Para po kay 🌸Trixie Ann Estrella🌸 ang Kabanatang ito. Salamat sa pagtangkilik.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
MASUSING pinagplanuhan ni Randy at ng matandang dating Kura Paroko na si Padre Arturo ang gagawing pag exorcismo sa diablong sumasakop sa iniwang sumpa ni Genoveva sa mga kababaihan ng Advento.
"Ang pag eeksorsismo ang pinaka iiwasan ko noong araw sa pagganap ng tungkulin ko bilang isang alagad ng Diyos. May mga pari din kasing mabuway ang pananampalataya. At kapag mahina ang pananampalataya ng isang tao sa Diyos, madali itong magagapi ng kampon ng kadiliman. Kaya't kahit ano ang makita at marinig mo ay huwag mong paniniwalaan. "Kyle! Ihanda mo na lahat ng ating gagamitin. Ang abito ko, ang banal na tubig, krusipiho at pati ang Biblia."
"Opo Padre." Matalimang tugon ng binatilyo.
"Kasama po ba natin si Kyle, Padre?"
"Oo. Matibay ang pananampalataya ng batang iyan. Subok ko na siya. Sa dami ng hirap at pagsubok na dinaanan niya sa buhay ay nanatili siyang magiliw at masayahin. Paladasal din. Siya ang dahilan kung bakit sa pinakamadilim na oras ng buhay ko ay nanatili akong nakakapit sa Maykapal."
"Randy, may isang bagay tayong dapat malaman. Ikaw lamang ang makakagawa nito. Sa loob ng iyong tahanan. Kailangan mong malaman ang pangalan ng diablong umagapay noon sa pagsasagawa ng pag alay ni Genoveva sa buhay nilang mag ina na nagbigay katuparan sa kanyang sumpa. Sa mga gamit, laruan, sa loob ng silid ng anak mong si Emy. Hanapin mo kung may naisulat o naitatago syang bagay na sa tingin mo ay maaaring iyon ang pangalan ng diablo. Wala tayong magiging lakas laban sa demonyong iyon kung hindi natin siya maigagapos gamit ang pangalan niya."
Takot at kaba ang naramdaman ni Randy. Takot kay Emy na alam niyang kayang kaya siyang patayin nito. Ngunit nanaig narin ang damdamin bilang ama niya anupat hindi naman niya talagang kadugo ito.
"Sige po Padre. Aalamin ko po."
"Kapag alam mo na ay ipatawag mo agad ako dito sa Atimonan upang makaluwas agad kami ni Kyle at mapuntahan ka."
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
KINABUKASAN sa Maynila, sa tahanan ng mga De Dios...
Naglalaro sa salas si Emy habang binabantayan ni Manang Gemma. Sinamantala ni Randy ang pagkakataon upang maghalughog sa silid ng bata at hanapin ang kahit anong bagay na maaaring magturo kung ano ang pangalan ng diablong kakalabanin.
Binuksan niya ang damitan ni Emy, ang maliit na pambatang study table at lalagyan ng mga laruan nito. Wala kahit anong bagay na maaaring maging pangalan ng kampon ng dilim.
Hindi nawalan ng pag asa si Randy, patuloy siyang naghanap sa loob ng silid. Loob ng built in cabinet na narra ang ngayon ay hinahalughog ni Randy. Nasipat na niya ang kabuuan ng cabinet at nawawalan na siya ng pag asa ng mapansin niyang naka usli ang kahoy na likuran ng aparador.
"Parang...parang may secret compartment ah..."
At kinapa kapa niya iyon at bahagyang itinulak. Nakarinig siya ng mahinang "click". Halos tumalon ang puso niya mula sa dibdib niya. Dahan dahan niyang ipinasok ang kamay sa loob ng secret compartment...SAMANTALA sa sala...
"Manag Gemma! Manang Gemma! Pakiligpit ang mga toys ko! Mag i sleep muna ako sa room ko!"
"Hindi ka ba muna kakain ng iyong lunch ha Emy? Baka malipasan ka ng gutom."
"Sabay nalang kami ni Daddy." At tinalikuran ni Emy si Manang Gemma at umakyat na sa hagdan papunta sa kanyang silid.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
SA SILID NI EMY...
Tamang tama lang ang kamay ni Randy sa maliit na butas ng secret compartment ng cabinet sa loob ng silid ni Emy. Kung tutuusin at hindi naman ito built in. Halatang inuka lamang ito gamit ang isang matalim na bagay. Hindi pantay pantay ang kanto ng parisukat na butas sa likod ng aparador. Tinakpan pa ito ng mga damit pang alis ni Emy. Nagulat si Randy dahil wala siyang makapa sa loob ng butas. Tatanggalin na sana niya ang kanyang kamay ng may tila malambot na bagay na sumagi sa ibabaw ng kanyang palad. May butas pa pala paitaas at doon ay may nakasabit na tila pouch. Hinila niya ito at isang velvet na kulay granateng pouch ang nahila niya mula sa siwang sa loob ng aparador. Akmang bubuksan na ni Randy ang nakuha niyang pouch ng marinig niya ang mga papalapit na yabag. Nataranta siya at mabilis na binalik sa pagkaka ayos ang cabinet pati narin ang mga damit na nakatakip sa butas. Siniguro nyang hindi mahahalata ni Emy na naghalughog siya sa silid nito. Hinila niya ang kobre kama nito at ibinagsak sa sahig. Kasabay naman ng pagbukas ng pinto ng silid!
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...