Nangilabot ang buong katawan ni Claire ng marinig ang dalawang boses sa loob ng silid ng anak, ang isa nga dito ay sa batang si Emy. Ngunit sino ang kausap niya na tila nagtatalo pa ang mga ito. At ang isa pang nakapagpakilabot kay Claire ay ang pangalawang boses ay hindi boses ng isang bata. Malaki at tila nanggagaling sa hukay ang boses na hindi mawari ni Claire kung boses ba ng lalaki o babae.
Bigla niyang pinihit ang doorknob at bigla ang ginawa niyang pagtulak sa pinto.
"Hi Mommy. Sorry po kanina ha? Bigla pong sumakit ang tiyan ko kaya po ako tumayo bigla at tumakbo."
Nakasalampak sa sahig sa gilid ng kama si Emy at naglalaro ng kanyang Barbie doll. Mag isa lang ito sa loob ng silid.
"Ah it's alright sweetheart." Wala sa sariling tugon ni Claire. Hindi siya pwede magkamali. Dinig na dinig niya ang boses na kausap ni Emy ilang segundo lang bago siya pumasok sa silid nito. "Emy, si-sino ang kausap mo kanina anak? Nagpe play ka ba ng make believe with your Barbie? Si Barbie ba ang kausap mo?" Panliligaw niyang tanong. Para hindi makahalata ang bata at baka lalo pa itong msglihim.
"Tumingin ng derecho sa mata ni Claire si Emy. May pagtatakang tingin at saka sumagot "Wala po akong kausap dito Mommy. Mag isa lang po ako and hindi ko din po kinakausap ang Barbie doll ko..."
Tila napahiya si Claire sa tinuran ng bata kaya hindi na niya pa ito kinulit. Hinagkan nalang niya ito at saka lumabas na ng silid.
SAMANTALA, sa loob ng naiwang silid, patuloy ang paglalaro ni Emy sa Barbie doll niya ng biglang umuga ang kama niya. Mahinang pag uga sa simula at pabilis ng pabilis. Maya maya lamang ay dumagundong sa tenga ng bata ang malaki at nakakatakot na boses ng kausap bago mapasukan ng ina.
"Wag kang tanga Emy! Bilang na ang maliligayang araw mo! Sa oras na lumabas ang anak ni Claire at Randy, balewala ka na! Basura ka na lamang! Hahahaha!!!" Tila nanggagatong pang pambubuska ng kausap ni Emy.
"Kumilos ka na hanggat may oras ka pa! Patayin mo ang sanggol sa sinapupunan ng Mommy Claire mo!"
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...