chapter 19-21 Soccer game: lose her or win her Harry

529 7 0
                                        

Chapter no. 19

Maya- maya pa’y nakielam sa pag-bubulungan namin si professor Cayabyab.

-“Harry and Mayette, what are  you doing?”

Napatingin sa amin si Sarah at si David. Di ko na lang siya nilingon. Pinagpatuloy ko na alng ang pagsagot ko sa mga tanong ganun din si Mayette.

Lumayo na ang tingin ng professor sa ibang estudyante at bumalik sa dati ang lahat. Hanggang sa bumulng nanaman sa akin si Mayette.

-“sabi ko sa’yo eh. Lilingon sila sa atin if we create a scene”

Di ako makapaniwala sa naririnig ko kay Mayette. naintindihan ko na ang lahat. Nagseselos lang talaga siya kay Sarah kaya gumawa naman siya ng eksena at idinamay pa ako para lang maagaw ang atensyon ni David. Sang-ayon din naman ako sa ginawa niya, kasi dahil doon napalingon din sa akin si Sarah.

-“sa susunod hindi na ako papayag na gawin pa natin iyon” babala ko kay Mayette.

Bumalik na kaming dalawa sa pag-sasagot ng  test.  Fuck shit!!! Ang hirap pala ng mga tanong. Lalo na   kapag hindi ka nag-review. Magagamitan ko kaya ito ng magic?

-“pssstttt...” tinatawag ako ni Sarah

Paglingon ko sa kanya, nakatitig lang siya sa kin. May inaabot siyang papel at dali-dali ko iyong kinuha at binasa

ANONG NAGYAYARI SA INYO KANINA? BAKIT KA KINAKAUSAP NI MAYETTE?

Wow!! Ibig sabihin ba nito, may gusto siya sa kin, o curious lang talaga siya sa nangyari kanina? Agad kong sinagot ang tanong niya.

WALA LANG IYON J MAY TINANONG LANG SIYA SA AKIN KANINA

Pagkasulat ko, ay pasimple kong inabot sa kanya ang papel. Matapos naman niyang basahin ay nakita kong may sinusulat nanaman siya

ANONG SABI NIYA?

Ngayon ay pagkakataon ko na para malaman kung ano ang pinagtatawanan nilang dalawa ni David kanina.

ANO DAW ANG PINAG-UUSAPAN NINYO NI DAVID KANINA?

 Inabot ko ang papel at mabilis niya itong kinuha. Nakita ko siyang ngumiti at nababasa ko ang nasa isip niya na siguro sobrang selos si Mayette sa kanilang dalawa. Pero hindi niya alam mas nagseselos ako. Muli kong kinuha ang at papel nakasulat ang,

AH..IYON BA???? WALA LANG IYON. SORT OF CHILDISH TALK. SABIHIN MO SA KANYA WAG SIYANG MAGSELOS. ATSAKA ALAM NAMAN NIYANG BOYFRIEND KITA KAYA WALA SIYANG DAPAT IPAGSELOS

Ito ang gusto ko kay sarah, nililinaw niya kaagad ang lahat ng bagay na bumabagabag sa akin. Ang galing ko talaga!!  Di ko masabi kong kinikilig ba ako o hindi. Kasi iba pag kinilig ang mga babae eh. Kinikilig na  ba ako? Ganito ba kiligin ang mga lalaki? Tumatawa at nangingiti mag-isa? Parang tumataas ang blood sugar ko at namamawis? Nagmumukha na akong baliw dito.

Pagharap ko sa computer, dumaplis sa paningin ko si Sarah na nakatingin din sa akin. Nakangiti at parang walang problemang dinadala. Para siyang anghel na hulog ng langit. Parang diwata sa final fantasy.  Ang simple simple niyang babae pero ang lakas lakas ng appeal niya sa akin.

Sinulatan ko siya ulit ng,

OO SIGE NASABI KO NA SA KANYA

May dumating ulit na papel

ANONG SABI NIYA?

 Tanong ni Sarah. Ngayon ko lang napansin, maganda pala siyang magsulat. Parang sulat ng mga tao noong 1920’s

NAIINTINDIHAN  NA DAW NIYA

Sagot ko

AH, OKAY... ALAM MO BA SAGOT SA NUMBER ONE?

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon