NANIGAS si Claire sa kinatatayuan. Hindi sya makagalaw o makahakbang man lang palayo sa mala demonyong itsura ng kaharap na batang si Emy.
"E-emy...anak?"
"Hahaha hindi ako si Emy, Claire!" Malaki at malalim na boses ang sumagot kay Claire. At doon tila nahimasmasan siya at naramdaman ang panganib para sa kaligtasan ng sarili. Ibinato niya ang basong dala sa kaharap na tumama naman sa noo nito kung kaya nawala ang buong atensyon sa kanya dahil sa naramdamang sakit.
Sa pinakamaingat na paraan at walang lingon lingon ay tinakbo nya ang puno ng hagdan at dala-dalawang baitang ang hakbang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay, habang naririnig niya ang dahan dahang pagsunod sa kanya ni Emy, na kumakaskas parin sa marmol ang dala nitong karit.
Narating na ng humihingal at takot na takot na si Claire ang pinto ng silid nilang mag asawa at dali daling pinihit ang seradura nito upang makapasok sa loob ng ligtas na silid kung saan nandoon ang natutulog niyang asawa...NANG...
"Huh?! Naka-lock???!!! Hindi ko naman ini lock ito ng bumaba ako ah!" Paghihimiyaw ng isipan niya! Pilit niyang pinigilan ang sariling lumingon sa hagdanan. Sigurado siya na kasinod niya ang demonyong paslit.
"Raaanndyyyy!!! Raandyy! Buksan mo ang pinto! Bilis!"
Kinalampag niya ng ubod lakas ang makapal na pintuang gawa sa Narra. Ngunit naka ilang pasigaw na tawag sa asawa ay wala paring nagbubukas. Narinig niya naman ang pagkayod ng pinaka bakal ng karit sa sahig ng bawat baitang ng kahoy na hagdanan. Palapit ng palapit! Ayaw parin niyang lumingon. Sapagkat alam niya na oras na lumingon siya ay iyon na ang kawalan niya ng pag asang makaligtas sa tiyak na kamatayan.
"Rannnnddyyyy!!! Diyos ko!!! Rannddyyy tulong!!! Buksan mo ang pinto!!!"
At naramdaman niya ang init ng hininga sa gawin likuran niya! Nasa likod na niya ang demonyong bata! At lumingon siya.
TSAAK!
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Terror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...