Chapter no. 16
-“lalaking ano?”
-“magkaparehas kayo ng damit okay? Tapos... tapos,,, hindi mo ba nasaksihan yung pagbugbog at pagpalo sa kanya. Tapos hinahanap nila yung isang tao na ang pangalan ay Harry..”
Hinihingal na ako sa pagkwento sa kanya kung ano ang nangyari kanina pero parang wala pa ring epekto sa kanya.
At sa wakas, lumingon din siya sa akin at sinabing,
-“Sarah, ano ka ba? Kanina pa ako nakaupo dito. Di ko alam sinasabi mo”
Ako ngayon ang hindi makapagsalita sa sinasabi niya.
-“wag mo nga akong lokohin Harry. Wizard ka at alam ko yun.. di ako tanga na baka ginamitan mo lang ng magic yung taong iyon at saka siya bigla nawala tapos papalabasin mong wala akong nakita? How stupid!!! Sarili ko mismong mga mata ang nakakita sa pangyayari, tapos sasabihin mong wala lang? Tatanungin mo kung saan ako nanggaling samantalang kakababa ko lang ng puno? Nagtotroma tromahan ka ba, o may tinatago ka?”
Parang wala pa ring kwenta ang lahat ng sinabi ko kahit hingalin na ako sa pagkukwento sa kanya. Ganun pa rin ang reaksyon ng mukha niya na parang wala lang talagang nangyari. Hanggang sa sinabi kong,
-“okay, edi wala din pala yung narinig kong SIYA NA BA YUNG KAILANGAN NATIN?”
Napansin kong nakuha ko na ang atensyon niya. Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
-“Harry, hindi mo boses yung narinig ko kanina.”
-“Sarah, wag kang matakot.”
-“hindi naman ako matatakot kung alam ko ang totoo. Ano ba? Ano na bang nangyayari? Niloloko mo na rin ba ako?”
-“Sarah...”
-“natatakot ako para sa’yo Harry, di mo ba maintindihan yun? Narinig mo naman kanina di ba? Ikaw ang kailangan nila kaya nabahala ako nung narinig ko yung SIYA NA BA YUNG KAILANGAN NATIN. Akala ko pagtapos mawala ng liwanag kanina wala ka na rin. Akala ko nakuha ka na nung dalawang bumugbog sa lalaki. Harry, sabihin mo naman sa akin kung anong nangyayari... bakit ka nila kailangan?”
Di ko na mapigil ang pag-iyak ko sa sobrang pag-aalala ko kay Harry. Niyakap niya ako at sabay nagsalita
-“Sarah, kalimutan mo na lang ang nakita mo”
-“Bakit ba? Bakit ayaw mong sabihin!!!!”
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at sabay niya akong tinitigan
-“di ba sinabi ko na sa’yo na malalaman mo lang ang lahat sa tamang panahon at tamang lugar”
-“eh ano pa bang tama sa’yo? Di ko nga alam kung masama ka ba o mabait eh”
Tumayo ako at iniwan ko siya sa kinauupuan niya
-“Sana maintindihan mo.”
-“ano pa bang dapat kong maintindihan eh wala ka ngang nililinaw sa akin.”
Hinihintay ko siyang sumagot pero di nanaman siya nagsasalita di ko na rin alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong sabihin niya sa akin na magiging ayos lang siya.
-“Gusto mong malaman ang lahat?”
Tama ba ang naririnig ko? Sasabihin na niya ba sa akin ang lahat? Lumapit ako at nagsimula ng makinig sa mga sasabihin niya.
-“Sarah, ako ang kailangan nila.”
-“pero bakit ka nila kailangan?”
-“kasi may mahalaga akong misyon na gagampanan sa kaharian”
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Fiksi RemajaHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...
