chapter 14- He is an angel

448 12 0
                                    

Chapter no. 14

Di ko alam kung dapat ko na ba siyang layuan o dapat ko pa rin siyang lapitan. Masama ba siya o mabuti? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang ay si Harry ang kaharap ko. Si Harry ito ang bagong    bestfriend ko.

Di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Dapat na ba akong matakot? Siguro niloloko lang ako ng paningin ko.

-“Sarah, bakit?”

-“i....kaw? Harry, ....katulad mo rin ba sila?”

-“sinong sila?”

Bakit ganoon pa siya magsalita parang wala siyang alam sa nangyari sa akin noong nahimatay ako. Kung sino ang mga nagpakita bago ako matumba.

Baka namamalikmata lang ako sa nakikita kong tao na kaharap ko ngayon. Hindi dapat ako matakot sa kanya baka mangyari nanaman iyon sa akin. Nilapitan ko siya at marahang hinawakan ang kanyang pisngi.

-“Harry,... sasabihin mo ba sa aking masama kang wizard?”

Hinawakan niya ang kamay ko habang nakasadlak ito sa kanyang pisngi.

-“Syempre hindi.”

Hinalikan niya ang kamay ko at sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, inalis ko iyon sa kanyang kamay.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang may pilit siyang basahin sa utak ko. Pero ang puso kong takot na takot sa mga oras na iyon, mababasa niya kaya?

-“natatakot ka ba sa akin?”

Bukod sa naka itim siyang kapa at pandong ang pang-loob niyang damit ay maihahalintulad sa isang tao na nabuhay pa noong panahon ng mga roman gods. Kung hindi ako nagkakamali, katulad ng isang diwata na lalaki. Parang naka-kulay puti na daster na may belt na kulay silver at isang gladiator sandal na kulay itim. Meron siyang isang pana sa likuran. Sa damit niya pa lang, dapat na ba akong matakot?

-“oo, natatakot ako sa iyo,”

-“sa akin? Ako pa rin naman si Harry kahit ganito ang damit ko eh.”

-“bakit nga kasi ganyan damit mo?”

-“eto kasi ganito talaga ako. At ito ang mundo ko. Nandito ko sa                lupa kung saan ako ipinanganak.”

Tiningnan ko ang paligid at  nasa itaas kami ng isang burol kung saan nakatirik ang isang malaking puno na nagbibigay silong sa aming dalawa ng mga oras na iyon. Iyon ang kaisa-isahang puno na nakita ko sa burol at ang lahat ay natakpan na ng mga damong maliliit na aakalain mong wala ng nakatira sa lugar na yon. Walang tao at nasa mundo ka lang ng kawalan.

Nilingon ko ulit si Harry na nakatayo pa rin sa harapan ko.

-“kung hindi ka masamang wizard kagaya ng mga nakita noon, bakit ganyan ang damit mo? Katulad ng sa kanila?”

-“eh, ganito talaga ang damit ng mga wizard na lalaki.”

Umupo siya ilalim ng puno at naiwan ako sa kinatatayuan ko.

-“ha? Di ba sabi mo, magkakaiba kayo ng klase? May mga mababait, may mga masasama? Kaya bakit ganyan damit mo?”

-“dito kasi, hindi sa damit nakikita kung masama ka o hindi”

Sumandal na siya sa puno at tinabihan ko siya.

-“eh paano mo malalaman kung masama yung mga witch na nakikita mo?”

Kahit nakatingin siya sa malawak na lupain, napapansin kong tumitingin siya sa akin.

-“simple lang, kapag minahal ka niya”

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon