NAG CHECK-IN si Randy sa isang pangkaraniwang hotel sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Pasay. Ito ang bapagkasunduan nila ni Padre Arturo bago sila maghiwalay sa Atimonan, Quezon. Dito sila magkikita at itinext narin niya ang room number ng family room na inarkila niya. Dito nila isasagawa ang pinal na pagpaplano ng gagawing pag eeksorsismo sa demonyo sa katauhan ni Emy. Ito ay upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mapaglinlang na demonyo, sakaling makatunog ito sa plano nila.
Doon na sa hotel itinuloy ni Randy ang pagpapahinga. Matapos umorder ng almusal sa room service ay nagbilin sya sa Front Desk na may inaasahan siyang dalawang bisita. Ibinigay niya ang mga pagkakakilanlan nila Padre Arturo at Kyle. Nangako naman ang taga Front Desk na tatawagan siya sa telepono sa kwarto niya sa oras na dumating ang naturang mga bisita. Nang maisaayos na ang lahat ay nakatulog na si Randy.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
SAMANTALA sa loob ng bus biyaheng Pasay City galing ng Atimonan, Quezon ay tahimik at walang imik si Padre Arturo. Sanay na naman si Kyle sa ganoong kakanyahan ng paring itinuring na niyang ama. Magmula ng kupkupin siya nito ay wala itong hindi ginawa o ibibigay para sa kapakanan at kinabukasan niya. Nadama niya ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang magulang mula dito. Kaya ganun nalang ang pasasalamat at pagtanaw niya ng utang na loob dito. Bukod pa sa likas na pagmamahal ng isang anak na natural niyang nadama para sa matandang alagad ng Diyos. Handa siyang ibuwis ang sariling buhay para dito, na alam din niyang gagawin din nito para sa kanya.
Maya maya ay napapikit si Padre Arturo kung kayat pumikit narin si Kyle. Iidlip narin muna siya gaya ng ginawa ni Padre.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
SA MAYNILA, sa tahanan ng mga De Dios, biglang napa angat ang ulo at tila naging alerto si Emy habang nasa harap ng malaking telebisyon sa salas. Katatapos lang mag urong ng pinagkainab nilang dalawa si Manang Gemma at naghuhugas na sana siya ng nga pinggan at kubiertos ng mapansin niya ang tila pagkagulat ni Emy. Mula sa divider na naghahati sa comedor at kusina at isang estante ng mga porcelanang pinggan, platito, tasa at baso ay natatanaw ang sofa sa harap ng telebisyon. Kayat na obserbahan ni Manag Gemma ang mga kakaibang kilos ni Emy ng oras na iyon. Tila bumubuka ang bibig nito at may kinakausap. Kumukumpas kumpas din ang mga kamay nito ng makailang ulit na animoy may iminumuwestra sa hangin. Umakyat ang kilabot sa ulo ni Manag Gemma at nag antanda. Inialis na lamang niya ang paningin kay Emy at yumuko nalang sa lababo upang simulan na ang paghuhugas ng pinggan.
Walang kamalay malay si Manang Gemma na ang pagiging duwag niya at ang takot na mag usisa at hindi pakikialam sa kakaibang kilos ng alaga ang siyang tanging dahilan kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon!
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
"KAILANGAN NG MAMATAY NI RANDY! MASYADO NA SIYANG PAKIALAMERO!"
"Pero ang una mong sinabi ay bukas pa magaganap ang lahat? Sigurado naman ako na may birthday surprise sa akin si Daddy. Hibdi ba pwedeng nag antay muna tayo?"
"ISA KANG HANGAL! AKALA MO BA AY HINDI KA MAUUNAHAN NG AMA MO? SA SOBRANG KATANGAHAN MO AY BAKA IKAW PA ANG MAMATAY! UMAKYAT KA SA SILID NG AMA MO AT MALALAMAN MO KUNG ANO ANG SINASABI KO!"
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Terror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...