NASA loob na ng kanilang silid tulugan ang mag asawang Claire at Randy. Hindi parin ma ampat ampat ang takot at pag iyak ni Claire na nagsusumiksik parin sa tabi ng asawa na tila isa itong matibay na sandigan kung kayat walang makakalapit sa kanyang panganib.
"Maniwala ka sa akin Randy! That child is evil! Dati pa may napapansin na akong kakaiba sa kanya. Pero dahil sa anak siya ni Jazz kaya binabalewala ko lang. Pero kanina, she really wanted to kill me and the baby! Cutter ang dala niya mahal! Hindi ang Barbie doll na iyon! Natapakan ko ang Barbie kaya ako nadapa katulad ng sinabi niya bago mangyari. Randy you have to get rid of that child!"
"Huminahon ka Claire. Emy is your niece. Isipin mo maigi, baka tensyonado ka lang and you fell kaya kung ano ano ang akala mo ay nakikita mo. Try to think about it logically."
"Logically? Ibig sabihin ay hindi ka naniniwala sa akin! Iniisip mong nababaliw ako? Wala sa lahi namin ang baliw! Yang batang yan, yan ang may lahi ng baliw! Ang lola niya at ina niya, parehong mga baliw! Huhuhu!" At tuluyan ng humagulgol ng panangis si Claire na siya namang ikinatakot ni Randy at baka kung mapaano ang anak nila sa sinapupunan nito.
"Mahal, naniniwala ako sayo. Ayoko lang mag isip ka at ma stress ka. Baka kung mapano ang baby natin. Sige ganito nalang, I'll find someone else para makasama niyo ni Manang Gemma dito. Para kung may gawain si Manag Gemma, may kasama ka parin na nasa tabi mo."
At ganun na nga ang napagkasunduan ng mag asawa kung kaya lang nakalma si Claire.
DING DOONG! Tunog ng doorbell. Sinilip muna ni Manang Gemma sa door viewer kung sino ang nagpapataupo at ng makitang isa itong babaeng nasa edad 25-30 ay binuksan ng maliit ang pinto pero nanatiling naka kabit ang chain lock.
"Sino sila? Anong kailangan mo ineng?"
"Magandang araw po. Ako po yung punadala ni Engr. Fallorina para maging kasambahay po ng mag asawang De Dios." Magalang nitong paliwanag. At ng marinig ni Manang Gemma ay pinatuloy ito at pinaupo sa sala. "Teka at tatawagin ko si Mam Claire. Wala si Sir eh."
At hinarap na nga ito ni Claire at binigyan ng instruction sa gagampanang trabaho sa kanila.
"Opo Mam, naipaliwanag na po sa akin ni Engr. Fallorina. Sinabi po daw ng asawa ninyo sa kaniya kung bakit kayo nangangailangan ng karagdagang kasama sa bahay. Para daw po may aalalay sa inyo palagi habang nagdadalantao kayo." Si Engr. Jess Fallorina. Ang matalik na kaibigan ni Randy.
"Salamat naman kung ganun. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo sa silid ninyo ni Manag Gemma. Magkasama kayo sa isang silid pero may kalakihan din naman yun. May double decker at 2 ang Orocan drawers dun na may kani kaniyang susi. Tag isa kayo ni Manang Gemma." Turan ni Claire. "Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Paulina po. Pero Lin nalang po for short."
"Ay Lin, pinapaalam ko na sayo ngayon palang, ikaw sa itaas ng double decker natin at sa edad kong ito, gustuhin ko mang umakyat sa 2nd floor ng kama natin at di ko na kakayanin yon. Puwera nalang kung papakabitan mo ng elevator! "
At sabay nagtawanan ang tatlong babae sa pagpapatawa ng matandang kasambahay.
NAKIKINIG at nagmamatuag naman si Emy, habang may kabulungan sa bukana ng silid nito.
"Sabi ko na sa iyo! Espesyal ang bata sa tiyan ng Mommy mo. May sariling yaya pa. Samantalang ikaw ay lumaking walang personal na yaya! Kahit ang huklubang si Gemma ay hindi mo pwedeng utusan lalo pa at nagkukubwaring marami siyang gawain para iwasan ang pagsilbihan ka!"
Nangilid ang mga luha ni Emy. Luha ng poot sa tiyahing buntis na kinagisnang ina. Namamayani sa puso ng bata ang pagkasuklam kay Claire at sa sanggol na dinadala nito. Tanging ang Daddy Randy nalang ang nagtatanggol sa kanya. At dalawa na ngayon ang asungot ba magiging bantay ni Claire. Lalong tumindi ang panibugho sa murang diwa ng bata. Humalakhak ng ubod lakas at kasindak sindak ang kausap ni Emy. Sinadyang lakasan upang marinig ni Claire.
BIGLA ang naging pag angat ng ulo ni Claire sabay pukol ng tinging may pangamba sa silid ni Emy. Nakita niya itong nakatayo sa bungad ng pinto ng silid at bumubuka ang bibig na tila mayroon na namang kausap. Tumingin siya kay Manang Gemma at bakas sa itsura nito na narinig din nito ang halakhak.
"Nandito na po pala si Sir Randy? Ang akala ko po ay wala pa? May pinakiusap na pinabibigay po kasi si Engr. Fallorina. Mukhang nagkakatawanan sila ng inyong anak..." Naputol ang pagsasalita ni Lin ng makita ang mga mukha nila Claire at Manang Gemma na tila namumutla.
"May nasabi po ba akong mali...? Huh! Wa-wala pa talaga si Sir? May narinig po kasi akong lalaking tumatawa!"
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...