"Benjamin, kailangan ba talaga nating hintaying maka 40 days si Claire bago tayo bumalik sa Amerika? Natatakot ako!"
"Ano ka ba naman Guada? Anak natin ang namatay dito. Si Claire! Hindi ba man lang natin hihintayin matapos ang 40 days niya?"
"Hindi ko talaga maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa twing nakikita ko ang apo natin, ang anak ni Justine! May mali Benjamin! May mali!"
"Por Dios por Santo Guada! You should hear yourself!" Nang makitang may luha ang mga mata ng kabiyak ay marahan itong lumapit dito at niyakap. "I know it's hard. Mahirap din para sa akin. Dalawang anak natin ang nawala. Tayo dapat ang naglibing sa kanila. Not the other way around."
Hindi na kumibo si Guada bagkus ay nanahimik nalang. Nagtatalo din ang damdamin niyang puno ng takot at ang mairaos ang nakagawian sa Pilipinas na pag alaala sa mga yumao hanggang lumipas ang ika apatnapung araw mula ng pumanaw. Siguro nga ay guni guni lang niya ang nakita niyang nakangising mukha ng apo na tila ba puno ng kabuktutan at kasamaan. Mali. Mali siguro ang iniisip niya at dala lamang iyon ng pangungulila at dalamhati sa pagkamatay ng natitira pang anak.
KINABUKASAN maagang nagising si Guada at bumaba sa kusina upang magtimpla ng kape. Wala ang kasambhay na si Gemma dahil namalengke ito ng lulutuing pananghalian. Nilagyan niya ng tubig ang takure at isinalang iyon sa de gasul na kalan. Nakaupo siya sa comedor katabi lang ng kusina ng may maramdaman siyang presensya malapit sa kanya. Presensyang hindi man lang nita pinagkamalang kaluluwa ng namayapang anak dahil alam niya buhay ang presensyang iyon. Buhay, nakamasid sa kanya at ubod ng sama! Kinilabutan siya. Pero nilakasan niya ang loob at nilingon ang gawi ng sala na patungo sa may hagdanan ng bahay.
Walang tao.
WEEEEEEE!!!
Nagulat siya sa biglang pagsipol ng takure. Kumukulo na ang tubig. Nilagyan niya ang tasa ng kalahating kutsaritang decaffeinated na kape, isang kutsaritang creamer at dalawang sachet ng Equal na pampatamis. Tumayo siyang dala dala ang tasa upang buhusan ng kumkulo ng tubig upang lapitan ang kalang pinagsalangan ng takure.
"Lola, magkakape ka na ba? Baka nerbiyosin ka?"
Halos mabitawan nya ang tasang hawak ng bumulaga sa harapan niya si Emy, dala dala ang takureng may lamang kumukulong tubig.
"Diyos ko naman bata ka! Ginulat mo ako! Saan ka ba nanggaling at bigla bigla ka nalang sumulpot?" Natatakot siya sa apo na titig na titig sa kanya habang hawak ang pinkulo niyang tubig. Pero hindi siya nagpahalata. Nakangisi ito ng isang mala demonyong ngisi.
"E-emy, apo, a-akina yang takure at baka mapaso ka..."
"Nami miss mo na ba si Mommy Claire, Lola? Alam ko miss mo na siya. Gusto mo na ba siyang makitang muli? Ha, Lola?!"
Nanginginig na sa takot si Guada at hindi na niya nagawang itago sa paslit ang takot sa mga mata niya.
"A-nong sinasabi mo?"
"Tinatanong kita Guada, gusto mo na ba makita ulit ang anak mong si Claire? Si Justine? Alam ko gusto mo yun di ba? Pati ang dapat sana'y magiging isa mo pang apo na nasa tiyan ng anak mo....SUMAGOT KAAAA!!!"
"Si-sino ka? Hindi ikaw ang apo ko! Hindi ikaw si Emy! Isa kang demonyo!"
"BWAHAHAHA!"
At unti unting nagpalit ng anyo magmula sa pagiging ang batang si Emy, naging isang napaka itim na nilalang ito, puno ng itim na balahibo ang buong katawan, mapupula ang mga mata, labi at gilagid.
"MAGALING! ISA NGA AKONG DEMONYO! HAHAHAHAHA!!!"
"Diyos ko! Tulungan niyo ako! Demonyo! Demonyo! Ben! Beeeeennnn!!!"
At sa isang iglap ay nalalapit kay Guada ang nilalang at ibinuhos ang kumukulong tubig sa ulo at mukha niya. Walang itinira sa takure kahit isang patak!
Bumagsak sa sahig ang tasang dala ni Guada at nabasag, kasunod ng paghandusay niya sa sahig. Nagkikisay ito at nagsisisigaw dahil sa pagkalapnos ng ulo at mukha. Kumubabaw dito ang nagbalik na sa anyo ni Emy na nilalang at pinagsalikop ang dalawang maliliit ngunit puno ng lakas na mga kamay sa leeg ng namimilipit na matanda at sinakal ito hanggang sa tuluyan ng tumigil sa pag galaw.
Matapos at marahang tumayo, tiningnan ang halos hindi makilalang mukha ng lola, at ubod lakas na tumili.
"LOLAAAAA!!!"
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horreur#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...