at ina sa piling ng kanyang nag iisang kapatid, ang Ate Claire nya. Sa kanya naiwan ang bahay sa San Juan at isang kasambahay na all-around ang tangi nyang kasama. Hindi na bumusina si Jazz upang pagbuksan siya ng gate ng kasambahay. Una ay hindi niya nakagawian ang ganun. Siya ba mismo ang nagbubukas niyon upang maipasok ang sasakyan at ganun din pag umaalis. Ikalawa ay alam niyang marami din itong gawain sa maghapon. Kahit isa lang siyang ipinaglalaba nito at ipinagluluto ay may kalakihan naman ang bahay na nililinis nito araw araw pati narin ang 950 square meters na looban, kasama na ang kinatitirikan ng bahay. Maraming puno sa kanyang bakuran na naglalagan ang mga dahon at winawalis din tuwing hapon ng kasambahay.

Naisip ni Jazz ang sinabi ng ina ni Leah na may matinding diprensya sa pag iisip. Nagsimula lang sa depresyon pero ang huling diagnosis ng manggagamot sa NuVera Asylum ay Paranoid Schizoprenia na ang sakit nito. Nakakakita, nakakarinig ng mga bagay na wala naman at nakakaisip na palaging may pagbabanta sa buhay niya at may mga taong pinagpalplanuhan siyang gawan ng masama. Inaamin niya kahit positibo ang aura nila pareho ni Leah ng pumunta sa NuVera Asylum ay binalutan din siya ng matinding kilabot ng titigan siya ng malisik na mga mata ng ina ng mapapangasawa at sabihing mamatay siya. Lalo pa siyang napaisip ng muntik na siyang maakaidente sa daan. Lumakas ang kanyang nerbyos.

"Ano ka ba naman Jazz my man?" Pagkausap niya sa sarili. "Kung babala man o pangitain ang nasambit na iyon ng iyong biyenan-to-be, di ba at heto ka na sa sarili mong tahanan? Safe and sound? Kung may nakita man ang mama ni Leah na aksidenteng mangyayari sa akin, naligtasan ko naman yun. Heto at wala ako ni galos. Maging ang kotse ko ay wala ring galos...?"

Biglang naalala ni Jazz ang tila magaspang na tunog kanina sa sasakyan niya ng makalampas na ang trak na muntik ng nakasalpukan. "Naku ang bumper ko yata tinamaan! Baka may gasgas ah!" Dali dali siyang tumungo sa likod ng nakahimpil niyang sasakyan at umiskwat paupo upang inspeksiyonin kung may tama ba ang oto niya.

Habang nasa ganung posisyon, dahan dahan gumugulong ang sasakyan ng paatras kung saan siya naroroon. Nakalimutan niyang i-hand break ito ng bumaba siya at nilagay lamang sa neutral ang kambyo. Dahil tila mga burol ang mga kalsada sa Little Baguio ay bumilis ang pag gulong paatras ng oto niya. At nang magugulungan na siya ay napansin ni Jazz bigla ang nangyayari at halos pa dive na umiwas dito upang hindi maipit ng sariling oto.

"Whew! Muntik na naman! Pero nakaiwas ulit!"

Hoooonnnnnkkkk!!!

BLAG!!! DAGABAG!!!

Hindi naisip ni Jazz na sa pag iwas niyang maipit ng sariling sasakyan na naka himpil sa may bangketa ay napa-talon siya sa gitna na kalsada. At ang inaakalang kaligtasan pala ang magiging sanhi ng kamatayan.

Isang rumaragasang Toyota Hilux ang hindi na nagawang makapag preno ng biglang sumulpot si Jazz mula kung saan. Bumunggo ng ubod lakas ang dibdib nito sa fender ng sasakyan at sa lakas ng pagsalpok ay nagkabalibali ang mga buto niya sa ribcage at isang matulis niyang rib ang sumaksak paloob at bumaon sa puso nya na siya niyang ikinamatay agad. Tumilapon pa ang kanyang patay ng katawan sa kabilang panig ng kalsada na may paparating namang Pajero na nakasagasa naman sa kanyang ulo at siyang pumisak dito dahilan upang tumilamsik ang kanyang utak sa espaltadong kalsada.

⛓ANINO ng SUMPA⛓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon