chapter 15- A man was tortured to death

429 7 0
                                        

Chapter no. 15

Habang nakaupo kami sa puno, may narinig akong lalaki na papalapit sa aming dalawa ni Harry. Siguro, tatlong lalaki iyon.

Napatingin sa akin si Harry dahil parehas naming naririnig ang iyak ng isang lalaking sa tingin ko ay pinapahirapan.

-“naririnig mo rin ba ang naririnig ko?” tanong ko kay Harry

Nakita ko sa mga mata niya ang pinaghalong takot at kaba.

-“PSSHHT... Wag kang maingay”

At dahil kinakabahan na rin ako sa mga naririnig naming papalapit na iyak, di na ako nagsalita at din a rin ako kumilos. Parehas kaming naka-freeze.

Papalapit na ng papalapit ang hiyaw ng lalaki habang bumubulyaw na rin ang mga hampas ng latigo sa lalaki. Mukhang alam ko na kung ano ang naririnig ko. Isang lalaking pinapahirapan sa pagpalo ng latigo.

Di na kami makakilos ni Harry sa kinauupuan naming sanga ng puno. Papalapit na sila ng papalapit sa amin.

Hanggang sa abot tanaw ko na ang tatlong lalaki. Isa ang pinahihirapan at dalawa ang nagpapahirap. Higit higit nila ito at wala ng lakas para manlaban tanging hiyaw na lang ang nailalabas niya sa sobrang dami ng pasa na inabot niya. Nagulat ako dahil ang suot ng lalaking ito ay katulad ng kay Harry. Natakot ako bigla.

Duguan ang lalaking hinandusay nila  sa ibaba ng puno na kinauupuan namin ni Harry kanina. DI nanlaban pa ang lalaki. Isinandal nila ito sa puno saba pinagpapapalo ng kaho at latigo.

Kahindik-hindik ang itsura nito dahil halos wala na siyang dugo. Mangingilabot ka sa mga naglalakihan niyang pasa at sugat sa katawan. Ang buhok niya ay halos basa na rin ng dugo at pawis. Pulang-pula ang kanyang binti at sabog-sabog na rin ang mukha.

Di ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko. Ganito ba nila tratuhin ang mga taong katulad ni Harry?

Pero bakit? Bakit sila pinagmamalupitan?

Hanggang sa narinig kong nag-uusap ang dalawang lalaki sa ibaba habang nakahandusay na sa lapag ang nanghihinang wizard.

-“siya na lang ba ang natitira?”

Lumingon ito sa biktima

-“marami pa sila. Nagtatago ang iba”

Sabay palo sa nanghihinang wizard.

_PAAAAAAAAAAAKKKKKKK!!!!_______             

-“tama na!!!! Ayoko na” hiyaw nito

-“anong tama na? Mga lapastangan!!!”

_PAAAAAAAAAAAAKKKKKKKK!!!!!!!!!_______

-“arghhh!!!!”

-“nasaan si Harry?”

Tanong ng isang lalaki

-“kahit kailan, di niyo siya makikita!!!”

Hindi kaya ang Harry na kilala ko ay siya ring Harry na hinahanap nila? Ibig sabihin ba nito, nasa bingit kami ng kamatayan?

-“Hindi mo sasabihin kung nasaan si Harry?”

Pagmamalupit ng kasama nito

-“hindi.. at hinding hindi ninyo malalaman kung nasaan siya ngayon.”

Tumingin ang duguang lalaki sa mga mata ko. Nakita niya ako sa puno. Nangilabot ako at ni hindi makakilos. Pagtapos niyang tumingin sa akin, ay nilisyaw niya ang paningin kay Harry. Naglalabasan na ang dugo sa bunganga nito at lagas lagas na ang damit.

Kahit hirap akong gumalaw sa mga nasasaksihan at nalalaman ko, unti-unti kong tiningnan si Harry. Nakatingin siya sa lalaking pinapahirapan at may ibinubulong na kung ano.

Makikita sa mata ni Harry na takot na takot siya. Hawak-hawak niya ang magic wand niya at ito’y ikinakampay ng dahan-dahan na nakaturo sa ibaba ng puno. Kung hindi ako nagkakamali, nakatutok na ito ngayon sa lalaking nakahandusay. Paglingon ko paibaba ng puno, may mga ibinubulong ding salita ang lalaki habang nakatingin kay Harry.

Lumiwanag ang lalaki at parang hindi iyon napapansin ng mga namamalo sa kanya. Nawalan na ito ng malay at pumikit. Tumigil sa pagpalo ang dalawa at iniwan na nila itong nakahandusay. Duguan at parang isa na lamang sariwang bangkay.

Kahit natapos na ang karahasang nasaksihan ng dalawa kong mga mata, di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng aking nakita. Naunang bumaba si Harry at hindi na ako sumunod sa kanya. Ni hindi siya tumingin sa akin sa pagmamadali niyang makababa ng puno.

Nang malapitan ni Harry ang lalaki, agad niyang hinawakan ang dibdib nito. Lumakas ang hangin at lumiwanag ang lahat. Hindi ko na makita si Harry sa ibaba sa sobrang liwanag na parang araw. Tanging natandaan ko lang ay isang boses na hindi ko kilala, na ang sabi ay,

-“SIYA NA BA ANG KAILANGAN NATIN?”

Hindi ko alam kung binuhay ni Harry ang lalaki, o ginamot niya lang. Pero ang boses na iyon, parang isang boses na narinig kong humiyaw kanina. Boses na nagpatayo ng balahibo ko. Boses ng isa sa tatlong lalaki kanina. Si Harry ang pakay nila,, hindi kaya...

Nawala ang liwanag at bumalik sa dati ang itsura ng lugar. Nawala ang duguang lalaking pasan-pasan  ni harry sa kanyang braso at ang nakakasindak sa lahat,  ay parang nanaginip lang ako. Lumingon lingon ako sa paligid at pilit na hinanap si Harry pero  Nakita ko siyang nakaupo sa ibaba ng puno habang nakasandala ang likod niya rito. Parang walang nangyaring karahasan. Parang  imahinasyon ko lang ang lahat.

Bumaba ako ng puno para tanungin kung ano ang nangyari sa lalaki

-“Harry, nasaan na yung... ano... yung hawak mo kaninang lalaki?”

Medyo mawindang windang pa rin ako sa mga tinatanong ko.

Ngumiti lang siya at napatingin sa akin.

-“saan ka ba nagpunta?”

Ha? Tinatanong niya ba kung saan ako nagpunta? Nakalimutan niya nab a ang lahat? Sino ba ito? Si Harry ba itong kaharapo ko ngayon? Parang hindi siya!!

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob para tanungin ulit sa kanya ang tinanong ko kanina na hindi niya nasagot.

-“Ha...rryyy? “

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya

-“nasaan  na yung lalaking hawak mo kanina?”

Di pa rin siya makapagsalita. Yung mukha niya ay parang natroma. Sana hindi pa baliw itong kasama. Nauna pa siyang mabaliw kaysa sa akin.

-“bakit di ka sumasagot? Ano bang pinagsasasabi mo na nasaan ako? Nakita mo kanina dib a? Tayo ang pagkasama sa itaas ng puno.. Sabi mo minamaltrato ang mga kagaya ninyo, hanggang sa may lumabas na lalaking...”

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon