MATAPOS makapag check in sa isang maliit na hotel ay nagtanong tanong si Randy sa barangay at sa mga matatandang naka tambay sa pondahan tungkol sa pamilya Advento. Karamihan sa mga napagtanungan ay mga dayo din nung una sa lugar na iyon at kalauna'y dun na lamang nanirahan o mga kung tawagin ay settlers. Hanggang sa sumapit ang dapithapon ay wala paring nakukuhang positibo at tiyak na kasagutan si Randy. Karamihan sa mga napagtanungan at pawang hindi sigurado sa kasagutan. Nang kumagat ang dilim at nagpasya na itong bumalik sa hotel na tintuluyan at nagpahinga na lamang muna matapos kumain ng hapunan at makapaligo. Ipagpapabukas na lamang niya ang pagtatanong tanong. Nakatulog siya agad pagkahiga dahil sa matinding pagod na dulot ng byahe at mga aktibidades ng nagdaang buong araw.
KINABUKASAN ay maaga nag gayak si Randy. Nag walking shorts lamang sya at mojo sandals upang hindi sumakit ang paa niya gaya nung naunang araw na na nakapanralong maong at rubber shoes pa sya.
KATULAD ng naunang araw halos lahat ng pinakaliblib na baryo sa lugar na iyon ay narating ni Randy. Wala paring positibong resulta. Lulugo lugo siyang bumalik sa pondahan malapit sa daang pabalik sa hotel na tinutuluyan niya. Bumili siya ng dalawang pirasong Tipas Hopia na tag limang piso at softdrinks. Lalamnan na muna niya ang tiyan dahil nakaramdam ba siya ng gutom. Ilang oras na din naman ang lumipas matapos siyang kumain ng heavy breakfast sa hotel. At doon na ulit siya babawi ng pagkain ng hapunan. Dinatnan niya ang isang matandang lalaki sa pondahan na nagbabasa ng tabloid habang ngumunguya ng nganga. Ilang beses itong lumura ng nanguyang nganga sa likuran nito at nagpasintabi sa kanya. Isang matipid na ngiti lang ang idinulot niya dito sabay alok: "Tay gusto niyo ng softdrinks?"
Hindi naman tumanggi ang matanda at sinabing Sarsi ang gusto niya. Habang iniinom ang Sarsi ay nagtanong ang matanda: "Amang, hindi ba't ikaw yung nagtatanong tungkol sa mga Advento kahapon? Narito ako at naulinigan ko ang iyong pagtatanong sa mga narine. Hindi naman ako makasagot dahil napakaraming naka tambay rine kahapon."
"May alam ho kayo sa pamilya Advento?" Tinantiya ni Randy ang matandang kaharap niya, siguro ay nasa edad otsenta y cinco na ito batay na rin sa dami at lalim ng pilegis nito sa mukha. Makikita din and malalalim na guhit sa gilid ng mga mata nito na kung tawagin ay laugh lines. Siguro nung kabataan nito ay guwapo ito.
"Napakatagal na panahon na wala akong balita sa mga Advento. Bata pa si Helena ng lisanin nila ng kanyang inang si Guada and nayong ito. Nakipagsapalaran sa Maynila, nagbakasakaling matakasan ang sumpa sa mga babae ng pamilya nila...wala na akong balita sa mga Advento ngayon."
"Sumpa? Alam nyo ho ang tungkol sa sumpa?"
"Bakit mo nga pala inaalam ang tungkol sa pamilya Advento amang? At bakit alam mo ang tungkol sa sumpa?"
Huminga ng malalim si Randy at ikinwento sa matanda ang mga pangyayari, pati narin ang trahedyang dinanas nila at ang tungkol sa batang si Emy.
Saglit na natahimik ang matanda. Nakatitig lang ito kay Randy at bakas sa mukha ang takot.
"Mahabaging langit. Naganap na."
"Ang alin po? Ano po ang naganap na? Ang sumpa? Sabihin nyo sa akin ano ang sumpang iyon na kumitil sa buhay ng halos lahat ng mahal at pamilya ko!" Halos histerikal na si Randy sa pagtatanong sa matanda. Pero nakaramdam din sya ng munting tagumpay. Sa wakas, may makaka unawa na din sa mga pinagsasabi niya. May kahit paano'y makakaramay niya kahit ilang oras lamang ng pagkukuwento nito.
At sinimulan na nga ng matandang nagpakilala sa pangalang Cenon ang tungkol sa sumpa sa pamilya Advento.
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...