Chapter no. 23
-“GWEN!!!! Nasaan ka Gwen!!!”
Kakauwi ko lang ng bahay at galit na galit kao sa kapatid ko. Di niya ako pinagkatiwalaan. At ng makita ko siya na pababa ng hagdan na parang walang nangyayari, nilapitan ko siya
-“Ano yung palabas mo kanina? Ha? tinatakot mo ba ako? Di ba sabi ko naman sa’yo ako ang gagawa ng paraan para mailigtas ang mundo natin?pero ano? Ha? anong gnawa mo?!!!”
-“nakita mo pala ako kanina”
Bumaba siya ng hagdan at nilapitan ako sa sala
-“so kuya Harry, ano ba talaga ang balak mo?”
Wala akong maisagot. Sinuntok ko ang pader na sinasandalan ko. Sobrang galit ko ngayon.
-“gumagawa na nga ako ng paraan para maibalik sa dati ang mundo natin pero ano? Inuunahan mo ako”
-“talaga? Hindi ka kumikilos kuya.. wala kang kwenta kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapatay na iyang Sarah na yan”
Umupo siya sa sofa
Tinuro turo ko ang mata niya hanggang sa umabot sa noo niya ang daliri ko
-“itong tatandaan mo Gwen pag may nangyaring masama kay Sarah, ikaw ang malalagot sa akin.”
-“kuya... nasabi mo na ba kay Sarah yung tungkol dun sa wizard na nakita niya sa ilalim ng puno? Yung wizard na pinapatay ng dalawang lalaki? Nasabi mo ba sa kanya na yung narinig niyang boses ay yung boses ng wizard na pinatay? At ang sabi ay SIYA NA BA ANG KAILANGAN NATIN? Buti hindi kaagad napansin ni Sarah na siya pala ang kailangan.hihihihihhihhihi”
-“walang hiya ka GWEN!!!!arghhh!!!”
Pinagsususuntok ko ang pader ng bahay hanggang sa ito’y magkaroon ng malaking wasak
-“hinding hindi ako magkakamali ng hinala kuya.. mahal mo siya.. mahal mo si Sarah kaya ayaw mo siyang patayin. Ang tanong mahal ka ba niya?dun pa lang bagsak ka na..kaya ako na ang gagawa ng paraan para kusa siyang mahalin ka ng sa gayon ay pumayag na siyang mamatay.”
-“hindi... hindi ito nangyayari Gwen!! Wala kang awa!!”
Tumayo siya sa kinauupuan niya tinulak ako ng buong lakas. Napadausdos ako sa sahig
-“at ito rin ang tatandaan mo kuya Harry... Kung hindi mo kayang gawin, ako ang gagawa ng paraan. Wag na wag mo akong takutin dahil mas malakas ako sa’yo. Ako na lang ang natitirang pag-asa ng mundo natin. Sa akin mapupunta ang kaluluwa ni Sarah na naaayon sa propesiya. Kaya wag mo ng aksayahin ang oras mo sa pakikipaglaro sa babaeng iyon. Because at the end of the day, the justice is mine forever!!!”
Iwinagayway niya ang magic wand niya at tuluyan ng naglaho ng kusa.
Naiwan akong nag-iisa sa loob ng bahay. Nasa kapahamakan si Sarah. Di ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin siya. Una galit siya sa akin dahil nalaman niya ang lahat pangalawa, wala na akong sapat na kapangyarihan para malaman kung nasaan siya.
Kapag nanghihina ang damdamin ko, nawawalan ako ng mahigit isang 50% ng kapangyarihan ko. Kaya kung nasaan man si Sarah ngayon, sana lumayo layo muna siya sa mundo g sa gayon ay hindi siya malapitan ni Gwen.
Umakyat ako ng kwarto at doon, kahit hindi ako nagbihis ng damit at basang basa pa rin sa ulan, ay nahiga na lang ako at din a namalayan ang oras sa pagtulog. Unti unti na akong napa-idlip.
-“Sarah, ikamamatay ko ang pagkawala mo sa tabi ko. Ikamamatay ko.”
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Teen FictionHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...