Natulala sa labis na kilabot si Randy. Wala siyang masabi sa kwento ng matandang si Mang Cenon.
"At magmula nga noon Amang ay lahat ng babaeng Advento magmula kay Concha ay nabaliw kapag sila ay nagplano ng mag asawa. At ang lalaking kanilang iniibig ay namanatay bago nila makaisang dibdib ang mga babaeng Advento. Si Concha at nabaliw matapos magpakamatay si Cesar. Isinilang niya ang sanggol nila ni Cesar sa loob ng mental hospital. Inampon si Guada ng malayo ding kamag anak. Nagpakalayo layo si Guada at nanirahan sa Maynila kasama ang anak niya sa pagkadalaga na si Helena. Ang ama ni Leah ay hindi ang kinagisnan niyang ama. Namatay bago ikasal ang ama niya kay Helena. Ang kinatatakot ng mga babaeng Advento at ay pagdating ng ika limang salinlahi ng sumpa. Ito daw ang magiging huli at kaganapan ng pinakamalagim at pinakamadugong katuparan ng sumpa ni Genoveva. At iyan na nga ata ang tinutukoy mong batang nagngangalang Emy."
"May paraan ho kayang pigilan o wakasan ang sumpa? Mayroon ho kayang pangontra doon? Kawawa naman ho ang bata kung magiging kasangkapan ng isang sumpang puno ng poot at pagkasuklam sa mga babaeng Advento na wala naman ng kasalanan o kinalaman sa naging kasalanan ni Concha at Cesar kay Genoveva."
"Hindi ko alam Amang, hindi ko alam kung may paraan para wakasan ang isang sumpang nagpasalin salin na ng henerasyon. Kay Emy na malilipol ang lahi ni Concha at ni Cesar."
"Ngunit ano po ang mangyayari kay Emy pagkatapos siyang gamitin ng sumpa ni Genoveva?"
"Mabubuhay muli sa katauhan ni Emy ang kaluluwa ni Genoveva. Iyon ay kung wala na talagang paraan para maipadama kay Genoveva na sapat na ang dugong dumanak upang matubos ang kanyang kaapihang dinanas. Maalala ko nga pala Amang, hanapin mo ang dating kura paroko ng lugar na ito. Si Padre Arturo de Juan Bautista. Retirado na siya at sa bungad ng bundok ng Atimonan siya naninirahang mag isa. Maaaring may maitulong siya sa iyo at kay Emy. Nandoon siya ng kitlin ni Genoveva ang sarili niyang buhay at ng kanyang sanggol. Siya ang dapat na magtatali kay Cesar at Concha sa pag iisang dibdib nila."
"Salamat po Mang Cenon. Bukas na bukas din ho ay sasadyain ko ang kurang sinasabi ninyo."
At nagpaalam na nga si Randy at tumalikod na upang bumalik sa hotel na tinutuluyan. Habang papalayo kay Mang Cenon ay isang dalangin ang iginawad ng matanda sa lalaki.
"Kasihan ka nawa ng Diyos Amang. Kasihan ka nawa ng Diyos."
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...