Chapter no. 3
KRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGG!!!!!!!!! KRIIIIIIIINGGGGG!!
Wait lang bakit ganito yung oras, 6:30 pa lang? 5 minutes sige iiidlip ko lang konti..
after 5 minutes... HAA? 7:30?
-“At late ka na”
Sabi ni mama na nasa harapan ko pa habang ako’y nakahiga.
-“hehe, late ako.”
-“FIRST DAY OF SCHOOL MO NGAYON SA COLLEGE!! ”
-“ouch ma ang aga-aga naman ng sigaw mo”
-“bumaba ka na at kumain, mahirap mag-abang ng masasakyan.”
At iyon na nga habang papalabas siya ng kwarto ko, dal-dal na siya ng dal-dal. “kasi naman blah...blah..blah..blah”. Ai, di kop ala naipatay computer ko kagabi, check ko nga muna si Harry
-“SARAH!! BUMABA KA NA ANO BANG BINABAGAL-BAGAL MO DIYAN? MALALATE NA DIN AKO SA OFFICE”
-“NANDYAN NA PO!”
Kaya iyon, hindi ko na nai-check kung may update yung FB ko. Huhuhu. Pero tama si mama kailangan ko ng magmadali kasi malelate na nga ako. And ito ang first year ko sa college kaya, Yakang-yaka dapat ang itsura ko at hindi kailangang defeated.
Ganoon pa rin naman yung school namin. Halos lahat naman ng mga kaklase ko noong High School, sa school na rin ito mag-aaral eh. Sikat kasi ito, isa sa apat na sikat na university sa pilipinas. So, madami talagang nag-enrol na mga kaklase ko. Tapos, iniwan na ako ni mama, kaya ko naman kasi mag isa.
Sa paglalakad ko ng mabilis, at hindi ko na alam ang pupuntahan ko, may nakabangga akong lalaki. Tinatanong niya kung saan daw yung room na 223. Ang gwapo niya sobra. Parang nakita ko na siya pero di na tumagal yung pag-uusap namin as in parang dumaan lang siya kasi nagmamadali lang din ako.
Tumingin ako pabalik sa kanya kasi parang kilala ko siya. Hanggang sa may nakabunggo naman sa aking babae.
-“Hi, Princess, Sarah....” pagbati niya sakin
-“hi, Mayette. dito din pala tayo magkikita haha” bitch mode level 99% ako
-“sana nga di na tayo nagkita eh haha.. sige bye..” pacool effect niyang sabi.
Nakakita nga ako ng Anghel, pumalit naman ay demonyo.
Hindi ko hahayaang sirain nanaman ni Mayette ang college life ko. Total di naman na kami magkaklase, aayos din lahat ito. Habang paakyat na ako ng hagdan, naiisip ko si David.
Saan na kaya siya nag-aaral? Hanggang sa may narinig akong nag-uusap sa likod ko, ang pagkakaalam ko ay dalawang tao iyon. Malamang naglalakad din sila dahil hindi na nabawasan ang lakas ng boses nila.
-“pre, anong course ba kukunin mo?” tanong ng isang lalaki
-“electronic communications engineering"
Parehas kami ng course kaya baka maging kaklase ko yung isa. Ewan ko lang.
Di ko na pinansin yung mga pinag-uusapan nila. Nasa tapat ako ng pinto at huminga ng malalim. Sana naman ay wala dito si Mayette o kaya naman ang company niya. Paghawak ko sa door knob, may sumabay sa aking hawakan ito. Hindi muna ako lumingon sa kanya. Parang tumigil ang mundo ko kasi yung kamay niya ay nakapatong na sa kamay ko parang sa lalaki.
-“Ms. Papasok ka ba?” tanong niya sakin
Tiningnan ko siya, oh my goodness... si...
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Roman pour AdolescentsHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...