Chapter no. 10
“The monthsary”
-“Sarah”
-“oh, hi Mayette, hi David”
Salamat at dumating na rin sila David at Mayette. sila na lang rin kasi ang hinihintay naming dalawa ni Harry. Pa-VIP pa kasi sila sa pagdating. Kiniss ako ni Mayette sa pisngi. Pakiss-kiss pa siya ano siya amerikana?
-“tara, pasok na kayo” –Harry
Pumasok na nga sila sa loob. Ningitian ako ni Harry at kinidatan ko naman siya. Background music? Lucky i’m in love with my bestfriend...etc.. blah..blah...blah..
Habang nakaupo na ang lahat sa kani-kanilang upuan with their matching gowns and dresses na ang sabi namin ay white and blue lang ang susuotin. Gaya nga ng sinabi ni Harry, madaming pumunta kasama ang mga kaibigan niyang foreigners. Nagtataka nga ako kung may magic din itong mga ito, o baka naman ay nakuntyaba na sila ni Harry.
Nakaupo ako kasama ang mga kaibigan niya. Tumayo si Harry para sabihin ang speech niya sa lahat. Ang arte naman nitong lalaki na’to my speech pang nalalaman.
Nag-hire din siya ng mga musicians.
-“Hi, mga friends and classmates. Unang-una sa lahat, maraming salamat at pumunta kayo sa event na’to., kahit medyo hapon ng nagsimula dahil hinihintay pa natin ang espesyal nating bisita na sila David at Mayette.
(Actually di ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinasabi ni Harry)
Palakpakan po natin sila.
(nagtinginan lahat ng tao sa kanilang dalawa, nakita kong nakatingin sa akin si David)
Pero ngayong kumpleto na tayo, magsisimula na ako. Two months pa lang kami mag-on ni Sarah ay feeling ko forever ko na siyang makakasama
(eeiiiwww ang baduy ng speech ni Harry.. hahaha)
Nakita ko siya sa isang mall na mag-isang naglalakad na naka-yuko at parang gusto ng takasan ang mundo. In short malungkot siya.
(anong sinasabi niya? Galing niya ding mag-imbento ah)
Siguro marami sa inyo ay huhusgahan ang event na ito bilang isang kalokohan dahil two months pa nga lang kami, tapos ganito ako magsalita sa inyong lahat. Pero alam niyo po mga kaibigan,
(anu daw? Kaibigan? Ano ‘to senior citizen speech? Ang baduy niya pa lang magdeliver ng speech)
Ang isang relasyon ay hindi nasusukat sa tagal o ikli ng pagsasama ninyo kundi sa kung hanggang kailan niyo maiimagine na sa ganitong panahon o sa ganitong araw ay magkasama pa rin kayo.
(wow! Ang dami niyang alam sa love. Napapatulala na lang tuloy ako sa kanya)
Si Sarah
(ako nanaman?)
Mabait yan kaya ayaw na ayaw ko yang nasasaktan. Kaya nga sumakit yung mata ko ng makita ko siya sa mall mag-isa na may dala-dalang kwintas na may pendant na heart at nakasulat ang initials na DS.
Tinanong ko siya kung ano ang ibig sabihin ng mga initials na iyon at sabi niya, “Dead Sarah”. Interesting? Well, that is how she would LIKE to define it especially those moments.
(nakwento ko nga pala sa kanya yung Kwintas kong iyon na galing kay David. Kailangan kasama talaga yung initials? Kung sa bagay para mahalata naman ni David. Tiningnan ko ulit sila David sa likuran para tingnan ang reaksyon niya sa sinabi ni Harry. Pero paglingon ko, wala na siya doon. Maya-maya ay may kumalabit sa likuran ko pagharap ko ay nakaharap ko kaagad ang hinahanap ko. Magkatalikuran na lang kami sa lamesa.
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Novela JuvenilHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...
