Banta

1.8K 72 0
                                    

Matapos ang eksenang yun ng unang araw ng kasambahay na si Paulina, naging normal naman ang pamamahay ng mga De Dios. Lahat sila kabilang na ang dalawang kasama sa bahay na si Manang Gemma at Paulina ay masayang nag aabang sa paglabas ng bagong kabilang sa bahay na kanilang pinaglilingkuran. Naging tagapag alaga muna ni Emy si Paulina habang hindi pa nanganganak si Claire. Sa una'y kinakitaan ng kagiliwan at kagandahang asal ang batang si Emy. Masunirin ito at mabait. Kasama niya sa silid natutulog si Paulina. Hanggang dumating ang isang gabing mahimbing ng natutulog si Paulina ng maalimpungatan siya dahil tila may nagtatalo sa loob ng madilim na silid.

Kahit gising na, hindi gumalaw sa pagkakahiga si Paulina at nakiramdam. Boses ng alagang si Emy ang pinagmumulan ng isang tinig. Ngunit nabalot ng kilabot ang buong katawan ng kasambahay ng maulinigan ang kausap nito! Malaki, malalim na boses na animoy sa ilalim ng lupa nagmumula. Hindi nya mawari kung ito ba ay boses ng babae o lalaki. Patuloy siyang nakiramdam at nakinig.

"Malapit na Emy! Kailangan mo ng tuparin ang pangako mo sa akin na papatayin mo ang sanggol sa tiyan ng Mommy Claire mo!"

"Pe-pero di ba bad iyon? Saka gusto ko naman magkaron ng kapatid."

"Hindi maaari! Pag ipinilit mo ang gusto mo ay ikaw ang papatayin ko! Ito ang katuparan ng sumpa kung bakit ka isinilang Emy! Ang ipaghiganti mo ako! Hahahaha!"

Nanginginig na si Paulina sa higaan niya. Pigil na pigil na ang kanyang paghinga sa takot na maramdaman ni Emy at ng kung ano mang kausap nito na hindi niya maaninag sa dilim na kinasanayan na ng kanyang kanina pa dilat na mga mata.

"Pero bakit po? Bakit kailangan ko pang..."

Hindi natapos ni Emy ang kanyang sinasabi. Natahimik ang buong silid. Pinagpapawisan na si Paulina sa matinding takot at nerbyos.

"Gising ang tagapag alaga mo! Nakikinig siya sa pinag uusapan natin..."

"Waaaaaaahhhhh!!!!" Hiyaw ni Paulina. Hindi na siya nag aksaya ng panahon at patalon siyang lumundag mula sa hinihigan at tinakbo ang naka pinid na pinto. Walang lingon lingon na lumabas siya ng silid na ang tanging nasa isip ay mailigtas ang sariling buhay!

⛓ANINO ng SUMPA⛓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon