chapter 12- CReepy

437 12 0
                                    

Chapter no. 12

Habang papaakyat ako ng hagdan, nararamdaman kong parang may sumusunod sa akin. Paglingon ko sa isang gilid, wala naman. Paglingon ko sa kabila, wala din. Siguro natatakot ako kaya nakakaramdam ako ng ganito. Kailangan kong kunin ang libro kailangan ko iyon.

Pagbukas ko ng pinto, binuksan ko kaagad ang ilaw. Di ko muna tiningnan ang loob ng kwarto kahit nakabukas na ang ilaw sa loob.  Huminga muna ako ng malalim at unti-unti nang pumasok sa loob. Di ko na lang pinansin ang takot ko, kunyari normal lang ang lahat.

Habang naghahanap ako, unti-unting nagsasara ang pinto ng kwarto.  Pero di ko na lang pinansin. Kung natatakot ako noon, pwes hindi na ngayon.

Tiningnan ko ang ilalim ng kama niya at wala doon ang libro, sinubukan ko ring icheck yung aparador niya baka sakaling nandoon ang libro pero wala. Nasaan kaya ang iyon. Maya maya ay may narinig akong kakaibang tunog sa likod ko. Mga yapak ng isang tao, na papalapit sa akin. Sabi ko, ay hindi ako matatakot kaya hinarap ko ang likuran ko. Muntik na akong atakahin sa puso ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Walang tao sa likod at walang sumusunod sa akin. Imagination ko lang ang lahat.

Lumapit ako sa salamin na katapat ng isang lamesa na may drawer. Iyon na lang ang hindi ko nahahanapan ng libro. Papalapit ako ng papalapit sa salamin at sa lamesa. Habang naghahalukat ako ng libro sa drawer ng lamesa, may narinig nanaman akong yapak na nanggagaling nanaman sa likuran ko. Pero kailangan kong magpakatatag at hanapin ang libro. Papalapit na ng papalapit ang mga yapak sa akin. Nararamdaman ko ang bawat tapak niya sa sahig na tiles. Tumingin ako sa salamin para malaman kung ano ang nasa likuran ko, hanggang wala akong nakita. Sa sobrang takot at tapang na magkahalong nararamdaman ko ng mga oras na iyon, parang gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko. Hanggang sa nakita ko na ang libro sa drawer at kaagad ko iyong kinuha.

Hawak-hawak ko na ang libro ng may hangin na dumaplis sa tenga ko papuntang baywang. Natatakot akong humarap sa salamin pero pinilit ko pa rin harapin baka guni-guni ko lang ang lahat.

Pagharap ko sa salamin,

-“Sarah, okay na yung box.. wag mo ng hanapin yung libro”

Pagtingin ko sa gilid ko sa may tapat ng pinto, nakita ko kaagad si Harry. Masyado lang siguro akong inunahan ng takot ko bago ko makuha na yung libro kaya kung ano-ano ang napagpapapansin ko.  Buti na lang dumating si Harry muntik na akong mahimatay sa takot.

-“Sarah, tulala ka yata?”

-“ha? Wala lang.. haha ... anong sabi mo? Naayos mo na yung box?”

-“oo kaya din a natin kailangan niyang libro”

-“o sige, bumaba na tayo”

Pagbaba namin sa hagdan di ko naiwasan na tanungin si Harry.

-“Harry, kanina ka pa ba nasa kwarto kanina?”

-“kararatind ko lang bakit?”

“wala”

-“okay”

paglabas namin sa bahay nila makikita pa rin ang mga gamit na nakakalat dahil sa party namin kanina.Di ko alam kung ano ang plano niya. Kung saang garden niya ipapakita sa akin yung ewan ko kung ano ‘yun. Bumaba kami ni terrace nila habang buhat buhat na ni Harry ang box papuntang gilid ng bahay nila. Kaya sumunod na lang ako sa kanya

Tahimik ang paligid sa lugar na ‘yon. Medyo may kalakihan at siguro kung ano man ang gagawin niyang magic ay saktong-sakto na yung space na ‘yun.

-“handa ka na bang buksan itong kahon?”

-“bakit kailangan ako ang magbukas niyan?”

-“ayaw mo? Edi ako na lang.”

-“okay.”

Bakit niya kaya sa akin pa pinapabukas yung karton na ‘yun, baka may lumabas pang ahas dun o kaya naman ay tuko or ewan ko.

Malamig ang paligid at medyo mahangin.Bilog at maliwanag ang buwan. Kumikislap ang kalangitan ng mga bituin. Ang puno at mga bulaklak at nagkikislapan din ng dahil sa ambon kanina. Napansin kong di mabuksan ni Harry ang karton. Sinabi ko sa kanya na pwede naman iyon gamitan ng magic pero ang sabi niya, wag na daw. Kaya na daw niyang buksan iyon. Nagtataka ako sa kanya kaninang ang dali-dali ng pagbubuhat ng kahon, dun siya gumamit ng magic samantalang nakikita kong hirap na hirap na siyang magbukas ng kahon, dun siya hindi gumagamit ng magic. Parang kanina lang din. Hirap na hirap kaming mag-decor pero hindi pa rin siya gumamit ng magic. Ibig sabihin ba nun, hindi siya nahihirapan na tulungan ako noong pinagseselos namin si David? Naalala ko kasing gumamit siya ng magic nun.

-“Sarah, wag mong pipitasin yang bulaklak”

-“tinitingnan ko lang naman ang ganda kasi.”

Inamoy ko ang bulaklak.

-“ang bango naman nito. Sa akin na lang kasi ‘to”

-“di mo ba alam, ang mga bulaklak ay isang lingo kung tumubo lalao na kapag rose tapos pipitasin mo lang”

Nakalimutan ko, pinapahalagahan niya pala ang mga halaman. Bumalik na siya sa pagbukas ng kahon. Nabukasan na niya ang kahon pero hindi niya pa ginagalaw ang laman kaya nanatili pa rin itong sarado.

-“Ready ka na bang makita?”

-“oo,”

-“eh, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Lumapit ka kaya sa akin”

Lumapit ako sa kanya. Mga dalawang metro ang layo.

-“hawakan mo yung kamay ko.”

Kinakabahan ako sa gagawin namin, baka kung ano ang mangyari. Baka pumalpak siya sa magic niya. Tiningnan ko siya na parang ayaw konghawakan ang kamay niya pero di ko matiis ang mukha niya na desididong desidido siyang ipakita sa akin iyon. Humakbang ako papalapit ng papalapit sa kanya.

Inabot niya ang kamay niya at inabot ko naman ang sa akin. Magkahawak na kami ng kamay ng sabihin niyang pumunta daw ako sa loob ng kahon na isang square meter ang laki. Dalawa kaming umapak sa kahon.

Magkaharapan kaming nakatayo sa kahon na iyon na hanggang tuhod namin ang laki.

-“Handa ka nang pumunta sa garden namin?”

Nakatingin lang ako sa kanya ng tanungin niya ako. Tanging tango at ngiti lang ang isinagot ko na ang ibig sabihin ay handa na ako.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon