CHAPTER NO. 30
Kasama kong nakagapos sila MAyette at David sa kulungan. Ang dalaawang alagad ni Gwen ay nagbabantay sa labas. Nag-isip isip pa ako ng paraan para makatakas kami sa pagkakagapos hanggang sa nakita ko ang magic wand ko sa isang sulok sa likod ni David na nasa ilalim ng lamesa.
Maya maya ay narinig kong nag-uusap sng mahina sila Mayette at David.
-“David, sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yong kasalanan” panimula ni MAyette
-“ano ka ba, ako dapat ang mag-sorry sa’yo kasi ginamit lang kita para sumikat” sagot ni David
-“wala akong magagawa... minahal kita eh. kaya kahit masaktan ako ng ganito, ayos lang basta kung saan ka masaya doon ako.”
-“alam mo nag-sisisi ako dahil di ko natutunang mahalin ka sa simula pa lang. Kaya sising sisi ako sa mga pinag gagagawa ko sa’yo”
-“wala kang dapat pagsisihan dahil naging masaya naman ako noong magkasama tayo”
Sa tingin ko nagkakamabutihan na silang dalawa.
-“kailangan nating makalabas dito” pag iistorbo ko sa kanilang dalawa
-“ikaw!!! Ikaw Harry ang may pakana ng lahat ng ito..” galit na bulyaw sa akin ni David
-“Wala siyang kasalanan” paningit ni Mayette
-“David, makinig ka... nakita mo ba yang magic wand sa tabi mo?”
Agaran niyang tiningnan ang magic wand sa ilalim ng lamesa. Pilit niya itong kinukuha ngunit di niya maabot kaya itinulak niya na lang ito papalapit sa akin gamit ang paa niya.
Malapit ko ng maabot ang magic ng may biglang pumasok na alagad sa loob kaya kinailangang itago ni Mayette ang magic wand dahil siya ang nasa gitan namin ni David.
-“anong ginagawa ninyo?” tanong sa amin ng nagbabantay
-“wala..” pagtatanggi ni Mayette
Umalis ang alagad at nakuha ko kay Mayette ang magic wand ko.
Maya-maya lang ay makakawala na rin kami dito at mapipigilan ko pa si Gwen.
Pinagana ko ang natitira naming pag-asa para makawala at mailigtas si Sarah.
Nakatingin lang sa akin sina Mayette at si David na manghang mangha sa mahika ko. Bigla itong umilaw ng kulay dilaw na liwanag at lumutang papuntang kamay nila Mayette at ni David.. at sa isang iglap lang ay natanggal ko ang mahiwagang kadena na nakatali sa aming tatlo.
-“saan na tayo pupunta?” tanong ni David sa akin
-“mauna na kayo sa labas... hahanapin ko na si Sarah”
Nasa likod ko silang dalawa na sobarng hinang hina na rin para lumakad pa. Pinatay ko ang dalawang alagad ni Gwen na nagbabantay sa amin kanina.
Hinawakan ko sila David at Mayette para ilabas sila ng palasyo at makarating sa sarili nilang mundo ng hindi na sila madamay pa sa gulo. Pagkatapos ay bumalik ako ng palasyo para hanapin si Sarah.
Binilisan ko ang takbo makita lang si Sarah. Mailigtas lang siya at ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa.
Chapter no. 31
Tumungo si Harry sa kuta ni Gwen para isalba si Sarah sa kamatayan. Madilim ang paligid na nilalakaran niya dala na rin ng mga naglalakihang pader. Nilibot na niya ang palasyo ng walang nakakahuli sa kanya. Naghanap siya ng lagusan para makarating sa parte ng palasyong hindi niya pa nalilibot. Iyon ay nasa itaas ng pinaka malaking tore ng kaharian. Malamang doon idinala ni Gwen si Sarah
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Novela JuvenilHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...