chapter 9- Im falling

656 17 0
                                    

Chapter no. 9

Sabado ngayon at ngayon ang araw kung kailan icecelebrate ang pekeng monthsary namin ni Harry. Syempre gaya ng ineexpect ko, darating si Mayette at David gawa ng magic ni Harry na papuntahin sila dito.

-“Bakit kasi hindi na lang natin gamitin yung magic mo sa pagdedecor no.”

-“Wag na mas maganda kung pinaghirapan natin ang event”

Bakit naman kasi ang engrande ng fake monthsary namin eh. Aakalain mong nasa reception ka ng kasal. Nasa malawak nilang garden ang venue. Ang paalam ko kay mommy ay may project akong gagawin kasama si Harry pero binabagabag ako ng konsensya ko sa pinaggagagawa ko ngayon, sa larong napasukan ko. Pagpapanggap, paghihiganti at FALLING IN LOVE KAY HARRY? Never mangyayari yun.

-“SARAH!! PAABOT NGA NG PUTING TELA DIYAN AT MGA LIGHTS!!!, kanina pa ako dito nagsasalita nakatulala ka lang diyan.”

-“ai, (di ko maiwasang mag-isip eh) SOOORYYY!!!. Ihahagis ko ba sa iyo?”

-“gusto mong nabasag yung bumbilya?” (oo nga naman baka nga naman mabasag haha)

So ayun na inabot ko na kay Harry yung mga gamit.

-“ano bang ginagawa mo Sarah, kanina pa ako naghihintay sa’yo”

Sana si David na lang ang nagsabi ng NAGHIHINTAY AKO SA’YO

-“Opo na po, sorry na... din a mauulit. Bakit kasi hindi mo na lang gamitin yung magic mo noh?”

-“parang naulit mo na yang tanong mo.”

Oo nga pala naulit ko na nga naman.

-“oo naulit ko na pala.hehe”

-“oh, tulungan mo kaya ako dito”

-“paano ba yang ginagawa mo?”

-“nakikita mo itong telang nakapatong dito sa lamesa?”

-“oh?”

-“bubuhulin natin ang bawat sulok niyan para magmukang bulaklak”

-“ha? So, ibig mong sabihin bulaklak yan?”

-“oo”

-“BWahahahahahah... bawahahaha hahaha...”

-“bakit?”

-“ahahaha...di naman yan bulaklak eh, SIOPAO, Yan tol SIOPAO!! hahahaha

-“bahala ka nga..”

-“ai nagtatampo ka? Ito naman binibiro lang”

-“talaga?”

-“hmp, bwahahaha...bwahahaha naniniwala ka?”

-“ang sama mo noh? Kaya di ka pinapatulan ni David eh”

-“Hoy!! Mr. Siopao, wag mong isasali personal kong buhay dito ha..”

-“ano ngayon nararamdaman mo? Sakit di ba?”

-“aba, peste to ah.”

-“may binubulong ka ba?”

-“wala, sabi ko tutulungan na lang kita diyan.ilang tables na lang ba ang kulang?”

-“lima”

-“bale twenty na bulaklak?”

-“yup”

-“okay”

Pumunta ako sa kabilang dulo ng lamesa at nakaupo kagaya ni Harry. Hapon na at padilim na rin ng gabi. Di kami nagpapansinan ni Harry. Ewan ko ba ang tahimik namin habang nagdedecor. Siguro na offense ako sa sinabi niyang di ako pinatulan ni David.

Ano nga kaya ang magiging itsura ng event na’to? Magiging successful kaya? Di ko masabi. Tinitingnan ko si Harry sa kabilang dulo ng lamesa na nag-aayos ng tela. Parang inspire na inspire yung mata niyang gawin yung bulaklak. Dahil ba iyon sa sinabi kong mukhang siopao yung ginagawa niya o talagang masaya siyang gumagawa ng bulaklak?

-“Sarah, wag mo namang higitin yung tela, wala ng natitira sa akin eh.”

-“oh, ayan na sorry”

Sa sobrang pagsulyap ko sa kanya, di ko namalayan na ang kapal na pala ng tela na hawak-hawak ko. Kaya siguro siya focus sa paggawa kasi di niya mahila yung tela galing sa’kin. Nakakatuwa naman siya.

Narinig ko siyang kumakanta ng,

-“Lucky i’m love with my bestfriend...lucky to have”

-“Ang ganda ng boses mo”

-“ha? May sinasabi ka ba?”

-“sabi ko, (parang ayaw ko ng ulitin yung sinabi ko ah)”

-“ano?”

-“sabi ko bakit di ka mag singing lesson, maganda naman yung boses mo”

Wala na akong narinig na nagsasalita sa kabilang banda ng lamesa. Akala ko magsasalita pa siya matapos kong purihin.kaya nanatili yung katahimikan.

-“actually, para sa’yo yung kanta na yun”

Kahit di niya ako nakikita, napapangiti na ako mag-isa. Parang na lock na yung jaw ko sa sobrang pagpigil ko ng pagtawa.

-“ha?... pakiulit nga ...hmpp..yung sinabi mo?”  (sana hindi halata yung manipis kong boses sa kakangiti. Sana ulitin niya yung sinabi niya. )

-“sabi ko para sa’yo yung kanta ko”

-“bakit naman?”

“gusto mo ulitin ko?”

-“bahala... hmpp.. ka”

-“Lucky i’m in love with my bestfriend....”

Habang kinakanta ni Harry yung kanta, naaalala ko nga si David na bestfriend kong sobrang inlababo ako.

-“bakit sa dinami-dami ng kanta, yan pa ang kinanta mo?”

-“ayaw mo ba?”

-“di ba obvious? In love ako kay David na bestfriend ko? Parang ako lang yun”

Tumahimik nanaman siya samantalang gusto ko pa siyang kausapin.

-“oh, bakit tumahimik ka Mr. Siopao?”

-“wala... sabi ko your welcome”

-“ahh, akala ko may gusto ka pang sabihin eh..nakakatuwa yung kanta mo sa totoo lang... at magandang theme song yun para sa amin ni David... patugtugin mo yun mamaya ha para mainis si Mayette”

-“oo”

Pagkatapos namin mag-ayos ng mga lamesa, nag-ayos naman kami ng mga ilaw. Christmas light na kulay white and blue na terno sa chairs and tables. Wala pang pumupuntang kaklase namin o kaibigan. Nang makita kong makita ang buong venue na pinaghirapan naming tapusin, ay hiyang-hiya ako kay Harry dahil siya ang nag-plano ng lahat na sa tingin ko ay magiging successful.  Nakaupo kami sa harap ng bahay nila sa hagdan papuntang teres. Bakas pa rin sa damit namin ang duming iwan ng mga props na natapos naming gawin ng konting oras lang ang ginamit.

Pero kahit na ganoon naintindihan ko na kung bakit ayaw gamitin ni Harry ang magic dahil lalong mararamdaman mo ang lugar kung ikaw mismo ang gumawa. Katabi ko siyang nakaupo sa hagdanan. Nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod at ako naman ay nakapatong ang mukha sa kamay.

-“Sarah, ilang bisita ang inimbitahan mo?”

-“wala”

-“buti naman,, marami kasing kaibigan ko ang pupunta eh..”

-:mga ilan sila? Baka puro lalaki naman yan”

-“hindi naman, madami ding babae.”

-“at sana makahanap ka ng girlfriend mo dun”

-“aba, daig mo pa lalaki sa pag-expect ng mga darating ha”

-“haha. Ako pa”

-“dapat nga pala palagi kang handa kasi madami akong pakulo.”

-“anong pakulo yun? Nakakakaba ka naman”

-“malalaman mo mamaya”

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon