"Emy! Emy! Kakain na tayo anak!" Tawag ni Claire kay Emy sa nakahaing hapag kainan. Masayang lumapit ang bata at humalik muna sa ina at ama. Masayang tiningnan naman ni Claire ang pamangkin na itinuring na nilang mag asawa bilang tunay na anak. Mabait ang asawa ni Claire na si Randy at magiliw ito sa batang si Emy. Namuhay sila ng normal at maayos sa loob ng apat na taon magmula ng isilang si Emy. Hindi kasi pinalad na magkaroon ng sariling anak ang mag asawang Claire at Randy kaya nai focus nila ang atensyon at pagmamahal sa batang si Emy.
Habang masiglang kumakain ang mag anak at napatigil sa pagsubo si Claire. Tumingin ng nakangiti kay Emy at sunod ay kay Randy.
"May magandang balita ako..."
Natahimik at napatigil sa pagkain ang mag ama. Pagkuway napatingin kay Claire na tila ba nag aabang sa ibabalita nito.
"Magiging Daddy ka na mahal! I mean magiging Daddy ka na ulit at magiging ate na si Emy! Buntis ako mahal!"
Halos mapalukso sa tuwa si Randy sabay lapit at yakap sa asawa. Hinalikan ito at masuyong hinimas ang tiyan.
"Hello baby."
Muling hinalikan sa labi ang asawa. Natahimik ang comedor at sabay nilang sinulyapan si Emy na hindi mawari ang ekspresyon sa mukha nito.
Tila nagpipigil ng luha habang nakangiti, marahang sumubo at ngumuya ng pagkain si Emy. Hindi niya pinakita sa magulang ang tunay na saloobin niya. Pinigilan niya ang magpadala sa paulit ulit na bumubulong sa isipan niya kanina pa!
"Hindi ka na nila mahal Emy! Magkakaanak na ang Mommy at Daddy mo! Tunay nilang anak! Di tulad mo na ampon! Ampooooon!!!"
Hanggang sa hindi na mapigilan ng bata ang panibughong namamagani sa dibdib at bigla itong tumayo at nagtatakbo papunta sa silid, dahilab upang magkalantugan ang mga pinggan at kubyertos ng mabunggo nito ang hapag na siya namang ikinagulat ng mag asawa na saglit na nakalimutan ang batang itinuring na nilang sariling anak.
BINABASA MO ANG
⛓ANINO ng SUMPA⛓
Horror#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang sa kanya ay nabaliw simula palang ng ipagbuntis siya. Ang kasintahan ng kanyang ina ay misteryosong...