chapter 18-

436 8 0
                                    

Chapter no. 18

Nagising ako ng umaga at walang tao sa bahay. Malamang pumunta si Gwen sa mundo namin kasama ang alagad niyang katulong ng bahay.

Matapos kong mag-unat unat, napatingin ako sa orasan. Late nanaman ako sa eskwela.  Kumusta kaya si sarah? Siya nanaman ang pumasok sa isip ko ng ganito kaaga.  Sana naman nasa maayos siyang lagay.

Sabi niya, ngayon daw kami mag-uusap dahil nagbabakasakali siyang magbago pa ang isip ko na hindi siya iwasan dahil alam niyang nasa piligro ako. At in my case, ayaw ko siyang madamay. Pero ngayon, wala akong magagawa dahil kailangan ko siyang pa-inlovin bilang paghahanda sa pagpatay ko sa kanya, but in my case ulit, ako ang nanganganib dahil sa tingin ko, in love na ako sa kanya. Kaya mahirap pa rin para sa side kong patayin siya.

Matapos akong maligo, magtoothbrush, magbihis, at kumain, ay inihanda ko na ang mga gamit ko sa school mahirap ng mapahiya ka sa recitation. Kaya kailangan ng tablet.  At hindi ko rin nakalimutan magdala ng magic wand just in case na wala sa tablet ang sagot. Total di ko naman ito mundo.

Umalis na ako ng bahay at maya maya pa’y nakarating na rin ako sa wakas. Sarado na ang gate at konti na lang ang pumapasok dahil late ako. Pinagalitan ako ng guard.

-“ID mo?”

This is great,  thanks for the desert. Ang aga-aga nag desert kaagad ako ng sermon ng guard.

-“sa susunod dalhin mo ha. College ka na. Nakakalimutan mo pa”

Ang sarap bangasan guard na ‘to. Suntukin kita diyan eh. nakakahiya kaya sa mga nasa likod ko.

Dali dali akong naglakad ng mabilis para maabutan ko pa ang 1st subject namin. tinakbo ko ang hagdan para mas mabilis akong makarating sa computer lab.  Nilaktawan ko na ang ibang steps kaya halos wala ng resistensya ang dalawa kong paa.

Nang tumapat na ako sa room na papasukan ko, sinisil silip ko muna sa labas ng salamin si Sarah. Pero di ko makita kung nandoon na nga siya dahil may isang kompyuter na nakaharang. Pilit ko pa rin siyang hinahanap hanggang sa may narinig akong tumawag ng pangalan ko.

-“Harry.”

Sa pagtawag niya sa akin, alam kong si Sarah na iyon. Boses nya ang narinig ko. Paglingon ko sa hallway,

-“Sarah” tawag ko sa kanya

Mahahalatang hingal na hingal siya sa pag mamadali ding umakyat ng hagdan. Gutay ang gutay ang uniform niya na parang hindi naplantsa.

-“kanina ka pa dyan?” tanong niya

-“oo kanina pa ako dito. May tinitingnan kasi ako sa loob”

Habang sinasabi ko iyon, ay tinuturo ko ang salamin ng room.

-“anong hinahanap mo?” tanong niya ulit

Lumapit siya sa akin at tiningnan din ang loob ng room habang ang iba naming kaklase ay di kami napapansin sa labas.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon