Malakas na ulan ang naghari ng araw ng libing ni Emy. Ito din ang araw ng pagbalik nila Padre Arturo at Kyle sa probinsya. Nagpasalamat si Randy sa dalawa at nangako ng regular na tulong pinansyal at pagdalaw sa kanila buwan buwan.
Matapos ng paalamanan, naiwang mag isa si Randy sa harap ng puntod ng kanyang mag ina, na katabi ng puntod ng kanyang biyenang babae at bayaw. Hindi na niya ipinaalam sa biyenang lalaki ang mga naganap. Pati si Manag Gemma ay iniwan na siya. Marahil dahil sa sobrang takot ay bumalik na sa probinsya. Matapos manalangin para sa kapayapaan ng mahal sa buhay at umuwi na si Randy na may taglay na mas matatag na pananampalataya sa Diyos.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
Isang anino ang lumabas sa pinagkukublian nitong puno. Matalim na tiningnan ang papalayong pigura ni Randy. Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit!
"Tayo na Leah. Wala ka ng magagawa. Mas makapangyarihan ang pananalig niya. Kaya nagapi ang anak mo."
"Pinatay niya ang anak ko! Pero hindi bale. Muli tayong tatawag sa mga kampon ng kadiliman! Mas malakas ba demonyo ang hihilingin ko para dito sa sanggol sa sinapupunan ko! Humanda ka Randy! Humanda kayong lahat! Hahahahaha!"
At tumalikod na si Leah patungo sa kadiliman. Naka alalay sa kanya ang isang nilalang na mapagbalatkayo at mapanlinlang...si Manang Gemma!
WAKAS
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
Salamat po sa pagbabasa. Sana po ay nagustuhan ninyo. 🌸
Wag po kalimutan ang pag pindot sa hugis estrelya sa ibaba ⭐️
Narito po ang iba ko pang istorya ng katatakutan:
1. KALULUWANG LIGAW
2. Mga Kwento ng Lagim
3. Mga Kwento ng Lagim2
4. Princess Fiona (Supling ni Moira)
5. Balon sa Likod ng Mansyon
6. The Monster Lurks
7. Psychosis
8. 666Salamat pong muli.
🌸TatimTechVeloso🌸
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Korku#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...