chapter 2- sleepless night

1K 34 0
                                    

Hindi ako makatulog sa kaiisip . Nagpaharapharap na ako sa kabikabilang sulok ng kama ko. Kaya naisip ko na lang na tingnan ang stars sa bintana ng kwarto ko.

Ganito na naman ang gabi ko. Katulad ng dati, hindi ako makatulog dahil sa kaiisip. Ang ganda ng stars, sumasakit na ang mata ko sa katititig ng isang makinang na star sa langit yung pinaka-kakaiba sa lahat.

Siguro kung witch/wizard rin ako katulad ni Harry, ipaparamdam ko kay David, bestfriend ko, kung gaano siya kahalaga sa akin simula ng iwan niya ako.

Sana nasabi ko man lang na meron akong lihim na pagtingin sa kanya simula ng unti-unti na siyang lumayo sa akin at nagkaroon ng iba.Ang tanga tanga ko naman kasi, mahirap bang sabihin yun? Yan tuloy naagawan ako. Pero ano bang magagawa ko? Hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ano bang magagawa ko?

Yung babaeng pinili niya, sikat maraming kaibigan, lahat na lang yata ng tao kinababaliwan siya. Pati si David, kinuha niya. Ano bang meron siya na wala ako? Maganda naman ako, di nga lang halata. Medyo matalino naman ako, at walang bisyo. Yung babae na iyon, ulo palang hanggang paa, tinubuan na ang kademonyohan. Una, marami siyang kaaway at makontrobersiya siyang tao.Pangalawa, nagsisigarilyo yun kasi noong nag-CR ako may naamoy akong usok ng sigarilyo

Pangatlo, Yung Mayette na iyon,ay sinisiraan ako, sabi ba naman loser ako dahil hindi ko man lang nagawang pa-inlovin sa akin si David, kaya iyon naging sila na nga. Pang-apat, Yung Mayette and company na iyan, napaka-bully akalain mong barahin ako sa FB ng mga status niya! How FREAK is that GIRL, kaya hindi ko malaman kung bakit gusto siya ni David. 

Pero bakit iyon? bulag ba siya? Di niya ba nakikita na nasasaktan na ako kapag kasama niya yung ungas na iyon? Siguro hanggang kaibigan nga lang kami, kaya ganito, walang pagbabago. Buti ka pa star wala kang feelings. Di ka nasasaktan di ka lumuluha. Goodnight na nga star. ang drama ko.

GUSTO KO NG MATULOG!!! Tinanggal ko ang unan sa ulo ko at tiningnan ang orasan, pagkatingin ko sa orasan ay 4:00 na ng madaling araw. Ibig sabihin, wala pa talaga akong tulog. Alam mo yung feeling na nagmamadaling matulog? Urgh.. ayokonh magmukhang panda bukas. first day ko pa naman sa college.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng malamig na tubig. Lahat sila ay tulog na pero hindi ko naman tinatakot ang sarili ko kaya, pumunta ako ng kusina na derederetso. Binuksan ko ang ilaw at kumuha na nga ng tubig sa ref. Sa pagbalik ko ng kwarto, may nakita akong kumikislap na kulay green. Isa lang iyon, maliit, lumilipad, at magandang tingnan. Alitaptap lang pala.

Pero bakit nagkakaroon ng alitaptap dito sa Manila? Hindi ko na lang pinansin, hanggang sa dumami sila ng dumami. Nakahiga na ako at pinapanood ang mga alitaptap na parang mga fairies. Lumapit silang lahat sa akin at dumapo sa aking kamay. Nasa panaginip na ba ako? Kapag nakikita mo silang lumilipad ay parang may gusto silang ipahatid sa iyo na magandang message. Message?

Naalala ko na naman si Harry, kaya natakot ako baka si Harry ay isa sa mga alitaptap. Mapikit-pikit ko na ang aking mga mata ng may nakita akong letra na binuo ng mga berdeng lumilipad. Kung hindi ako nagkakamali ay isang puso. Mapikit-pikit na akong nakangiti na parang lasing. Pilit kong binubukas ang mata pero sumasara na lamang bigla. Kaya iyon nakatulog na ako, at nakita kong umalis na ang mga alitaptap at mahimbing na akong nakatulog.

*yeah, may past pala si Sarah :-)

I love you readers

like, share, comment

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon