Chapter no. 11
Paalis na lahat ng bisita namin ni Harry. Nakita kong mag-kausap sila Mayette at David sa tapat ng gate. Sa tingin ko, papaalis na rin silang dalawa. Nagagalit kaya sakin si David dahil ngayon niya lang nalaman na siya ang ang problema ko dati pa? Kakausapin ko pa kaya siya?
-“Sarah!!”
Boses ni David yun ah.. Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses na iyon hanggang sa nakita ko siyang papalapit sa akin. Unti-unti na siyang lumalapit at bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano kaya ang sasabihin niya?
-“Sarah,”
Di ako makatingin sa mata niya sa sobrang kaba ko.
-“ano yun?”
-“gusto ko sanang makabawi sa’yo”
Siya ba yung nagsabi nun? Bakit ganito, pagkatapos kong sabihin sa kanya nag alit nag alit ako sa kanya, sobrang concern naman na siya sa akin. Ano bang balak nito?
-“ibabalik mo ba yung pagiging magbestfriend natin?”
-“oo, kung may pagkukulang ako sa’yo noon, gusto kong bumawi ngayon.please..”
Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang dating David na nakilala ko sa haba ng panahon na nagkalimutan kaming dalawa. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mga ngiting sinaniban ng mga anghel sa kalangitan.
Inaya na ni Mayette si David. Kumapit siya bisig nito na parang sinasabi niyang hindi ko maaagaw si David sa kanya. Talagang sa kanya na si David kung gusto niya kasi tanggap ko naman na hanggang friends lang kaming dalawa ni David. At isa pa, naka-move on na ako sa kanya.
-“sarah, di ko pa naririnig ang sagot mo. Papayag ka ba na makabawi ako sa’yo?”
-“oo basta ikaw.”
Umalis na silang dalawa at narinig kong nagtanong si Mayette tungkol sa kung anong pinag-uusapan namin ng boyfriend niya. Napakapakeelamera talaga niya. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaalis na sila.
-“bye, David” bulong ko.
-“hoy! Ano yung narinig ko?”
Paglingon ko sa lukod, nandoon nanaman si Harry na nagungulit sa akin. Nagtataka ako kung bakit ako napa-oo nito na magpanggap pa rin kahit di ko na habol si David.
-“wala na siya. Di ko na siya hahabulin Harry”
At naghihintayo ako ng sasabihin niya pero wala pa rin siyang sinasabi.
-“ayan ka nanaman di ka nanaman nagsasalita.”
-“napaka-unbelieveble mo kasi”
-“ha? Pano mo nasabi?”
-“parang kanina lang pursigido kang makuha siya, pero ngayon ayaw mo na sa kanya”
-“grabe ka naman, ayaw kaagad? Magkaibigan pa rin kami nun no kahit papaano”
-“babalikan mo siya?”
-“ang kulit mo. Sinabi ng hindi eh”
-“ikaw may sabi niyan ha.. basta ako na bestfriend mo ngayon”
-“ang dali kamong sabihin sa’yo niyan. Pero sige oo pwede na rin haha...”
-“ano, gusto mo pa bang mag-stay dito sa bahay, o ihahatid na kita pauwi?”
Hinarap ko si Harry at hinawakan ang dalawa niyang kamay
-“Harry, thank you ha. Talagang ginawa mo ‘tong lahat para sa akin.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1563943-288-k773742.jpg)
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Teen FictionHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...