chapter 22- Goodbye Harry

395 6 0
                                    


Chapter no. 22

-Ayoko na kay Harry.. Niloko niya ako.. niloko niya ako... Wala siyang kwentang tao... . Wala siyang kwenta!!

-“Sarah, wag ka ng mag-alala makakahanap ka rin ng lalaking para talaga sa’yo”

Nag-uusap kami ni David sa bahay nila. Nakita niya kasi akong tumatakbong mag-isa sa labas ng school kaya nilapitan nya ako. Inaya niya ako sa bahay nila para magkape dahil sobrang lamig sa labas dala na nga rin ng matinding ulan at kulog na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nagalit lang ako ng konti, umulan na.. bumagyo na.. kumulog,,, kumidlat pa...

Kaharap ko ngayon itong isang lalaking minahal ko noon ng hindi niya alam kaya tinalikuran ako at sumama sa ibang babae. Mag bestfriend kami ni David at naiintindihan kong hanggang doon na lang iyon simula ng dumating Harry.  Nakaupo kami sa sala nila habang hinahanda ng nanay ni Harry ang meryenda para sa aming dalawa. At homa na t home naman ako sa bahay nila kahit papaano. Close kami ng nanay niya dahil mag-bestfriend nga kami at palagi ako sa bahay nila noong high school lalo na kapag gumagawa ng assignment.

-“Sarah, hindi mo naman kailangan umiyak eh”

Inabot niya sa akin ang isang panyo

-“wala na siya... ayoko na sa kanya”

-“bakit ano bang nangyari?”

Napatingin ako kay David at makikita sa mata niya na talagang concern na concern talaga siya sa akin. Yung tingin na parang gusto ng kasagutan at katotohanan. Naalala ko, ganun din ba ang tingin ko kay Harry noong gusto kong malaman ang lahat lalo na ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Ganito pala ang pakiradam kung hindi mo alam ang isasagot mo sa taong nakatingin sa’yo. Palagi palang ganito si Harry katulad ko, di alam ang sagot.

Pagsinabi ko naman kasi kay David ang lahat, di siya maniniwala

-“Oh, bakit nakatulala ka na lang diyan?” tanong niya

-“sabi ko, bakit kayo nag-away ni Harry? Anong nangyari?” muli niyang pagpapatuloy

-“maniniwala ka ba kapag kinuwento ko sa’yo?”

-“oo, maniniwala ako sa’yo”

Yumuko siya ng nakaupo na gustong gusto talaga niyang makinig sa mga sasabihin ko.

-“kahit napaka-imposibleng mamgyari at mahirap patotohanan?” sana maniwala siya sa akin

-“oo, maaasahan mo ako diyan”

Lumapit ako sa kanya para walang ibang tao na makarinig sa pag-uusapan naming dalawa

Kinuwento ko lahat kay David ang lahat. Naisiwalat ko ang tungkol kay Harry at ang pagiging wizard niya, ang misyon niya at ang pagpapanggap naming dalawa. Nakakahiya mang aminin kay David ang pagpapanggap, di ko pa rin sinabi sa kanya yung dahilan.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon