Chapter 4- May gusto siya sa akin?

964 25 0
                                    

Chapter no. 4

Kinabukasan, nasa school nanaman ako. Actually, wala pang ginagawa ang mga freshman, palaging vacant at di kami nagiistay sa room. Lumalabas kami ng room at nag-gagala sa school campus. Wala akong kasama ngayong araw, si Harry kasi di pumasok may sakit kasi kaya eto, mag-isa lang akong naglalakad sa school campus ngayon. Ayoko namang sumama sa mga kaklase ko, baka ma-OP lang ako. May mga kaibigan din naman akong mga babae pero ayoko silang kasama ngayon baka maging ANYONE lang ako dun, and di ko naman sila close. In short, si Harry na lang talaga ang may pakielam sa akin.

Tapos, naisipan kong umupo at manood ng soccer. Malaki ang soccer field sa school na ‘to.  Gusto ko nga sanang sumali lalo pa at nag-tetraining na sila ng mga baguhan kasama si David. Naisip ko lang, di naman sikat si David dati eh, simple lang siya katulad ko, masaya kaming nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagkokopyahan sa tests, nag-aaral ng sabay, nag-bibisitahan, nagkukumustahan, nagsheshare ng mga memories and problems. Hindi sikat at hindi mayabang pero ngayon, nakikita kong parang di na niya ako kaibigan at iniiwasan na niya rin ako. Sayang sana nasabi ko na sa kanya noon na may feelings din ako sa kanya bago pa man naging sila ni Mayette. Ano yun, mas pinili niya ba ang kasikatan kaysa sa akin? Well, ganun talaga kailangang tanggapin ang katotohanan. Madami na talagang nagbabago sa mundo isa na siya doon kasama ang company niya.

Habang nakaupo ako sa audience’s seat, marami dinag nanonood. Tahimik lang ako sa panonood at tirik ang araw sa mukha ko pero ayos lang may iniinom naman akong coke kaya din a ko naiinitan, isa pa, umaga naman kaya di pa mainit ang paligid. Napansin kong nanonood din sila Mayette and company. Todo cheer pa siya sa boyfriend niyang manhid. Ganun din ang other FRIENDS niya mga sipsip sa kanya. Grabe, ang ikli naman ng suot niya. Naka-shorts lang at naka- off Shoulder. Ano yun boots? Para siyang witch ang tulis ng boots niya. Ano yun naka-messy bun pa siya. Ewan ko lang ha, bakit yung mga tao gustong-gusto si Mayette samantalang ang sama-sama ng ugali niyan. Akala mo lang mabait at mahinhin pero pag-nagsalita yan, lakas ng sex appeal. Kung ikukumpara naman ang suot ko diyan, mas maganda at presentable naman ako noh. Nakasweater na white at naka-pantalon ng navy blue. Simple lang ang fashion statement ko, a long chain necklace with a heart charm. At ang mode palagi ng suot ko ay vintage kasi mahilig ako sa gardens and unicorns ayun na nga mga middle ages characters. At ang favourite kong hairstyle ay braids pero kahit na medium lang ang haba, pinipilit ko pa ring gayahin si taylor swift sa music video niya na lovestory. Gusto ko talaga ang hair niyang iyon. Di ko maalis ang tingin k okay Mayette hanggang,

-“Ano tinitingintingin mo diyan?” tinuro ako ni Mayette

Naku po, kanina pa yata nila ako pinag-uuasapan. Baka kanina niya pa rin ako pinagmamasdan. Tumingin ako sa soccer field. Naku po, papalapit na siya. Ramdam ko na papalapit na sa kinauupuan ko si Mayette. At si Mayette lang without company.

-“hi, Mayette” ang plastic ko

Hindi siya sumagot, umupo lang siya sa tabi ko

-“so, boyfriend mo pala yung Harry”

Ano bang pakielam nito. Tumango lang ako sa kanya sabay inom sa coke ko. Di ko na siya nilingon pero ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Samantalang ako, nanonood lang ng soccer training. Ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao sa nakikita nilang magkasama kami ni Mayette. Ang ganda pa ng combination ng damit namin ha.. Black and white. Buti na lang ako yung naka-white para ako yung mabait haha. Nagsalita ulit siya,

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon