Damit Pangkasal

5K 162 8
                                    

Hindi pa po COMPLETED ang ⛓ANINO NG SUMPA pero ipa publish ko na po ito. Once a week po ang pinakamatagal kong magiging update kung sobrang busy lang po. Muli, salamat po sa inyong suporta at wag kalimutang pindutin ang ⭐️ sa ibaba. 🌸

⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓
⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓⛓

"Napakaganda mo Leah!" Ito ang bulalas ni Jazz habang nakatitig sa katipan na nakaharap sa full-length mirror suot ang damit pangkasal.

Dalawang araw nalang at ikakasal na ang magkasintahang Jazz at Leah. Matapos ang halos tatlong taong pagiging magkatipan ay haharap na ang dalawa sa dambana upang mag isang dibdib. Isang masuyo at punung puno ng pagmamahal na ngiti ang igibawad ng dalaga sa mapapangasawa. Napaka swerte niya dito. Mabait, maunawain at responsable. Mahal na mahal niya ang kasintahan.

Subalit nang maalala ang nangyari kahapon ay muling napalis ang ngiti sa labi nito at nagbadya ang masaganang pagpatak ng luha. Hindi naikubli iyon sa binata at agad itong lumapit upang yakapin ang dalaga.

"O bakit bigla kang nalungkot? Da--dahil ba sa nangyari kahapon?"

At doon nga ay hindi na napigilan ni Leah ang pagluha habang magigpit na nakayakap sa katipan.

FLASHBACK (Isang araw mula noon)

Nakahimpil ngunit nananatiling buhay ang makina ng kotse ni Jazz katabi si Leah sa passenger seat. Nasa harapan sila ng isang establisyamentong gusali na napagkasunduang puntahan bilang parte narin ng kanilang nalalapit na pag iisang dibdib. Bantulot si Leah na pumasok sa matayog na gusalu kung saan nanahan ang ina. Naparito sila ni Jazz upang hingin ang bendisyon nito sa kanilang pag iisang dibdib kahit pa alam ni Leah na tutol ito sa kanyang pagpapakasal. Ang pananaw naman ni Jazz ay sa salita lang ang pagtutol ngunit magiging masaya parin ito ng lihim sa pakikipag isang dibdib ng kaisa isang anak.

At ngayon nga ay magkahawak kamay na kaharap na ng magkasintahan ang ina ni Leah. Hindi man lang sila nito tiningnan at nakatingin lang sa angan angan.

"Mommy, ako ito si Leah. Anak mo." Wala paring pagbabago sa ina. Mistulang tulala parin ito.

"Kasama ko po si Jazz...Justine po, nobyo ko."

"Magandang araw po sa inyo Ma'am."

"Mommy please look at me."

Walang nakuhanh reaksyon si Leah mula sa ina. Tahimik na tumulo ang luha ng dalaga. Nag desisyon itong sabihin na ang pakay at inihanda ang sarili sa magiging kawalan ng reaksyon ng ina.

"Mommy, magpapakasal na po kami ni Jazz. Mommy ko...bu-buntis po ako. Magkaka-apo na po kayo."

"Hiindeeeee!"

Nagulantang ang magkatipan sa biglang palahaw ng ina ni Leah. Nanlilisik ang mga mata nitong titig na titig sa anak.

"Hahahaha. Hindeee! Nangyayari na ang sumpaaa! Ang batang iyan! Iyan!" Sabay duro ng daliri sa impis pang tiyan ni Leah. "Ang batang iyan ang papatay sa ating lahat! Hahahaha! Huhuhuhu! Tama ang sumpa...
Tatlong rosas na itinakda,
Bukadkad, tikom at bubot,
Itanim man sa lilim, sa araw o sa dilim,
Sa pagbukadkad ng bubot,
Ang naunang mamukadkad ay malalanta,
Ang tikom ay gagaya,
Ang bubot sa kanyang pagyabong,
Mga malalaking tinik na dala ay lagim,
Sa pamamayagpag ay ito ang babagabag,
Anino ng lagim,
Ultimo hangin ay sisindakin!"

Hindi nakahuma ang dalawa. Walang maunawaan sa mga katagang matalinhagang binibigkas ng babaeng kaharap. Nanginginig na si Leah at niyaya na nito Jazz na nag aalala narin sa kapakanan ng kasintahan at ng batang dinadala nito. Magalang na nagpaalam si Jazz sa ina ni Leah at dahan dahang inalayan ang huli palabas ng silid. Bago tuluyang maisara ang pinto, maliwanag na maliwanag na narinig ng magkatipan ang klaro at malakas na walang alinlangang boses na ina ni Leah...

"Mamamatay ka lalaki. Bago mo pa man maihatid iyang babaeng yan sa dambana upang pakasalan, mauuna ka munang paglamayan!"

⛓ANINO ng SUMPA⛓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon