Chapter no. 17
Ang sakit ng ulo ko!! Napagod ako dun ah. Si Sarah kaya? Sana hindi pumalpak ang magic ko at napunta na siya sa kwarto niya.
Napagod ako sa mga nangyari sa amin ni Sarah. emotionally tired and mentally depressed sa mga pinagtatatanong niya tungkol sa mundo ko at sa gulong napasukan ko. Dapat ko bang pagsisihan ang lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon? Ang BLURRRRREDD ng kasagutan. In short, ang labo!!!
At dahil hindi ako makatulog kahit nakapatay na ang ilaw at ang init na sa pakiramdam ang sobrang pag-iisip kay Sarah, nagdecide humarap sa kaliwa. Pero dumaan ang mahabang minute? Di ko alam kung minute ba o oras na iyon, nagpaikot ikot na lang ako sa kama. Haharap ako sa kanan tapos mangangawit, haharap nanaman sa kabila. ARRGHHH>>!!! I can’t take this anymore.. I need a cold water out of nowhere!!
Bumaba ako ng kusina at kumuha ng malamig na tubig to refreshen my mind, at kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.
Nang nakainom na ako, bumalik ulit ako sa kwarto ko at nahiga
Kumusta na kaya si Sarah? Sana maintindihan niya lahat. Pero paano nga ba niya maiintindihan kung ako sa sarili ko ay di ko rin makuha. THIS IS SUCH A BULLSHIT!!! Ayoko ng nararamdaman ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Anong gagawin ko?
Kahit pilitin kong pang makatulog, di na talaga ako maiidlip kahit isang oras lang.
Hi, Everybody, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Harry. You may think na in love ako kay Sarah, pero sa totoo lang, hindi ko din alam. Oo naging mag kaibigan na kami. Pero ang tingin ko sa kanya ay mas special pa sa isang kaibigan. Tinulungan ko siya para magselos si David sa aming dalawa pero nag-give up siya na ituloy dahil maayos na ang lahat at unti-unti na niyang natanggap na hanggang doon lang sila ng bestfriend niya.
Natatakot ako na baka malaman ni Sarah ang lahat ng nililihim ko. Ayoko siyang masaktan at madamay sa anumang gulo na napasukan ko. Pero bakit? Bakit kasi sa dami-dami ng pwedeng mag-ligtas sa mundo namin, bakit siya pa ang napili.
Maya-maya’y may narinig akong katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali kong kinuha ang magic wand sa ilalim ng lampshade. Tinutok ko kaagad iyon sa pinto. Lumakas ang ihip ng hangin at nagliliparan ang mga kurtina na animoy alon ng dagat. Yumanig ang lupa na halos bumabaksak na ng alikabok mula sa kisame. Pagbasag ng mga salamin potions at banga na sinabayan pa ng pagbukas at pagpatay ng ilaw. Alam ko kung sino lang ang may kakayahang gumawa ng ganoon at iyon ay si Gwen ang kapatid ko.
-“GWEN!!! Lumabas ka diyan”
dali-dali kong pinalutang ang sarili at todo ilag sa mga nagbabagsakang bubog.
Nandito nanaman siya sa kwarto ko. Ano naman ngayon ang kailangan niya?
-“ahihihihihihihhi”
Paulit-ulit at Palakas ng palakas ang matinis na boses ng kapatid ko.
-“Gwen, asan ka?”
May dumaan na malakas na hangin galing sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Teen FictionHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...