Chapter no. 13
-“bilang tayo pwede?”
-“one”- ako
-“two”-Harry
-“three”-ako
Lumiwanag ang paligid na parang nalibutan ng kulay berde at dilaw ang buong lugar. Parang sumikat ang araw mula sa kahon na aming kinatatapakan. May mga nagniningningang liwanag na aakalain mong isang guhit lang na pa-ikot ikot sa aming dalawa ni Harry. Hanggang sa dumami sila ng dumami at lumakas ang ihip ng hangin na halos tangayin ang buhok at damit namin ni Harry. Magkahawak pa rin kami ng kamay. Di ko maipaliwanag ang nangyayari sa aming dalawa.
-“Harry, ang ganda”
-“maghintay ka lang”
Pag pinagmamasdan ko ang lalaking kaharap ko ngayon, parang bumabalik ako sa dating sigla na mayroon ako noon. Sana hindi na ‘to matapos. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanya habang pinagmamasdan ko siya. Di ako makapaniwala na makakaharap ako ng tunay na wizard. Para siyang isang tunay na anghel kung ngumiti ng nakapikit.
Unti unti na niyang idinilat ang mga mata at lumingon sa akin.
-“Pumikit ka” bulong niya
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata kahit kinakabahan ako sa sobrang eksayted. Habang tahimik ang paligid, damang dama ko pa ang lalong paglakas ng hangin dahil sa paghampas nito sa buhok ko na tumatama na sa aking mukha. Di pa rin nawawala pagkakahawak sa akin ni Harry. Naramdaman kong lalo niyang hinigpitan ang kapit kaya sinubukan ko ring kumapit sa kanya na parang ayaw ko ng bumitaw. Gusto kong idilat ang aking mga mata para makita. Gusto kong tingnan kung nakatingin siya sa akin. Bakit ganito? Iba na ang pakiramdam ko. Parang may isang kuryente na dumaloy sa kamay ko papuntang puso. Gusto kong pakawalan ang enerhiyang iyon pero hindi ko kaya sa sobrang sarap sa pakiramdam. Kahit gusto kong dumilat para makita siya, kamay ko na ang nagdikta na lalo pa siyang pagmasdan. Gusto kong lumapit at yakapin siya pero sapat na ang init ng kanyang kamay para maramdaman kong di niya ako iiwan.
May puwersang tumutulak sa amin paitaas ng kahon. Parehas kaming lumulutang sa hangin at alam ko iyon dahil di niya pa rin ako binibitawan. Sobrang lakas ng hangin na aakalain mo ay babagyo na. Walang tigil sa paghampas ang buhok ko sa mukha ko.
Binitawan na ni Harry ang isa kong kamay. Akala ko malalaglag na ako sa paglutang pero hawak niya pa rin ang isa kong kamay kaya hindi ako nahulog.
-“Sarah, yumakap ka sa akin!!!!!”
Nababasa ba niya ang lahat ng iniisip ko? Nakapikit pa rin kaming dalawa. Hindi na kami magkarinigan sa lakas ng hangin na parang may bumababang eroplano sa tabi naming dalawa. Maririnig mo na ang lagaslas ng mga dahon sa lupa. Ang punong akala mo ay mapuputol na. Pagaspas ng ibon sa kanilang pakpak na sa palagay ko ay nasira na ang bahay.
-“HAAAARRRYYY!!!! Ano na bang nangyayari?”
-“Basta,,,, wag kang didilat.. yumakap ka lang sa akin. Wag kang matatakot walang mangyayaring masama kapag nagtiwala ka sa akin. Kaya sige na Sarah... malapit na tayong makarating sa pupuntahan natin!!!!”
Nagkakasigawan na kaming dalawa.
“Pupuntahan? May pupuntahan kaming dalawa?!!!!”
-“OO!!! Bilisan mo, kumapit ka na sakin, baka maiwanan ka!!!”
Tumindi ang pagkakahawak sa akin ni Harry sa kamay ko. Pero may puwersang pinag lalayo kaming dalawa kaya hirap akong makalapit sa kanya. Para kaming magnets na may like poles. Kung susumahin, pareho kaming northpoles dahil nga sa nakalutang kami.
-“Sarahh.!!! Nasan ka na?”
-“Harry,.. di kita maabot!”
Pinilit naming dalawa na magkalapit pero di makaya. Iisang kamay lang ang hawak niya sa akin ngayon. Sa sobrang lakas ng hangin ay din a ako makaharap sa kanya.
Hanggang sa naramdaman kong nabitawan na niya ang isa kong kamay at hindi ko na siya maramdaman. Pero nagulat ako sa lakas ng pagkakahatak niya sa braso ko na naging dahilan ng paglapit naming dalawa. Kaya nagkaroon na ako ng lakas para yakapin siya.
Patuloy pa rin ang bulusok ng hangin sa aming dalawa, kaya mahigpit na ang yakap ko sa kanya.
Amg sarap pala sa pakiramdam na magkayakap na kayong dalawa kahit ang lakas ng hangin. Nag-aalala pa rin ako na baka ang mukha naman ni Harry ang nahahampas ng buhok kong hanggang siko.
-“Sarah!!! Wag kang didilat!!”
-“OO!!!! Saan ba tayo pupunta????!!”
-“Malalaman mo mamaya!!!”
Kung saan man kami tangayin ni Harry ng hangin, kung tatangayin nga kami, sana naman ay maganda yun. Baka pagkatapos lang namin itong gawin, makarating kami sa lugar na puro basura. Saan pa nga ba iyon? edi sa kinatatayuan namin. Malamang sa lakas ng hangin, nagkalat na ang lahat ng lamesa at upuan.
Inabot siguro kami ng tatlong minutong magkayakap ni Harry . Di ko aakalaing ganito pala ang pakiramdam na kayakap siya ngayon. Lahat ng gusto kong gawin kanina ay abot kamay ko na. Damang-dama ko rin ang puso niyang sobrang bilis ang tibok. Nakikiliti ang tenga ko sa hangin na lumalabas sa kanyang hininga. Sana hindi na ito matapos.
Narinig kong bumulong siya ng,
-“in a the name of love, bring us to land where the diamonds flicker in a smooth waves of the sea. Where the stars fall in a rough surface of a stone. Where love conquers all.”
Lalong tumindi ang lakas ng hangin.
Hanggang sa bigla itong humina na parang normal na lang ang lahat. Nawala na ang maingay na bulusok ng hangin pati ang mala-eroplano na tunog. Ang tanging narinig ko ay ang katahimikan at ibon na kumakanta sa isang puno na mapayapang ikinakampay ang sanga. At naramdaman ko rin ang mabagal na paglaglag ng isang dahon sa aking braso.
Unti-unti ng kumakalma ang pakiramdam ko. Para akong nasa isang madilim na panaginip at tanging pandinig ko lang ang gising.
Tinanggal na ni Harry ang kamay niya sa likuran ko at hindi na niya ako niyakap. Ng muli kong idilat ang aking mga mata, tumambad sa aking paningin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kapa. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatakip ito ng pandong. Hanggang sa tinanggal niya ito sa pagkakatakip. Nagulat ako sa nakita ko dahil,
-“Sarah?”
-“Harry?”
Nakasuot siya ng ganoong damit. Kagaya ng damit ng lalaking nakasalubong ko bago ako mahimatay noon. Isa kaya siya sa mga katulad nilang nilalang?
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Novela JuvenilHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...
