"Daddy? Anong ginagawa mo dito sa room ko?"
"Ha? Ah eh...pinalitann ko ang bedsheet ng kama mo. Pari narin ang punda. Para mapalabhan na ang mga ito at madumi na."
Nakatingin lamang sa kanya si Emy. Hindi ito sumagot. Tiningnan lamang siya at ang dala niyang maruming kobrekama at mga punda. Napakalakas ng kaba ng dibdib ni Randy. Alam niya ang kapasidad ng batang pumatay at palabasing akaidente lang ito.
"Nag lunch ka na ba anak?"
Hindi parin ito sumagot at nanatiling nakatingin lamang sa kanya. Lumakad na siya at akmang lalabas na ng silid ng biglang pigilan siya ni Emy.
"Daddy! Wait lang..." at humarap ito sa aparador at hinila pabukas ang pinto nito. Halos mabuwal naman sa lakas ng kaba at takot si Randy. Lalo na ng matigilan si Emy at nakatayo lang na nakaharap sa loob ng aparador.
"Daddy..."
"Ye-yes anak?"
"Pakisama na nga ito sa mga ilalabas mo." Sabay abot ng isang t-shirt na alam niya ay paborito nitong isuot. "Madumi na din yan palabahan mo na po kay Manang Gemma."
"Ok sige akina." At mabilis siyang lumabas ng silid at halos liparin ang sariling silid. Pagkapasok ay basta na lamang niya ibinalibag sa sahig ang maruruming labahin. Ini-lock niya ang pinto ng silid sa pindutan ng doorknob pati narin ang barrel bolt ay ikinandado niya. Naupo siya sa kama at kinuha sa bulaa ng pantalon ang nakuha niyang pouch sa aparador ni Emy. Nanginginig ang mga kamay na binuksan iyon at umaasang may makikita sa loob na makakapag bigay liwanag sa ipinapahanap na pangalan ng diablo ng dating kura paroko.
Nabigo si Randy. Ang tanging laman lamang ng pouch ay isang wallet sized na lumang larawan nila ni Claire at Emy nung kakakuha palang nila sa huli mula sa NuVera Asylum kung saan ito isinilang. Tiningnan pa niya ang likod ng larawan sa pagbabakasakaling may nakasulst dito. Ngunit wala din. Napasapo sa ulo si Randy sa tindi ng kawalang pag asang nadarama. Bukas na ang ika-limang kaarawan ni Emy!
Sabay napatingin siya sa nakabalumbong marurumi sa sahig. Nandun ang paboritong kamiseta ni Emy. Saan nga nila nabili ni Claire iyon? Hindi niya matandaang binili nila ito. O regalo man lang kay Emy. Lahat ng gamit ni Emy lalo na ang mga damit nito ay personal na pinipili at binibili ni Claire at madalas ay kasama siya nito.
Tumayo si Randy at dinampot ang kamisetang laging suot ng anak. Napakadumi nito at halatang gamit na gamit. May mantsa pa ng tila ice cream na tumulo sa harapan. Kulay puti pa naman ito. May disenyo na tila abstract sa harapan at may parang hugis dalawang tatsulok na magkabaligtad. Naisipan niyang tingnan ang brand nito upang masiguro kuns sa SM ba o saan nila ito nabili.
H3RZ16OVA®👹
Napamulagat si Randy! May mukha pa cng demonyo sa etiketa!
Ito na kaya ang sinasabi ni Padre Arturo? Napakadisimulado ng pagkakatago ng pangalan ng diablo kung ganun. Ngayon ay nakakasiguro na siya na hindi nga silang mag asawa ang bumili ng kamiseta ni Emy na iyon. At wala din siyang maalala na nag regalo noon kay Emy.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at itinext ang number na ibinigay sa kanya ni Kyle at pinasabihan na si Padre Arturo na lumuwas na sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ay kumuha siya ng extrang damit at nagdala ng pera at dere derechong lumabas ng bahay upang magpunta sa bapag usapan nilang hotel sa Pasay na pagtatagpuan upang maisagawa ang huling preparasyon para sa pag eeksirsismo sa diablong lumulukob at kumokontrol sa kanyang anak na si Emy.
Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang kapirasong papel na pinagsulatan niya ng cellphone number ni Padre Arturo. Nalaglag iyon sa kamiseta ni Emy at bahagyang umusok ang naturang damit.
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Korku#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...