Ang Istorya ni Genoveva Part 1

1.9K 78 0
                                    

1958

Nag iimis ng mga sinampay ang 23-anyos na si Concha habang nakikinig sa awiting "Catch a Falling Star" ni Perry Como sa kanilang stereo phonic. Tinitiklop na din nya ang mga tuyong damit matapos itong kareganin. May ngiti sa mapupula niyang labi habang ginagawa ang naturang pagtitiklop. Kanina kasi ay nagkita sila ng kanyang katipang si Cesar sa isang bagong bukas na resto malapit sa universidad na kanyang pinapasukan. Napakatamis ng mga labi nito at napakaraming plano para sa kanilang kinabukasan. Hindi pa nasasabi ni Concha sa mga magulang na mag nobyo na sila ni Cesar at nagpa plano na silang mag isang dibdib. Mamayang gabi pag tulog na ang kanyang mga magulang ay susunduin siya ni Cesar at ....bahala na kung may mangyari ulit sa kanila. Tutal naman ay ilang ulit naring naisuko ni Concha ang pagkababae sa lalaking minamahal. At may isa siyang magandang sorpresa para dito....sigurado siyang matutuwa ito.

Matapos kumain ng hapunan at makapagligpit ng pinagkainan nila ng kanyang mga magulang ay dali daling umakyat si Concha sa silid tulugan. Naligo ito, nagpabango at inihanda na ang isusuot mamaya sa muli nilang pagtatagpo ni Cesar.

11:32 ng gabi, dumating si Concha sa ilalim ng puno ng macopa kung saan ang tagpuan nila ni Cesar. Nandun na ang katipan at masuyo siya nitong hinagkan.

"Hmmm. Ang bango mo naman! Nakakagigil ka!"

"Cesar ano ba? Baka may makakita...hihihi!"

"Eh ano naman kung may makakita? Masama bang samsamin ko ang bango at alindog ng aking mapapangasawa?"

"MASAMA! LALO PA AT MAY NAUNA KA NG PINANGAKUAN NG KASAL!"

Isang babaeng kagampan ang tiyan ang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Ge-genoveva!"

"Ako nga Cesar! Akala ko nung una ay abala ka lamang sa pag aaaral sa universidad kaya hindi mo na ako pinupuntahan sa amin. Akala ko ay pinaghahandaan mo ang pagsilang ko sa ating anak! Yun pala ay may kinahuhumalingan ka ng iba!"

"Cesar? Ano ito? Sino siya?" tanong ni Concha.

"Ah mahal ko. Huwag mo siyang intindihin! Wala yan!"

"WALA? Wala lang ako? Di ba't puro matatamis na pangako ang iniwan mo sa akin matapos kong isuko ang aking pagka birhen sa iyo? Pinangakuan mo ako ng kasal? Ngayon ay sasabihan mo ako ng wala lang ako sa harap ng babaeng taga siyudad na iyan?!"

"Genoveva, sinabi ko ba da iyo na pakakasalan kita? Ang sinabi ko ay pananagutan ko ang batang dinadala mo. Susustentuhan ko. At nangako ka ding hindi ako guguluhin sa aking pag aaral ng Medisina!"

Inilipat ni Genoveva ang tingin kay Concha.

"Ikaw babae, mukhang edukada ka naman, maganda. Ikaw na ang kusang lumayo at makipag kalas sa lalaking ito. Alang alang na lamang sa bata sa aking sinapupunan. Marami pang magkakagusto sa iyo. Ngunit ako, nalasadlak na ako at ang aking pamilya sa kahihiyan at pangungutya ng mga tao. Mahirap lamang kami. Kung pati puri at dangal ay mawawala pa sa akin, baka iyon ang ikamatay ng mga magulang ko!"

Nakadama ng awa si Concha sa babaeng kagampan na nagngangalang Genoveva. Ngunit ano ang kanyang magagawa?

"Kung a-ako lamang ang tatanungin ay kaya kong magparaya. Walang kasalanan ang batang iyong dinadala, Genoveva. Cesar, dapat ay hindi mo na ako sinuyo at pinangakuan din ng kasal kung may katipan ka na pala!"

"Concha, makinig ka sa akin, ikaw ang mahal ko! Wala akong pagmamahal kay Genoveva. Kahit pa sabihing dinadala nya ang anak ko sa sinapupunan niya! Handa ko silang talikuran para sa iyo!"

"Hindi ako ganun kasama Cesar! Kung hindi lamang dahil sa...sa..." tumingin muna si Concha sa lumuluhang si Genoveva bago itinuloy ang sinasabi..."sa nagdadalang tao rin ako! Buntis din ako Cesar!"

Halos mapatalon sa kaligayahan si Cesar habang isang tila atungal naman ang kumawala sa nananangis at galit na galit na si Genoveva.

"MAGBABAYAD KAYO SA PANG AAPI NINYO SA AKIN! HINDI KAYO MAGIGING MALIGAYA! IKAW CESAR, INALAY KO SA IYO NG BUONG BUO ANG AKING PAGKATAO AT PAGKABABAE, NILOKO MO LANG AKO! BAKIT?"

"Genoveva dapat ay hindi ka umasa kahit pa man nangako ako. Alam mo simula at sapul na hindi tayo nababagay. May lamat ang pamilya ninyo. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao na ang isang katulad kong magiging medico na ay papatol sa isang nagmula sa lahi ng mga baliw? Mag isip ka babae!"

"HAYUP KA!" Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Cesar na siyang ikinagalit nito. Hinila niya sa buhok si Genoveva at inginudngod sa lupa. May mga maliliit na tipak ng bato ang nag uslian sa lupa kung kayat nagdugo ang mukha ng babae ng tumama doon. Akmang babangon pa sana si Genoveva ng walang humpay na pinagsisipa ni Cesar ang likod, tagiliran at tiyan nito. Naramdaman ni Genoveva ang pagdaloy ng malagkit at naparaming likido mula sa kanyang pagkababae pababa sa kanyang mga hita at binti.

"Cesar, tama na iyan. Umalis na tayo dito. Dinudugo na siya!"
Natigilan si Cesar sa sinabing iyon ni Concha. Pinagmasdan niya ang nakalugmok na si Genoveva na namimilipit sa sakit.

"Cesar! Tulungan mo ako! Ang anak natin, baka kung mapano ang anak natin!"

"Tayo na Cesar, umalis na tayo dito. Baka madamay ka pa ano na lamang ang sasabihin ng mga amigo at amiga ng Papa at Mama mo? Nariyan na yan wala ka ng magagawa!"

Muli ay sinulyapan ni Cesar sa kahuli hulihang pagkakataon ang babaeng nag alay sa kanya ng walang pasubaling pag ibig. Pagkatapos ay kinuha ang kamay ng dalagang tunay na minamahal at walang lingon lingon na iniwanang nakasadlak ang noon ay wala ng malay na si Genoveva.

⛓ANINO ng SUMPA⛓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon