Humihingal na si Randy sa pagtakbo! Pagod na pagod na siya! Hindi niya tinangka man lang lingunin kung sino o ano ang humahabol sa kanya. Dinig na dinig niya ay halakhak nito sa kanyang likuran. Napakadilim! Wala siyang maaninag kahit konting liwanag man lang. Liwanag na kulay pula. Galing sa likod niya! Paano kung abutan siya ng tumutugis sa kanya? Ayaw pa niyang mamatay!
Nakakita siya ng liwanag. Hugis parisukat. Tila liwanag sa likod ng isang pinto! Tama! Pinto nga! Salamat po! Binilisan pa niya ang pagtakbo upang marating agad ang pinto ay takasan ang humahabol sa kanyang kamatayan! Pinihit niya ang seradura ng pinto at mabilis na kumabila sa liwanag na kanina lang ay abot tanaw lamang. Ito na ang kanyang kaligtasan!
Ngunit laking gulat niya ng makitang nasa isang kuweba siya. Isang kuwebang madilim at puno ng naglalagablab na apoy! Sa harapan niya ay isang balon na puno ng tinik at apoy. Naroon si Claire, ang ina at kapatid nito! Pati narin ang kasambahay na si Paulina! Lahat ay nananangis at nananaghoy dahil sa matinding paghihirap!
Ano itong lugar na ito? Nasaan ako? Sigaw ng isip ni Randy! Maya maya ay naramdaman niya ang pagbukas at muling pagsara ng pintuang dinaanan. Nilingon niya upang alamin kung sino ang kasunod niya.
Nakatayo sa likuran niya si Emy at sa likuran nito na tila nakalukob sa katauhan nito ay isang maitim na nilalang na may mapupulang mga mata at mapulang balat na tila katad. May mahahaba itong sungay at matutulis na ngipin na kitang kita sa paghalakhak nito. Isa itong demonyo!
"Huwag kayong lalapit! Emy! Lumayo ka sa kanya! Isa siyang demonyo!"
"HINDI SIYA MAAARING LUMAYO SA AKIN SAPAGKAT SIYA AT AKO AY IISA! BAGO PA MAN SIYA IPANGANAK AY NAKATAKDA NA KAMI AY MAGING ISA UPANG MAGHASIK NG LAGIM AT WAKAS SA LAHING NAGMULA SA MGA ADVENTO! PATI ANG MGA MAHAL NILA SA BUHAY AY AMING LILIPULIN! BWAHAHAHA! AT SISIMULAN NAMIN NGAYON SA IYO!"
Naramdaman ni Randy na lahat ng mahal niya sa buhay, si Claire, si Jazz, ang kanilang ina pati na ang kasambahay at sabay sabay siyang hinawakan sa magkabilang paa at hinihila sa malalim at madilim na balon! Ubod lakas siyang lumaban upang makakawala ngunit ganun na lang ang sindak niya ng marinig ang tinig ni Emy!
"Daddy wag mo ng labanan, sumama ka na sa kanila! Magsasama sama kayo dito sa kailaliman ng impyerno!" At itinulak siya ni Emy ng ubod lakas na siyang ikinahulog niya sa malalim na balon!
"Hindeeeee!"
Pawis na pawis si Randy na napabangon sa pagkakahiga sa kama ng tinuluyang hotel.
"Panaginip lang. Diyos ko! Salamat at bangungot lang pala!" Nag antanda si Randy at kinuha ang pitsel ng tubig na nasa tabi ng kama at tinungga hanggang maubos ang isang basong tubig upang pakalmahin ang takot na takot na sarili.
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
Sa terminal ng bus sa Pasay ay bumaba na sila Padre Arturo at Kyle at sumakay ng tricycle at nagpahatid sa hotel na tinutuluyan ni Randy. Kailangang maisagawa na ang pag eeksorsismo kay Emy bago sumapit ang alas dose ng hatinggabi. Sinulyapan ni Padre Arturo ang wrist watch.
Alas siyeta na ng gabi.
"Kyle, kailangan na nating magmadali! Magagahol na tayo sa oras! Naihanda mo na ba lahat ng kakailanganin natin?"
"Opo Padre Arturo. Nakahanda na pong lahat."
Humimpil ang tricycle sa harap ng hotel na sadya. Bumaba ang dalawa at sabay na pumasok sa loob ng hotel na iyon.
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horreur#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...