Chapter 1- Im addicted to Magic

1.9K 39 1
                                    

Chapter no. 1

Witch, sorcerers, wizards,unicorn, princes, princesses, knights, heroes and villains. Napakainteresting talaga ng mga iyan. Mahilig kasi ako sa magic, kahit di naman ako witch. Ang cute lang kasing tawagin pag sinabing witch ka. Simple lang, may kapangyarihan at kayang-kaya niyang gawin ang lahat sa isang iglap gamit ang magic wand niya.

Sa totoo lang ang pangit ng tagalong ng witch, MANGKUKULAM.. EEEwww!!! Kadiri talaga di ba? Pero kahit na, ang sinasabi ko naman kasi ay yung mga witch na napapanood sa TV and movies kagaya ng sa Harry Potter, season of the witch, and lord of the rings ano pa ba?

Ui, sikreto lang natin ‘to ha, meron kasi akong kaibigan. Witch daw siya, weird noh?  Nakilala ko siya sa internet. ANg dami-dami niyang mga magic spells na tinuturo sa akin, mga rituals, potions etc. Natatakot na nga ako, kasi nag-eemail pa siya sa akin at sunod-sunod pa. Halos 10 msgs per day kaya nag-change na ako ng email.

Kasalanan ko din naman kasi, kung ano-ano ang sinesearch ko sa net about witchcraft. Mga pangalan ng withches, salem witch trials, maski si Joan of Arc na napagkamalang witch niresearch ko pa. Mga tortures sa kanila noon. Hanggang sa mag-arrive ako sa isang website. Ang daming interesting na topics kaya basa lang ako ng basa. Ang sarap kaya magbasa. Nakita ko ang pangalan niya( yung friend kong witch na tinadtad ako ng emails.), tapos nagsubscribe ako. Then one day, nag-open ako ng mail ko ang dami niyang messages.

Merong isang message na may secret sec.,na magkita-kita daw ang mga witches sa hiding place nila, . at first, di ako naniniwala, pero sa kadahilanang addict ako sa magic, pilit kong pinaniniwalaan.

Pag lubog daw ng araw gagawin ang isang ritual, pag-sapit daw ng madaling araw at tumapat sa iyo yung sinag ng araw tumingin ka sa bintana, in English yung message. Syempre noong una natutuwa pa ako dahil may ganoong klase pa pala ng mga tao. Inuubos ang oras para sa mga ganoong bagay na alam naman ng lahat na hindi totoo. Sabi ko sa sarili ko, talagang maganda ngang iresearch ang witchcraft. The next day, ang dami na niyang message. Umabot yata sa 100, at dahil sa tamad akong magbasa ng e-mail lalo pa’t expected naman kung ano yung mga sinasabi niya, dinelete ko na lahat. Nag-bago na rin ako ng e-mail kasi masyado na akong naantala ng self-proclaimed witch na iyon.

But, pagbukas ko ng FB ko, friend ko na siya!! OMG! Naalala kong hindi ko naman siya inadd sa FB, hindi ko rin naman siya inaccept o baka hindi ko lang napansin. Yun talaga yung pangalan niya doon. Tapos ang dami kong notifications. Inopen ko yung wall ko tapos tadtad ng posts niya. Puro witchcraft na bagay yung nandoon. Mga kwintas, dahon, kabibe, love potions, How-to steps, at kung ano-ano pa. Napagalitan nga ako ni mama eh. Nag-pm pa sa akin na i-unfriend ko daw iyon.

 Pero dahil friend ko na siya sa FB, sinamantala ko na ang pagkakataon para Makita ang kanyang mukha. Tiningnan ko mga photos niya , grabe lalaki pala siya!! Natakot ako kasi parang drug addict lang. Makakapal ang eyeliner, lipstick at yung buhok niya parang sa demonyo nakataas. Natakot ako nung simula pero ng tumagal, nabored din ako sa picture niya kasi paulit-ulit lang na mukha niya. Sayang gwapo pa naman kaso addict. As in sobrang cute niya, manipis yung lips, maputi at ang ganda ng mata niya.

Nagkamali pala ako. Akala ko witch siya, wizard pala. May kasama siyang isang babae na nasa profile picture niya. Maganda yung babae at parang artista. Medyo matangos ang ilong, morena ang kulay, lubog at maamo ang pares ng mata, parang taga Mexico, kung hindi ako nagkakamali.

Pero sana hindi rin siya addict katulad nitong lalaki na ito. Feeling ko, wala lang talaga itong pag-asa sa buhay kaya ganoon ang itsura ng lalaki, o kaya naman ay maporma lang talaga at trying to be good lang sa mga chikas niya. Sa gwapo niyang iyan wala siyang mga chicks? Labo yata nun. But IRL, siguro mabait din si kuya wizard nakikita ko naman sa mata niya iyon pero kahit na, magkaroon man siya ng girlfriend, baka hindi na siya seryosohin. Baka hanggang mukha lang ang habol ng mga girls sa kanya.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon