Chapter no. 7
Di ko alam kung saan ako dadalhin ni Harry. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako papalabas ng campus gate. Madadaanan mo ang mga taong may iba’t-ibang pinagkakaabalahan. May mga magpapaxerox, magkokompyuter at sa tingin ko ang iba ay maglalakwatsa lang. Sa mabilis naming paglakad, di nakalampas sa aking paningin ang isang tao na dumaan. Tumigil ang mundo ko saglit ng ako’y kanyang titigan. Naka-itim itong leather jacket na tinernuhan ng pantalon. Nakakatakot at misteryoso ang kanyang itsura ng nagsuot siya ng gwantes at sombrero. Maputi ang mukha at kulay brown ang kulot niyang buhok. Hindi ito napansin ni Harry. Ngunit ang aking kinaalarma sa lahat ay ng may narinig akong isang malalim ngunit mahinang bulong na galing dito. Ang pagkakarinig ko ay “Estre munimgale”, na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Hindi kaya ito konektado kay Harry na isang wizard? Hanggang sa wala na akong marinig na boses kahit ang mga taong nakapaligid sa amin ay di ko na rin marinig. Nanlabo ang mga mata ko.Sinamahan pa nito ang paglabas ng mga taong balot na balot ng kulay itim na tela, mga mukha na hindi ko kilala at may dala-dalang kandila. Sila’y nakalutang at unti-unting lumalapit sa akin. Ang iba’y maiitim at mapupula na ang mata samantalang ang iba ay nakakatakot ang itsura na mapagkakamalan mong ika’y nasa ilalim ng hukay. Nilingon ko si Harry na kanina pa ako hinihila. At ng ako’y tumigil sa paglalakad, nabitawan ko si Harry at dahan-dahan na akong nilamon ng pagkahilo kasabay nito ang pagkahimatay ko sa daan. Pero sa huling sandali ng pumikit ang aking mata, naramdaman ko ang kamay at pag-aalala ng isang kaibigan na humihingi ng tulong, boses na kapag narinig mo ay ligtas ka na.At kamay na umakay sa iyo sa pagkakahiga.
Nararamdaman kong tinatakbo ako ni Harry sa kotse niya, matapos nito ay hindi ko na alam ang nangyari pa. Hanggang sa pagdilat ng aking mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw ng ospital kung saan ako dinala ni Harry. Ang kamay na humawak sa akin ng ako’y mahimatay ay siya pa ring kamay na naramdaman ko ng muli akong nabuhay. Natutulog na siya. Ayos naman na ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Hinawakan ko ang ulo niya at paglingon niya sa akin ay ngumiti siya.
-“okay ka na ba Sarah?” hinawakan niya ang likod ko at tumayo
-“wala ka naman dapat ipag-alala eh.nahimatay lang ako” niyakap ko siya
Iniisip ko pa rin kung alam niya ang nangyari sa akin kanina, kung alam niya ang mga nakita ko bago ako nawalan ng malay. Umupo siya at Tinitigan niya akong mabuti na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Sinisisi niya ba ang sarili niya dahil sa nangyare? Pero sa totoo lang wala na dapat siyang ipag-sisi kasi dahil doon, nalaman kong mabuti talaga siyang kaibigan.
-“Buti na lang at nagising ka ng mas maaga”
-“bakit, May mangyayari ba sa akin kapag di ako nagising kaagad?”
Tinitigan niya nanaman ako. Sasabihin niya bang may kinalaman siya sa nangyari sa akin kanina?
-“Sa monthsary remember?”
Di ko na siya sinagot dahil tumayo na ako sa kinahihigaan ko at pinalabas ko muna siya at magpapalit pa ako ng damit. Buti na lang at dala ko ang PE t-shirt ko. Habang nagdadamit ako, napag-isip isip kong may tinatago sa akin si Harry. Dahil di ako mapakali sa mga titig niya sa akin kanina. Inabot kami ng alas kwatro sa hospital. Matapos namin magbayad, nagderetso kami sa kotse ni Harry. At doon umupo lang kami at nag-usap ng matiwasay.
-“so, ano nga ba yung sinasabi mo kanina?” tanong ko
-“bakit gusto mo pang balikan?”
Ibang klase talagang kausap itong lalaking ito. Concern ba siya sa akin?
-“wag na... jijojoke lang kita. About sa monthsary natin yun di ba?”
Di ako makapaniwala sa sarili ko na sasabihin ko yung words na “Monthsary namin”, ang panget yata ng dating sa kanya ng sinabi ko.
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Roman pour AdolescentsHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...