Pinainom ng tubig ni Claire ang nangangatog na si Paulina. Hindi makapagsalita ang pobreng kasambahay sa labis na sindak na nadarama.
"Lin kumalma ka. Ano ba ang nangyari?"
Lumabas narin ng kanilang silid tulugan si Randy ng marinig ang sigaw ni Paulina.
"Kasi ho Ate, si...si Emy ho may kausap sa dilim! Wala ho akong nakikitang ibang tao sa kwarto namin pero rinig na rinig ko po ang nakakatakot na boses na inuutusan si Emy na patayin daw ang sanggol sa tiyan ninyo. Nalaman din po nung boses na gising ako at narinig ko ang usapan nila. Pa...papatayin din daw po ako Ate! Kuya! Huhuhu!"
"Diyos ko Randy! Iyon din yata ang naririnig kong kausap ni Emy pag nag iisa siya! At kung kaya balak niya akong patayin noong nasa opisina ka!"
"That's ridiculous Claire! Naipaliwanag na natin ang nangyari that day di ba? You were tired, you fell, and hurt yourself. The kid was just trying to help you, WHILE HOLDING her Barbie doll. Kasi nga naglalaro sya when that happened. End of story."
"Ewan ko Randy, that kid is creeping me out!"
"Ate, kuya, narinig ko sinabi nung boses na si Emy daw ang tutupad ng sumpa... hindi ko na po naintindihan yung iba...huhuhu. Magpapaalam na po ako. Ayoko na po dito!"
"Hindi ka na ba talaga magpapapigil Lin?" Iling lang ang naging sagot ng dalaga.
"Sige wala naman kami magagawa eh. Pero ipagpabukas mo na at dis oras na ng gabi. Sige dun ka nalang sa kwarto ninyo ni Manang Gemma para may kasama ka."
"Halika na sa kwarto Lin. Magpahinga ka na." Yaya ni Manang Gemma na nakikinig lang sa kabuuan ng mga kaganapan.
ALAS singko ng umaga ay nakapag empake na si Paulina. Disidido na iwanan ang pinaglilingkuran upang makatakas sa lagim na namalas. Nalungkot naman ang mag asawang Claire at Randy na kinagaanan na ng loob ang naturang kasambahay. Maging si Manang Gemma ay sumisinghot singhot at pilit itinatago ang lungkot na nadarama sa paglisan ng kasamang naninilbihan. Matapos ang madamdaming pamamaalam ay tinanaw ng mga naiwan ang paalis na si Paulina.
PAGLABAS ng gate ni Paulina ay bigla siyang nakaramdam ng mga matang tila nakamasid sa kanya. Lumingon siya at awtomatikong napatingin sa bintana sa ikalawang palapag kung saan ay naroon ang dati niyang naging silid kasama ang alaga. Nakadungaw ang batang si Emy na walang ekspresyon ang mukha. Muli na sanang haharap sa kalsada si Paulina ng makita niyang unti unting nabubuksan ang bintana ng silid ni Emy. Ang nakapagtataka ay hindi naman gumagalaw ang bata sa pagkakatayo nito sa bintana. May kung anong maitim na puwersa ang nag angat bintana at animoy usok na sumama sa hangin at---at papunta sa kinaroroonan niya!
SAMANTALA nagtataka ang tatlong naiwan sa pintuan ng bahay na sila Claire, Randy at Manang Gemma dahil biglang napako sa pagkakatayo si Paulina sa gitna ng kalsada at nakalingon sa gawing itaas ng bahay na nilisan.
"Anong...?" Pagtataka ni Randy ng hindi tumitinag sa pagkakatayo si Paulina at bakas ang matinding takot sa mukha nito.
"Dios mio! Mam Claire! Sir! May sasakyan!" Bulalas ni Manag Gemma.
"Paulina! Tabi may truck! Liiinnnnn!!!" Sigaw ni Claire sabay kaway ng dalawang braso sa itaas ng ulo.
Beep! Beep!
NANINIGAS sa pagkakatayo si Lin, hindi alintana ang busina ng nawalan ng control na truck at ang mga sigaw ng nasa bungad ng pinto ng nilisang bahay. Natulala sa pagbulusok ng itim na usok sa kanyang mukha at damang dama niya ang paglukob sa kaluluwa niya ng isang madilim at mabigat na pakiramdam.
"Mamamatay ka na!!!"
Beeeeeepppppp!!!
"Paulinaaaaa!!!"
"Diyos kong mahabagin!"
"What the fu_k!"
BLAGADAG!!!
TUMILAPONG parang basahan ang katawan ni Paulina at sumirko sa ere. Bumagsak sa hood ng truck na biglang nag preno at bumagsak at napa ilalim sa sasakyan. Nagkasabit sabit ang ulo ni Paulina sa makina ng truck na siyang ikinawasak ng mukha nito. Natanggal ang isang mata nito, durog ang ilong at wasak ang mukha.
Sa kalunos lunos na itsura ni Paulina ay nanatili pa itong buhay. Nakatakbo naman palapit dito ang mga kasama.
"Paulina! Diyos ko! Tumawag kayo ng ambulansya!"
"A-ate. May demon-yo...silid ni E-emy...im-pyer-no. Sum-pa!" At doon na binawian ng buhay si Paulina.
Naiwang puno ng hilakbot ang mag asawang Claire at Randy habang si Manang Gemma ay tinaasan ng presyon.
Ano ang nakita ni Paulina na nagdulot ng matinding kilabot at takot na naging dahilan ng pagka sawi nito?
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horor#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...