Ikaw Na ang Susunod

1.7K 97 0
                                    

Tulala si Randy ng lumisan sa NuVera Asylum. Litong lito ang kanyang isipan sa mga natuklasan sa matandang tila buong buhay na ang kumupas sa loob ng pagamutan ng mga may kapansanan sa pag iisip. Hanggang sa dumating siya sa bahay ay tulala parin ito. Nahaluan na ang kanyang pagkatao ng takot para sa paslit na pinalaki at itinuring na anak. Bakit nila sinapit na mag asawa ang ganitong kapalaran? Saan sa mga desisyon nila sila nagkamali? Kahit hindi sila perpekto sa pagsasama nila ay maituturing niyang naging mapagmahal silang magulang kay Emy at pinilit nilang palakihin ito ng tama at may takot sa Diyos. Pero kung totoo lahat ang sinabi ni Aling Helena sa kanya at sa lahat ng itinuro nito upang wakasan ang "sumpa" sa lahi ng mga babaeng Advento na pati siya at mga minahal niya sa buhay ay nadamay. Ngunit bago ang lahat ay kailangan niyang magsaliksik at makasiguro na hindi lamang bunga ng pagkasira ng isipan ng babaeng kausap.

Paakyat na siya patungo sa silid ng mula sa gilid ng mga mata ay nakitang anino sa likod ng bahagyang nakaawang na pintuan ng silid ng anak. Nakaramdam ng matinding takot ito para sa sariling kaligtasan.

"Daddy?" Puno ng lungkot ang boses ng bata at nakatingin sa kanya ang malamlam na mga mata na puno ng luha. Napalitan ng awa at habag ang kanina'y takot na naramdaman. Nilapitan niya ito umupo ito ng patingkayad upang lumevel ang taas niya sa batang biglang yumapos sa kanya.

"Daddy! Akala ko iniwan mo na ako! Akala ko di mo na ako love?"

Walang maisagot si Randy sa tinuran ng bata. Nakaramdam siya ng pagka guilty ng maisipan ang sinabi sa kanya ni Aling Helana na patayin niya si Emy sapagkat ito ang magiging katuparan ng sumpa o ang pagkaputol nito na maaaring magdulot ng mas matindi pang lagim at kamatayan sa mga salinlahi pang darating sa pamilya ng mga Advento.

Akmang gaganti siya dito ng yakap ng muli itong magsalita:

"Wala na silang lahat Daddy. Pinatay ko na silang lahat. Ikaw na ang susunod..."

Gimbal na nanigas si Randy sa kinaroroonan sa tinuran ng bata. At ang mas lalong nagpakilabot sa kanya ay malaki at malalim na boses ng isang lalaki ang lumabas sa bibig ng anak!

⛓ANINO ng SUMPA⛓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon