chapter 6- the game is on

814 26 0
                                        

Chapter no. 6

Malakas talaga ang tama ko kay David eh. Alam mo yun, kahit bestfriend ko siya, at hindi ko na siya nakakasama, akalain mong pagseselosin ko siya kay Harry na isang ewan, di ko alam kung saang lupalop siya nanggaling. Basta, pumayag naman si Harry na maging fake boyfriend ko eh, at may kapalit daw yun. Hindi ko talaga alam kung ano pero nakasisiguro akong di ako sasaktan ni Harry kasi bait-bait niyang lalaki. But hanggang friends lang kami I swear, mas bet ko pa rin si David no.

-“Sarah, ano na?”

Tanong sa akin ni Harry habang nagtatago kami sa pader at kanina pa pasilip-silip kay Mayette at David sa hallway.  “wag na lang kaya natin ituloy?”

-“ano ka ba? Di ba ikaw may pakana nito, ngayong nandito na tayo, saka ka pa aatras. Halika na!”

Nagdadalawang-isip na akong wag nang ituloy ang plano. Hinila ni Harry ang kamay ko, at dali-dali niya akong hinatak sa hallway na halos nakikita na ako ni David at Mayette.

-“Harry, ayusin mo ha” pabulong ko kay Harry habang naglalakad na kami sa Hallway

-“oo sabi mo eh”

-“effective ba ang magic mo?”

-“oo, basta sumakay ka na lang”

-“okay”

Ayan na papalapit na kami ng papalapit kay David at sa girlfriend niyang maarte. Maarte pa sa baklang nasa parlor na may pink na highlights. Kinakabahan na ako ng sobra sobra. Magagawa kaya namin? Si Harry naman masyadong kalmado, kakausapin lang naman niya si David na parang makikipagkaibigan eh. Total gusto ni David na makipagkaibigan kay Harry, well ito na yung time papayag na rin akong kaibiganin nila si David dahil nakakasigurado naman akong sa akin lang siya susunod.

Eto na, kapantay na namin sila Mayette sa daan. Katulad ng dati ganun pa rin ang pakikitungo nila. Nanlilisik nanaman ang mata ni Mayette sa akin at kay Harry. Feeling ko lalong nagalit sa akin si Mayette dahil dun sa ginawa ko sa kanyang pagpapahiya. Hmm.. dapat lang sa kanya yun.

-“Harry,”  tawag ni David  “and of course si bestfriend. Hi, Sarah” mas nauna niya pang napansin si Harry kaysa sa akin. Makikita mo rin David, magseselos ka sa amin.

Umakbay sa akin si Harry. Magaling din pala siyang umakting. At no choice ako kundi sumabay sa mga pakulo niya.

-“hello, David” sagot ni Harry

-“oh, musta?”

-“ayos lang ang bait pala ng bestfriend mo ano? Nagtataka nga ako kung bakit di siya nakuha ng ibang lalaki kaagad eh.”

Nangiti na lang ako sa sinabi ni Harry.

-“totoo ba ang sinasabi niya Sarah?” tanong ni David sa akin

-“oo, ikaw ha.” (Sa’yo lang naman ako nagiging makulit)

-“so, Sarah, kailan pa naging kayo ni Harry?”

-“matagal na pre. Noong bakasyon” sabat ni Harry

(anung pinagsasasabi ni Harry? Ayos din pala itong kasama. Magaling na nga umarte, magaling pa  gumawa ng istorya. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas)

-“oo noong bakasyon pa nga naging kami nitong si Harry eh,”

-“eh saan kayo nagkakilala?” - David

-“sa mall na pinagbobondingan natin noon.” Sabi ko

-“pumupunta ka pa pala doon? Sino kasama mo?”

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon