Matapos mag usap usap tungkol sa gagawing pagtataboy sa demonyong si H3RZ16OVA ay nagdudumali ng pumunta sa kanyang tahanan si Randy kasama ang dating kura paroko na si Padre Arturo at ang binatilyong si Kyle. Sinapit nila ang tahanan ni Randy na nababalot ng dilim. Sumulyap sa kanyang relo si Randy. Alas otso y media na ng gabi.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng hawakan sya ni Padre Arturo sa braso at nagwika: "Mag ingat ka amang. Mapaglinlang ang diablo. Tibayan mo ang pananampalataya mo. Matapos ay tinanguan ng pari si Kyle na agad namang inilabas ang isang lumang aklat na animo'y Bibliya at dalawang krusipihong kahoy at isang bote ng agua bendita.
Marahang itinulak ni Randy ang pinto at kinapa ang light switch. Bumaha ng liwanag ang buong kabahayan. Marahang humakbang ang tatlo at muntik ng mabuwal sa gulat!
"KANINA KA PA NAMIN INAANTAY...DADDY!"
Naka upo sa sofa si Emy at unat na unat ang maliit nitong katawan na tila ba hirap na hirap pagkasyahin ang kaluluwa sa loob nito.
"Emy, anak! Anong ginagawa mo dito mag isa...?"
"HINIHINTAY KA. UPANG PATAYIN AY ISAMA SA IMPYERNO! BWAHAHAHAHA!!!"
Iyon na ang hudyat ni Padre Arturo at ni Kyle. Humarap ito sa bata at iniharap ng pari ang hawak na krusipihon pati narin ang hawak ni Kyle.
"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo! Ikaw H3RZ16OVA ay iginagapos ko sa ngalan ng Banal na Dugo ni Hesus na pumatak sa bundok ng Golgota!..."
"AAAAAHHHHHH!!! HIIINDEEE!!! PANO MO NALAMAN ANG PANGALAN KO PARING HANGAL???"
"...sa ngalan ng kabanal banalang puso ni Hesus, ikaw H3RZ16OVA ay inuutusan kong lisanin ang katawan ng musmos na ito!..."
"HINDI MAAARI! ANG BAWAT KALULUWA NG BABAENG ADVENTO AY INIALAY SA AKIN NG MAKASALANANG BABAENG SI GENOVEVA! DUGO NG KANYANG HINDI PA BINYAGANG SUPLING ANG PINAMBAYAD NIYA UPANG MAGKAROON AKO NG LAYANG IBULID SA IMPYERNO ANG BAWAT KALULUWA NG BABAENG ADVENTO! SA TINGIN MO BA AT GANUN KADALI BALIIN ANG SUMPA NG ISANG MAKASALANANG SUMUMPA?"
Animo ay walang naririnig si Padre Arturo. Iniabot sa kanya ni Kyle ang Agua Bendita.
..."sa ngalan ng kabanal banalang mga Sugat na tinamo ni Hesus sa kanyang Banal na Kalbaryo, ikaw H3RZ16OVA ay..."
"RANDY! TULUNGAN MO AKO! HINDI KO BA KAYA! HIRAP NA HIRAP NA AKO!"
Ganun nalang ang gimbal ni Randy ng makitang hindi na si Emy ang nakaupo na iginagapos sa silya ng isang nakakasilaw na puwersa. Akmang lalapitan ni Randy ang asawa upang daluhan ito ng pigilan siya ni Padre Arturo, "Randy! Nililinlang ka ng mga mata mo! Maging mapagmatyag ka! Patay na ang asawa mo at ang mga patay ay hindi kailanman makakabalik pa sa mundo ng mga buhay! Isa lamang yan sa pamamaraan ng panlilinlang ni H3RZ16OVA!"
Natigilan si Randy. Pinag isipan maigi ang sinabi ng pari. "Hindi ikaw ang asawa ko! Patay na ang asawa ko!" At tinalikuran niya ang nag aanyong si Claire upang magpunta sa gawing likuran ni Padre Arturo.
Sumenyas ang pari kay Kyle at inilabas nito ang insenso at habang pinapausukan ni Kyle ang batang si Emy na noon ay nagkikikisay sa silya at binenditahan naman ni Padre Arturo sabay usal ng isang panalangin ng pagbubulid.
"Sa Ngalan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na Siyang may lalang ng lahat ng nilikha dito sa lupa, sa langit o maging sa ilalim ng lupa, ikaw H3RZ16OVA ay inuutusan kong bumalik sa kailaliman ng impyerno kung saan ka nagmula!!!"
"AAAAIIIIIIIAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!"
Isang nakakapanindig na balahibong atungal ang lumabas sa bibig ni Emy kasabay ng tila pagtalsik ng isangg kulay itim at pulang demonyo na namimilipit sa hirap. Naging isang itim na usok ito na bumulusok sa marmol na sahig ng bahay papunta sa pinakamalalim na lungga ng impyerno.
"Tapos na."
Dinaluhan ng tatlo ang katawan ng batang si Emy. Kinapa ng pari ang pulso nito at napa iling.
"Patay na siya Randy. Patay na si Emy."
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...