chapter 5- He is a wizard

880 21 0
                                    

Chapter no. 5

Ang Ganda ng bahay nila Harry!!! Ang sarap pasukin ng loo bang laki-laki di katulad ng sa amin maliit lang may garden pero cute tingnan total yung bahay talaga namin ay nasa probinsya. Nagpatayo lang ng abhay sila mama sa Manila para sa aming dalawang mag-ina.

Sumilip-silip ako sa ulay puti nilang bahay. Yung gate nila ay kulay brown.

-“tao po!!”  parang wala namang tao sa loob.

Pagtulak ko ng gate, bukas pala, kaya pumasok na ako.

-“tao po, may tao po ba dito?”

Parang wala talagang tao sa loob ng bahay.  May naririnig akong nagsasalita galing sa itaas ng bahay. Feeling ko si Harry na yun. Ano kaya ang sakit niya? Baka wala na siyang kasama kaya walang bumababa para salubungin ako. Minabuti ko ng puntahan siya sa kwarto niya.

Pagpasok ko sa pintuan ng bahay nila, ay normal lang naman di tulad ng pinopost niya sa FB na kung ano-anong magic things. Wala ngang tao sa loob. Di na ako nagdalawang isip na akyatin siya sa loob. Habang papaakyat ako ng hagdan ay may nagsalitang,

-“anong ginagawa mo dito?”

Kinabahan ako dahil hindi naman iyon boses ni Harry. Natakot ako. Naghalo ang lamig at init sa pawis ko. Sasagutin ko ba o hindi?

-“ahhm, kaibigan po ako ni Harry, da....da...lawin ko po... sana... siya ngayon”

-“sinong nagpapasok sa iyo dito?”

Natatakot na talaga ako. Nakakahiya, na talaga..

-“pasen...sya.. nap o.. kasi.. kasi... kanina pa po ako katok ng katok pero wala pong humaharap sa akin”

-“so, pumasok ka na lang bigla?”

-“opo akala ko po kasi mag-isa lang si Harry sa.... itaas ng kwarto niya. Eh baka po kasi bumaba pa siya ng hagdan para salubungin ako. Alam ko naman po kasing may sakit siya”

-“babae ka ba?”

-“opo”

Papalapit ng papalapit ang matandang boses na iyon.  Nag lagapak ng paa ay unti-unti ng lumalapit sa akin. Nakita ko kaagad ang walis tambo na hawak niya samantalang ako ay nakatayo lang sa likod ng pintuan ng bahay nila.

-“sino ka?” tanong niya

Isang matandang babae ang sumalubong sa akin. Naka-uniform ng pang-maid. Naka-palda at naka-blouse ang maliit na matanda kulay Black ang white din ang combination ng damit niya. ANg mukha ay medyo kulubot na at ang baba ay mahaba. Ang ilong ay medyo matangos. Nagulat ako at akala ko nakakita ako ng multong katulong. Ano ba ito Witch house? Witch house ba ang napasukan ko?

-“ahhmm.. a...ko... po si Sarah, kaibigan ni Harry”

-“kaibigan? Wala siyang kaibigan dati pa. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigang katulad mo”

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bakit ako lang ang kaibigan niya? Ang dami niyang kaibigan sa FB ah.. nagsisinungaling lang bas a akin si Harry?

-“ahhh hehe ganun po ba?”

-“sige, tatawagin ko lang siya. Gwen! Gwen! May bisita ang kuya mo, kausapin mo muna para malibang”

-“sino po so Gwen?”

-“kapatid ni Harry”

Ang bait naman pala ng matandang ito. Ibig sabihin babae ang kapatid ni Harry. Uamlis na ang katulong nila at pumunta na tinawag si Harry. Dumating si Gwen at nag-hi sa akin.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon