WALA sa sarili si Randy habang binabagtas ng minamanehong kotse ang kahabaan ng EDSA pauwi sa kaniyang tahanan. Galing siya sa NAIA Departure area. Hinatid niya ang biyanang lalaki sa paliparan ng Ninoy Aquino upang mag isang bumalik sa Amerika. Lutang na lutang parin ang kanyang isipan dahil sa sunod sunod na trahedya sa buhay nila. Wala pang 40 days na namamatay ang kanyang asawa at anak sa sinapupunan nito, namatay naman sa isang aksidente din ang ina nitong si Guada. Nabuhusan ito ng kumukulong tubig kaya hindi ito halos makilala. At inatake sa puso sa tindi ng sakit na nadama. Nakita ito ng anak anakan niya at apo nitong si Emy.
Bago pumasok sa Customs area ang biyenang lalaki ay may inihabilin ito sa kanya. Isang araw daw bago mamatay ang asawa nito ay may binaggit ito ukol sa takot na nararamdaman para sa batang si Emy. Ito na sariling dugonat laman ng bata ay natatakot dito. Matapos daw ang libing ni Claire ay nahuli ito ni Guada na nakamasid sa kanila habang silang tatlo ay nananangis. Naka ngisi daw ito at parang pinagtatawanan ang pagluluksa nila noon. Nung una ay hindi daw ito pinaniwalaan ng biyenang lalaki at marahil ay dala lang daw ng pananangis kaya kung ano ano ang nakikita. Ngunit ng ito na mismo ang aksidente diumanong nasawi at ang apong si Emy ang unang nakakita sa dilat ang mga mata nitong bangkay, nabalot daw ng takot ang buong pagkatao ng biyenang lalaki.
"Randy, anak. Mag ingat ka. Alamin mo ang pinagmulan ng anak ni Justine. Alamin mo ang pinagmulan ng ina niya at ng ina ng ina niya. Nabanggit ni Claire noon na parehong nasa pagamutan ng may mga diprensya sa pag iisip ang ina at lola ni Emy. Malakas ang kutob kong may pinasok ang yumao kong anak na lalaki na hindi niya lubusang alam. Alang alang sa mga anak ko, na asawa mo ang isa at sa aking asawa, tuklasin mo ang lihim ng lahi nila. Pero mag iingat ka."
Nabuo ang pasya sa isip ni Randy. Imbes na tumuloy sa tahanan ay niliko niya ang sasakyan papuntang Pasig. Binagtas ang kahabaan ng Ortigas Extension paakyat sa ma traffic na daan papuntang Montalban, Rizal na ngayon ay Rodriguez, Rizal na kung tawagin. Hanggang humimpil siya sa harapan ng isang madilim na building na ang ibang bintana ay may rehas.
Ang NuVera Asylum.
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...